Mga Booster na Dosis ng Bakuna

Huling na-update ang nilalaman noong 12/09/2022

Kapag nag-update ka sa mga booster na dosis sa sandaling kuwalipikado ka na, magkakaroon ka ng pinakamabisang proteksiyon laban sa malubhang pagkakasakit at pagkamatay dahil sa COVID-19.

Ang mga updated na rekomendasyon para sa booster na dosis ng Centers for Disease Control and Prevention (CDC) ay ang sumusunod:

  • Ang mga batang 6 buwan-5 taon na nakatanggap ng orihinal na monovalent na bakuna sa COVID-19 ng Moderna ay angkop na ngayong tumanggap ng updated na bivalent booster 2 buwan pagkatapos ng pangunahing serye. 
  • Ang bakuna sa COVID-19 ng Pfizer para sa mga batang 6 buwan-4 taon ay may kasama na ngayong 2 monovalent na dosis ng Pfizer at 1 bivalent na dosis ng Pfizer.
    • Ang mga batang 6 buwan-4 taon na hindi pa nakapagsimula ng pangunahing serye ng Pfizer na may 3 dosis o hindi pa nakatanggap ng ikatlong dosis ng kanilang pangunahing serye ay tatanggap na ngayon ng updated na serye ng Pfizer
    • Ang mga batang 6 buwan-4 taon na nakatapos na ng pangunahing serye ng Pfizer na may 3 dosis ay hindi angkop para sa mga karagdagang dosis o booster sa ngayon
  • Available ang mga booster sa COVID-19 ng Novavax para sa mga taong nasa hustong gulang kung nakumpleto nila ang pangunahing serye ng bakuna ngunit hindi pa nakatanggap dati ng booster sa COVID-19—at kung hindi sila puwedeng tumanggap o hindi sila tatanggap ng updated na mRNA booster. 
Kung nakatanggap ka ng… Sino ang dapat kumuha ng booster Anong booster ang kukunin Kailan dapat kumuha ng booster
Pfizer-BioNTech Mga taong may edad na 5 pataas

Ang mga batang 5 taong gulang na nakatanggap ng Pfizer ay maaari lang makatanggap ng updated na bivalent booster ng Pfizer.

Ang mga 6 taong gulang pataas ay dapat makatanggap ng updated na bivalent booster ng Pfizer o Moderna kahit ano pa ang kanilang pangunahing serye.

Hindi bababa sa 2 buwan pagkatapos makumpleto ang pangunahing serye o nakaraang booster na dosis
Maaari ding piliin ng mga taong edad 18 pataas na makatanggap ng booster ng Novavax kung hindi sila puwedeng tumanggap o hindi sila tatanggap ng updated na mRNA booster. Novavax: Hindi bababa sa 6 buwan pagkatapos makumpleto ang pangunahing serye
Moderna Mga taong may edad na 6 buwan

 Ang mga batang 6 buwan-4 taong gulang ay dapat makatanggap ng updated na bivalent na dosis na may brand na kapareho ng kanilang pangunahing serye.

Ang mga 5 taong gulang pataas ay dapat makatanggap ng updated na bivalent booster ng Pfizer o Moderna kahit ano pa ang kanilang pangunahing serye.

Hindi bababa sa 2 buwan pagkatapos makumpleto ang pangunahing serye o nakaraang booster na dosis
Maaari ding piliin ng mga taong edad 18 pataas na makatanggap ng booster ng Novavax kung hindi sila puwedeng tumanggap o hindi sila tatanggap ng updated na mRNA booster. Novavax: Hindi bababa sa 6 buwan pagkatapos makumpleto ang pangunahing serye
Novavax Mga taong may edad na 12 pataas

Ang mga 12 taong gulang pataas ay dapat makatanggap ng updated na bivalent booster ng Pfizer o Moderna

Hindi bababa sa 2 buwan pagkatapos makumpleto ang pangunahing serye o nakaraang booster na dosis
Maaari ding piliin ng mga taong edad 18 pataas na makatanggap ng booster ng Novavax kung hindi sila puwedeng tumanggap o hindi sila tatanggap ng updated na mRNA booster. Novavax: Hindi bababa sa 6 buwan pagkatapos makumpleto ang pangunahing serye
Johnson & Johnson* Mga taong may edad na 18 pataas Ang mga 18 taong gulang pataas ay dapat makatanggap ng updated na booster ng Pfizer o Moderna na bivalent. Hindi bababa sa 2 buwan pagkatapos makumpleto ang pangunahing serye o nakaraang booster na dosis
Maaari ding piliin ng mga taong edad 18 pataas na makatanggap ng booster ng Novavax kung hindi sila puwedeng tumanggap o hindi sila tatanggap ng updated na mRNA booster. Novavax: Hindi bababa sa 6 buwan pagkatapos makumpleto ang pangunahing serye

*Ang mga mRNA na bakuna ang pinipili, ngunit mayroon pa ring bakuna sa COVID-19 ng Johnson & Johnson kung hindi ka makakakuha o hindi ka handang kumuha ng ibang bakuna.

Mga Dosis para sa Immunocompromised

Kung ikaw ay katamtaman o malubhang immunocompromised, mag-iiba ang mga alituntunin.

Kung nakakuha ka ng… Dapat ba akong kumuha ng karagdagang dosis? Puwede ba akong magpa-booster?
Pfizer: 2 dosis na ibinigay nang may 21 araw na pagitan, sa mga 5 taong gulang pataas Oo, ang mga taong may edad na 5 pataas na katamtaman o malubhang immunocompromised ay dapat kumuha ng karagdagang dosis, 28 araw pagkatapos ng kanilang ika-2 iniksyon.

Oo, inirerekomenda ang updated na bivalent mRNA booster 2 buwan pagkatapos ng huling dosis upang maging updated, para sa mga 5+ gulang pataas.

Ang mga batang 5 taong gulang na nakatanggap ng Pfizer ay maaari lang makatanggap ng updated na bivalent booster ng Pfizer.

Maaari ding piliin ng mga taong edad 18 pataas na makatanggap ng booster ng Novavax, 6 buwan pagkatapos makumpleto ang pangunahing serye kung hindi sila puwedeng tumanggap o hindi sila tatanggap ng updated na mRNA booster.

Pfizer: 3 dosis ang ibinibigay sa mga batang 6 buwan hanggang 4 taong gulang. Dapat ibigay ang unang 2 dosis nang may 21 araw na agwat at ang ikatlong dosis 8 linggo pagkatapos ng ikalawang dosis. Hindi, ang mga batang 6 buwan hanggang 4 taong gulang na katamtaman o malubhang immunocompromised ay hindi dapat makatanggap ng karagdagang pangunahing dosis sa ngayon. Hindi, hindi inirerekomenda ang mRNA na booster para sa mga batang 6 buwan hanggang 4 taong gulang kung nakumpleto nila ang pangunahing serye ng bakuna ngunit hindi Pfizer sa ngayon.
Moderna: 2 dosis na ibinigay nang may 28 araw na pagitan, sa mga 6 buwan gulang pataas Oo, ang mga taong may edad na 6 buwan  pataas na katamtaman o malubhang immunocompromised ay dapat kumuha ng karagdagang dosis, 28 araw pagkatapos ng kanilang ika-2 iniksyon.

Oo, inirerekomenda ang updated na bivalent mRNA booster 2 buwan pagkatapos ng huling dosis upang maging updated, para sa mga 6 buwan na katamtaman

Ang mga batang 6 buwan-4 taong gulang ay dapat makatanggap ng updated na bivalent na dosis na may brand na kapareho ng kanilang pangunahing serye.

Ang mga batang 5 taong gulang na nakatanggap ng Moderna ay maaaring makatanggap ng updated na bivalent booster ng Moderna o Pfizer.

Maaari ding piliin ng mga taong edad 18 pataas na makatanggap ng booster ng Novavax, 6 buwan pagkatapos makumpleto ang pangunahing serye kung hindi sila puwedeng tumanggap o hindi sila tatanggap ng updated na mRNA booster.

Johnson & Johnson: Isang dosis, na awtorisado para sa mga 18 taong gulang pataas* Oo, ang mga taong may edad na 18 pataas na katamtaman o malubhang immunocompromised ay dapat kumuha ng karagdagang dosis ng mRNA na bakuna, 28 araw pagkatapos ng ika-1 dosis ng J&J. Maaari ding piliin ng mga taong edad 18 pataas na makatanggap ng booster ng Novavax, 6 buwan pagkatapos makumpleto ang pangunahing serye kung hindi sila puwedeng tumanggap o hindi sila tatanggap ng updated na mRNA booster.
Novavax: 2 dosis na ibinigay nang may 21 araw na pagitan, sa mga 12 taong gulang pataas Hindi, ang mga taong katamtaman o malubhang immunocompromised ay hindi dapat makatanggap ng karagdagang pangunahing dosis sa ngayon.

Oo, inirerekomenda ang updated na bivalent mRNA booster 2 buwan pagkatapos ng huling dosis upang maging updated, para sa mga 6 buwang gulang pataas.

Maaari ding piliin ng mga taong edad 18 pataas na makatanggap ng booster ng Novavax, 6 buwan pagkatapos makumpleto ang pangunahing serye kung hindi sila puwedeng tumanggap o hindi sila tatanggap ng updated na mRNA booster.

*Ang mga mRNA na bakuna ang pinipili, ngunit mayroon pa ring bakuna sa COVID-19 ng Johnson & Johnson kung hindi ka makakakuha o hindi ka handang kumuha ng ibang bakuna.

Mga Madalas Itanong

Kailangan ko bang kunin ang kaparehong brand ng bakuna para sa aking booster na dosis?

Ang mga batang 6 buwan-4 taong gulang ay dapat makatanggap ng updated na bivalent na dosis na may brand na kapareho ng kanilang pangunahing serye. Ang mga batang 5 taong gulang na nakatanggap ng Pfizer ay maaari lang makatanggap ng updated na bivalent booster ng Pfizer. Ang mga batang 5 taong gulang na nakatanggap ng Moderna ay maaaring makatanggap ng updated na bivalent booster ng Moderna o Pfizer. Ang mga 6 taong gulang pataas ay dapat makatanggap ng updated na bivalent booster ng Pfizer o Moderna kahit ano pa ang kanilang pangunahing serye. Available ang mga booster sa COVID-19 ng Novavax para sa mga taong nasa hustong gulang kung nakumpleto nila ang pangunahing serye ng bakuna ngunit hindi pa nakatanggap dati ng booster sa COVID-19—at kung hindi sila puwedeng tumanggap o hindi sila tatanggap ng updated na mRNA booster. 

Bakit mahalaga ang mga booster na dosis?

Nakakatulong ang mga booster na dosis na magbigay ng tuloy-tuloy na proteksyon laban sa malubhang sakit para sa mga taong may mataas na panganib na magkaroon ng malubhang COVID-19. Inirerekomenda lang dati ang mga booster na dosis sa mga populasyong lubos na nanganganib na magkaroon ng malubhang COVID-19, ngunit pinalawak ang rekomendasyon para maisali ang lahat ng 6 buwan gulang pataas upang madagdagan ang kanilang proteksiyon laban sa sakit na COVID-19.

Mahalaga ito lalo na ngayong dumarami ang mga variant na higit na nakakahawa at ang mga kaso ng COVID-19 sa buong Estados Unidos.

Ang mga bakuna sa COVID-19 na awtorisado at aprubado sa Estados Unidos ay lubos pa ring mabisa sa pagpapababa ng panganib na magkaroon ng malubhang sakit, maospital, at mamatay dahil sa COVID-19, maging sa paglaban sa mga variant. Gayunpaman, maaaring maiugnay ang mga kasalukuyang bakuna sa paghina ng proteksyon sa paglipas ng panahon. Madaragdagan ng booster na dosis ang proteksyong hatid ng bakuna laban sa COVID-19, at makakatulong ito na patagalin ang immunity.

Nagbibigay pa rin ba kayo sa mga tao ng pangunahing serye ng bakuna?

Oo. Ang pagbabakuna sa lahat ng taong kwalipikado sa pangunahing serye ay nananatiling pangunahing priyoridad. Ang bilang ng pagpapaospital sa mga hindi pa nababakunahang taong nasa hustong gulang ay 10 hanggang 22 beses na mas mataas kaysa sa mga nabakunahan na. Lubos na mas mababa ang posibilidad na magkasakit nang malubha (o basta magkasakit) dahil sa COVID-19 ang mga taong nabakunahan na kaysa sa mga hindi pa nababakunahan.  Makakatulong din ang pagpapabakuna sa mga indibidwal na makaiwas sa pagkakasakit at pagdanas ng mga matagalang sintomas na iniulat ng hanggang sa 50% ng mga taong nagkasakit dahil sa COVID-19.

Kung kailangan natin ng mga booster shot, ibig bang sabihin nito na hindi gumagana ang mga bakuna?

Hindi. Ang mga kasalukuyang bakuna sa COVID-19 na mayroon tayo sa Estados Unidos ay mabisang gumagana para pigilan ang malubhang pagkakasakit, pagpapaospital, at pagkamatay, kahit na pa laban sa mga variant. Gayunpaman, napansin ng mga eksperto sa pampublikong kalusugan na nabawasan ang proteksyon laban sa banayad at katamtamang sakit na COVID-19, lalo na sa mga populasyong may mataas na panganib.

Ginawa ang mga updated na booster para palakasin ang immunity at magbigay ng mas mabisang proteksiyon laban sa Omicron variant. Mahalagang makuha ang lahat ng inirerekomendang dosis na available para sa pinakamabisang proteksiyon.

Kung hindi ako kukuha ng booster na dosis, ganap pa rin ba akong nabakunahan?

Ituturing kang updated sa mga bakuna sa COVID-19 kung nakakumpleto ka ng pangunahing serye ng bakuna sa COVID-19 at natanggap mo ang pinakabagong booster na dosis na inirerekomenda para sa iyo ng CDC.

Paano ko ipapakita na kwalipikado ako para sa booster na dosis?

Maaari kang sariling mag-ulat na kwalipikado ka para sa booster na dosis. Hindi mo kailangang magpakita ng rekomendasyon mula sa isang provider ng pangangalagang pangkalusugan.

Pakidala ang iyong kard sa pagpapabakuna sa iyong appointment para sa booster na dosis para makumpirma ng provider na nakuha mo ang serye ng bakuna ng Pfizer na may dalawang dosis. Kung hindi mo dala ang iyong kard, maaaring hanapin ng provider ang iyong rekord.

Ano ang pinagkaiba ng karagdagang dosis ng bakuna at booster na dosis ng bakuna?
  • Ang karagdagang dosis ay para sa mga pasyente (tingnan ang talahanayang nasa itaas) na nakatapos ng pangunahing serye ng bakuna ngunit hindi sapat na malakas ang immune response.
  • Ang booster na dosis ay para sa mga pasyenteng may posibilidad na humina sa paglipas ng panahon ang immunity matapos ang kanilang inisyal na serye ng bakuna.
Ano ang ibig sabihin ng immunocompromised?

Mga taong immunocompromised at nakakuha ng mRNA na bakuna sa COVID-19 na may 2 dosis o bakuna ng J&J na may 1 dosis.

Kung mayroon ka ng alinman sa mga sumusunod na medikal na kondisyon, itinuturing ka bilang katamtaman hanggang malubhang immunocompromised at maaaring makabuti sa iyo ang karagdagang dosis ng bakuna sa COVID-19. Kasama rito ang mga taong:

  • Tumatanggap ng aktibong paggamot sa kanser para sa mga tumor o kanser sa dugo
  • Nakatanggap ng organ transplant o gumagamit ng gamot para pigilan ang immune system
  • Nakatanggap ng stem cell transplant sa loob ng nakaraang 2 taon o gumagamit ng gamot para pigilan ang immune system
  • May katamtaman hangang malubhang primary immunodeficiency (tulad ng DiGeorge syndrome, Wiskott-Aldrich syndrome)
  • May advanced o hindi nagagamot na impeksyong HIV
  • Tumatanggap ng aktibong paggamot gamit ang corticosteroids na may mataas na dosis o iba pang gamot na maaaring makapigil sa immune response.

Kahit na 90% ang bisa ng mga bakunang mayroon tayo laban sa karamihan ng variant ng virus, ipinapakita ng mga pag-aaral na hindi palaging nakakabuo ng malakas na immunity ang mga indibidwal na katamtaman hanggang sa malubhang immunocompromised. Ang ikatlong dosis ay hindi itinuturing na booster, ngunit bilang karagdagang dosis para sa mga hindi nakabuo ng sapat na immunity mula sa dalawang dosis na serye.

Ano ang mga umiiral na medikal na kondisyon?

Ang mga taong may anumang edad na may mga kondisyong nakalista sa ibaba (nasa wikang Ingles lang) ay may mas malaking posibilidad na magkasakit nang malubha dahil sa COVID-19. Ang ibig sabihin ng malubhang karamdaman ay maaaring mangyari sa isang taong may COVID-19 ang mga sumusunod:

  • Maospital
  • Mangailangan ng intensive care (masinsinang pangangalaga)
  • Mangailangan ng ventilator para matulungan siyang makahinga
  • Mamatay

Mahalaga ang mga bakuna (mga inisyal na dosis at booster) sa COVID-19 at ang iba pang mga hakbang para makaiwas sa COVID-19, lalo na kung ikaw ay nakakatanda o may marami o malubhang kondisyon sa kalusugan kasama na ang mga nasa listahang ito. Hindi kasama sa listahang ito ang lahat ng posibleng kondisyong naglalagay sa iyo sa mas mataas na panganib ng pagkakaroon ng malubhang karamdaman dahil sa COVID-19. Kung mayroon kang kondisyong hindi nakalista rito, makipag-usap sa provider (tagapagbigay) ng iyong pangangalagang pangkalusugan tungkol sa kung paano pinakamainam na mapangangasiwaan ang iyong kondisyon at mapoprotektahan ang iyong sarili laban sa COVID-19.

  • Kanser
  • Pangmatagalang sakit sa bato
  • Pangmatagalang sakit sa atay
  • Pangmatagalang sakit sa baga
  • Dementia o iba pang kondisyong neurological
  • Diabetes (type 1 o 2)
  • Down syndrome
  • Mga kondisyon sa puso
  • Impeksyong HIV
  • Kalagayang immunocompromised (mahinang immune system)
  • Mga kondisyon sa kalusugan ng pag-iisip
  • Labis na timbang at katabaan
  • Pagbubuntis
  • Sickle cell disease o thalassemia
  • Paninigarilyo, sa kasalukuyan o sa nakaraan
  • Solid organ o blood stem cell transplant
  • Stroke o cerebrovascular disease, na nakakaapekto sa pagdaloy ng dugo sa utak
  • Mga sakit na dulot ng pagkalulong sa alak o gamot
  • Tuberculosis
Kailangan ba ng mga taong katamtaman o malubhang immunocompromised ng tala/reseta ng doktor o iba pang dokumentasyon para matanggap ang mga dosis na ito?

Hindi, maaaring magpakilalang mag-isa ang indibidwal at matatanggap na niya ang lahat ng dosis sa kahit saang lugar na nag-aalok ng bakuna. Makakatulong itong tiyaking hindi na madaragdagan pa ang mga humahadlang sa populasyong ito na makakuha ng bakuna. Kung may tanong ang mga immunocompromised na indibidwal tungkol sa kanilang partikular na medikal na kondisyon, maaari nilang talakayin kasama ng kanilang provider ng pangangalagang pangkalusugan kung angkop o hindi ang pagkuha ng karagdagang dosis.