Biswal na Gabay sa Opisyal na Katibayan ng Pagpapabakuna sa COVID-19 sa Estado ng Washington

Kinakailangan ang pagpapabakuna sa COVID-19 ng maraming negosyo, kaganapan at employer. Tinatanggap sa Washington ang mga sumusunod na uri ng katibayan. Maaaring isang partikular na uri lamang mula sa listahang ito sa ibaba ang tatanggapin ng ilang lokasyon.

Respetuhin ang mga tuntunin ng lokasyon at maagang maghanda para ipakita ang hinihiling na uri ng katibayan.

Card ng Rekord ng Pagpapabakuna sa COVID-19 ng CDC

  • Tinatanggap ang mga orihinal na kopya, kopya o litratro sa mobile device.
  • May bisa ang kumpletong pagpapabakuna dalawang linggo pagkatapos ng huling nairekord na dosis:
    • Johnson & Johnson: Isang dosis, na awtorisado para sa mga 18 taong gulang pataas
    • Moderna: 2 dosis na ibinigay nang may 28 araw na pagitan, sa mga 6 buwan gulang pataas
    • Novavax: 2 dosis na ibinigay nang may 21 araw na pagitan, sa mga 12 taong gulang pataas
    • Pfizer: 3 dosis ang ibinibigay sa mga batang 6 buwan hanggang 4 taong gulang. Dapat ibigay ang unang 2 dosis nang may 21 araw na agwat at ang ikatlong dosis 8 linggo pagkatapos ng ikalawang dosis.
    • Pfizer: 2 dosis na ibinigay nang may 21 araw na pagitan, sa mga 5 taong gulang pataas
COVID-19 Vaccination Record Card Sample

Narito ang ilang kapaki-pakinabang na tip na dapat tandaan pagdating sa pangangasiwa ng iyong card sa pagpapabakuna:

  • ITAGO ang iyong card sa pagpapabakuna sa pagitan ng mga dosis at pagkatapos ng mga ito.
  • KUMUHA ng mga litrato ng harap at likod ng iyong card para magkaroon ng madaling maa-access na digital na kopya. Pag-isipang i-email ito sa iyong sarili, gumawa ng album, o magdagdag ng tag sa litrato para madali mo itong mahanap.
  • MAGDALA ng kopya kung gusto mong magdala nito.
  • HUWAG itong itapon o hayaang mawala!
  • HUWAG mag-post ng selfie online na ipinapakita ang iyong card sa pagpapabakuna. Sa halip, mag-selfie at gamitin ang aming mga digital sticker (Ingles lang) sa pamamagitan ng paghahanap sa #vaccinateWA o #wadoh! Huwag kalimutang i-tag ang @WADeptHealth.
  • HUWAG ipa-laminate ang iyong orihinal na card. Maaari mong piliing ipa-laminate ang isang kopya para dalhin mo.

Sertipiko ng Pagpapabakuna sa COVID-19 o Mga QR Code

Certificate of COVID-19 Vaccination - Sample

Sample A:
Sertipiko ng Pagpapabakuna sa COVID-19. Available mula sa MyIRmobile.com.
WA verify SMART Health Card QR code - Sample

Sample B:
QR Code mula sa WAverify.org
QR Code Endorsed Partner App. - Sample

Sample C:
QR Code na ipinapakita sa mobile app ng isang ineendorsong kaakibat (Maaaring mag-iba-iba ang mga app)

Printout ng Immunization Information System (Sistema ng Impormasyon sa Pagpapabakuna) ng Estado ng WA

  • Mga form ng Certificate of Immunization Status (CIS, Sertipiko ng Katayuan sa Pagbabakuna) na na-print mula sa Immunization Information System (Sistema ng Impormasyon sa Pagpapabakuna) ng Estado ng Washington.
  • Hindi itinuturing na may bisa ang mga entry na sulat-kamay maliban kung pinirmahan ito ng medikal na provider.
Certificate of Immunization - Sample

Ano pa ang itinuturing na opisyal na rekord ng pagpapabakuna sa COVID-19?

  • Naberipikang printout ng elektronikong medikal na rekord mula sa medikal na provider

Para sa mga tanong tungkol sa mga rekord ng pagpapabakuna, tumawag sa 1-800-525-0127, at pagkatapos ay pindutin ang #