Makatutulong sa inyo ang mga mapagkukunan sa ibaba upang manatiling updated sa mga pangkasalukuyan at tinatayang kalidad ng hangin sa Estado ng Washington pati na rin sa karagdagang impormasyong magbibigay-alam sa inyo tungkol sa mga posibleng alalahanin sa inyong kalusugan mula sa usok na dulot ng sunog. Alamin pa kung paano mapoprotektahan ang inyong sarili at ang inyong pamilya mula sa usok na dulot ng sunog.
- Washington Smoke Blog - Tingnan ang mga pangkasalukuyan at tinatayang lokasyon ng wildfire at usok. Ito ay isang lugar para sa lahat ng inyong impormasyon sa panahong madalas magkausok mula sa wildfire (karaniwang tuwing Hulyo-Setyembre pero puwedeng magsimula nang kasing aga ng Mayo at matapos nang kasing atrasado ng Oktubre). (Ingles lang)
- Webpage ng Mapa ng Kalidad ng Hangin sa Washington ng Department of Ecology (Kagawaran ng Ekolohiya) - Pangkasalukuyan at tinatayang impormasyon tungkol sa kalidad ng hangin sa buong taon. (Ingles lang)
- AirNow - Tingnan ang inyong pangkasalukuyan at tinatayang kalidad ng hangin sa buong taon, at alamin kung ano ang pangunahing nagdudulot ng polusyon sa hangin sa inyong lugar. (Ingles lang)
- Gabay para sa Polusyon ng Particle sa Kalidad ng Hangin sa Washington (PDF) - Nagbibigay ang graphic na ito ng mga rekomendasyong pangkalusugan batay sa Air Quality Index (AQI, Indeks ng Kalidad ng Hangin) ng Environmental Protection Agency (EPA, Ahensiyang Tagapagprotekta ng Kapaligiran) para sa PM2.5.
- Gamitin ang mga mobile app na ito upang malaman ang kalidad ng hangin kahit kailan, kahit saan:
- Air Quality Washington - Gumagamit ang app na ito ng impormasyon mula sa Washington Air Quality Network (Network para sa Kalidad ng Hangin sa Washington) ng Ecology. Ang website ng Washington Air Quality Network ay nag-aalok ng paraan upang i-download ang web app. (Ingles lang)
- AirNow - Ang mobile app na AirNow ng EPA ay nagbibigay ng interface para sa pag-alam sa pangkasalukuyan at tinatayang impormasyon tungkol sa kalidad ng hangin. Awtomatikong ipinakikita sa app ang kasalukuyang AQI (Air Quality Index) para sa inyong lokal na lugar o sa anumang lugar na nais ninyong malaman. Para sa usok, gamitin ang tab na “Usok”. (Ingles lang)
- Ang inyong lokal na ahensiya para sa malinis na hangin at organisasyong tagapagbalita ay maaaring mayroon ding mga mapagkukunang nakalaan upang tulungan kayong manatiling may alam.
Mga Karagdagang Mapagkukunan ng Tulong
Mga Mapagkukunan ng Tulong mula sa Department of Ecology
(Ingles lang)
- Impormasyon tungkol sa usok mula sa wildfire
- Mga ipinagbabawal na pagsusunog
- Mapa ng Hangin sa Washington (mga pangkasalukuyan at tinatayang kondisyon ng kalidad ng hangin)
- Mga ahensiya para sa malinis na hangin sa Washington
- Mga kalang de-gatong
- Pagsusunog sa labas at sa tirahan
- Pagsusunog na pang-agrikultura
- Magsumbong ng ilegal na pagsusunog
Mga Mapagkukunan ng Tulong mula sa Environmental Protection Agency
(Ingles lang)