Mga Madalas Itanong | Pagsusuri sa COVID-19

Pagkuha ng testing kit

Saan ako makakakuha ng COVID-19 test?

Mangyaring subukan ang mga sumusunod na opsiyon:

Kung kailangan mo ng tulong sa paghahanap ng lugar ng pagsusuri na malapit sa iyo, makipag-ugnayan sa iyong lokal na kagawaran o distrito ng kalusugan (nasa wikang Ingles). Maaari mo ring tawagan ang 1-800-525-0127 at pindutin ang #. Kapag may sumagot na, sabihin ang iyong wika upang makakuha ng mga serbisyo ng pagsasaling-wika.

Wala akong access sa internet / Hindi nakasalin sa aking wika ang website. Paano ako makaka-order ng libreng kit sa Washington?

Mangyaring tumawag sa 1-800-525-0127 at pagkatapos ay pindutin ang #. Mayroong makukuhang tulong sa wika. Maaaring mag-order para sa iyo ang call center gamit ang mga online na portal ng Washington at ng pederal na pamahalaan.

Ano ang kailangan kong malaman tungkol sa online na portal ng Say Yes! COVID Test?

Ang programang ito ay isang pagsisikap na pinagtutulung-tulungan ng Estado ng Washington, ng National Institutes of Health (Mga Pambansang Institusyon ng Kalusugan) at ng Centers for Disease Control and Prevention (Mga Sentro sa Pagkontrol at Pag-iwas sa Sakit). Habang may supply pa, maaaring mag-order ang mga tao sa Washington ng dalawang rapid test kit para sa COVID-19, na direktang ihahatid sa kanilang mga bahay ng Amazon.

Dalawa lang ang maaaring i-order sa bawat address ng sambahayan/bahay, kada buwan, at ang bawat order ay may 5 rapid test (mabilisang pansuri). Libre ang lahat ng pag-order at paghahatid.

Para sa mga tanong tungkol sa mismong pagsusuri o kung paano ito isagawa, pumunta sa Digital Assistant ng Say Yes! COVID Test o tumawag sa 1-833-784-2588.

Puwede bang parehong i-order ang Say Yes! COVID Test mula sa DOH at ang Pederal na testing kit?

Oo, kung nakatira ka sa estado ng Washington, puwede kang mag-order sa website ng Say Yes! COVID Test at sa Pederal na Website upang makatanggap ng rapid test kit para sa COVID-19 sa bahay.

Saan ako puwedeng pumunta kung may iba pa akong tanong?

Kung may tanong ka pa tungkol sa DOH Say Yes! COVID Test program (programang Magsabi ng Oo! sa Pagsusuri sa COVID ng Kagawaran ng Kalusugan), pumunta sa page ng Mga Madalas Itanong o tumawag sa hotline para sa COVID-19 ng DOH sa 1-800-525-0127 (may makukuhang tulong sa wika). Para sa mga tanong tungkol sa Pederal na programa ng pagsusuri, pumunta sa kanilang page ng Mga Madalas Itanong.

Kailan ko matatanggap ang aking mga libreng test?

Ang mga test na hiniling sa alinman sa dalawang programa (Say YES! COVID Test (Magsabi ng OO! sa Pagsusuri sa COVID) o Federal Program (Pederal na Programa)) ay kadalasang naihahatid sa loob ng 1-2 linggo pagka-order.

Matapos sundin ang lahat ng inirerekomendang opsiyon sa pagsusuri, hindi pa rin ako makahanap ng test kahit saan. Ano ang gagawin ko kung sa tingin ko ay mayroon akong COVID-19?
Mahigit sa apat na tao ang miyembro ng aking sambahayan. Paano ako makakakuha ng test para sa lahat ng miyembro ng pamilya?
  • Makakakuha ka ng dalawang testing kit kada buwan (may kasamang hanggang 5 test) sa pamamagitan ng website ng Say YES! COVID Test ng Washington.
  • Makakakuha ka ng dalawang karagdagang testing kit (may kasamang 4 na test) mula sa Pederal na programa sa COVIDtests.gov.
  • Maaari kang bumili ng mga karagdagang test na gagawin sa bahay mula sa mga lokal o online na nagtitinging tindahan at botika.
  • Maaari kang kumuha ng PCR test sa lokasyon ng pagsusuri na malapit sa iyo. Maghanap ng isa rito.
Paano ko gagamitin ang aking testing kit?

Mahalagang masunod ang tagubiling nasa loob ng kit ng mga rapid test na gagawin sa bahay para sa pinakatumpak na resulta. Makipag-ugnayan sa manufacturer ng test (nakalagay sa kahon ang kanilang impormasyon) para sa anumang partikular na tanong.

Maaaring maglabas ng hindi totoong negatibong resulta ang mga rapid test. Maaaring may kasamang dalawang test ang ilang testing kit (dapat mong sundin ang tagubiling nasa kahon kung kailan magsusuri).

Pangkalahatang pagsusuri

Sino ang dapat magsuri?

Magsuri kapag masama ang iyong pakiramdam. Ang COVID-19 ay may malawak na hanay ng mga sintomas, kaya kung hindi maganda ang pakiramdam mo, pinakamainam kung magsusuri sa lalong madaling panahon.

Magsuri kapag nalantad ka sa isang taong nagpositibo sa COVID-19. Magsuri agad kung may mga sintomas ka. Kung wala kang sintomas, maghintay nang limang araw matapos malantad at pagkatapos ay magsuri.

Maaaring may kinakailangang pagsusuri at/o pagbabakuna ang mga negosyo at espasyo para sa kaganapan sa Washington bago makapasok sa isang establisimyento o kaganapan. Tumawag muna o tingnan ang kanilang website bago ka bumisita.

Maaaring kailangan mong magsuri bago at/o pagkatapos magbiyahe. Tingnan ang pinakabagong patnubay sa pagbiyahe ng Centers for Disease Control and Prevention (CDC, Mga Sentro sa Pagkontrol at Pag-iwas sa Sakit).

Kapag makikipagtipon ka sa isang grupo ng mga tao, lalo na sa mga nanganganib magkaroon ng malubhang sakit o maaaring hindi updated sa kanilang mga bakuna sa COVID-⁠19.

Ano ang mangyayari kung magpositibo ako?

Sundin ang pinakabagong patnubay ng Centers for Disease Control and Prevention (CDC, Mga Sentro sa Pagkontrol at Pag-iwas sa Sakit) at DOH, at ibukod ang iyong sarili sa bahay nang malayo sa iba. Dapat mag-quarantine ang lahat ng malapitang nakasalamuha.

Upang makapag-ulat ng positibong resulta ng pagsusuri sa COVID-19 na ginawa sa bahay at makakuha ng mga serbisyo ng pangangalaga, mangyaring tumawag sa Hotline para sa COVID ng Estado ng Washington sa 1-800-525-0127. Mayroong makukuhang tulong sa wika.

Kung na-download o napagana mo na ang WA Notify (Pag-abiso ng Washington) sa iyong smartphone, maaari mo ring gamitin ang tool na ito upang mag-ulat ng positibong resulta.

May makikitang karagdagang impormasyon dito: Ano ang gagawin kung nagpositibo ka.

Matapos malantad, kailan magpopositibo ang isang tao?

Kapag nahawahan ang isang tao ng COVID-19, maaaring hindi makita ang virus sa PCR test sa loob ng limang araw matapos malantad. Kaya, maaaring mayroon ka nito ngunit hindi ito maipakita agad sa pagsusuri. Mahalaga ang pagtiyempo ng oras para makakuha ng positibong resulta ng pagsusuri. Kung ikaw ay posibleng nalantad sa COVID-19 ngunit walang sakit, pinakamainam kung magpapasuri ka nang hindi bababa sa 5 araw pagkatapos ng huling posibleng pagkakalantad. Sa pangkalahatan, pinakatumpak ang antigen na pagsusuri kapag may sintomas ang mga tao ngunit magagamit din ito sa mga taong walang sintomas sa ilang sitwasyon.

Gaano katagal bago lumabas ang resulta?

Depende ito sa uri ng pagsusuri, at kung saan ipinadala ang sample na susuriin. Maaaring lumabas ang resulta para sa antigen na pagsusuri sa loob lang ng 10 minuto. Para sa PCR test, maaari itong tumagal nang ilang araw.

Aling test ang pinakamainam isagawa?

Ang pinakamainam na test ay kung ano ang una mong makukuha. Ibig sabihin, kung may test ka sa bahay na handang magamit, iyon na lang. Kung may makukuha kang appointment sa isang lugar ng pagsusuri, kunin mo na ito. Mag-iiba lang ito kapag may partikular na test na kailangan para sa isang sitwasyon (halimbawa, para sa pagbiyahe).

Dapat ba akong magtabi ng test?

Magandang ideya na magtabi ng ilang test na handang magamit. Mag-order ng test kung mayroon sa mga website ng pamahalaan. Kung mamimili ka sa labas at makakita ka ng mga binebentang test, bumili ng kaunti. Ngunit maging mabuting mamamayan at magpasya ayon sa makakabuti para sa lahat. Kapag nagtabi ka ng maraming test, mawawalan ang ibang tao na maaaring mangailangan nito at posible ring mawalan na ng bisa ang iyong mga test bago mo pa magamit ang mga ito.