Pagsusuri para sa COVID-19

Mga madalas itanong

Maghanap ng Lokasyon ng Pagsusuri na Malapit sa Akin (nasa wikang Ingles)

Iulat ang iyong mga positibong resulta ng pagsusuri sa bahay sa madaling paraan

Ang mga taong bibili ng mga over-the-counter na test kit (mga gamit na pansuri na nabibili nang walang reseta) at makakakuha ng positibong resulta ay dapat tumawag sa hotline para sa COVID-19 ng estado na 1-800-525-0127 at pagkatapos ay pindutin ang #, sa oras na makuha nila ang mga resulta. Magagamit ang hotline tuwing Lunes nang 6 a.m. hanggang 10 p.m., at tuwing Martes hanggang Linggo (at sa mga idinadaos na piyesta-opisyal) nang 6 a.m. hanggang 6 p.m. Mayroong makukuhang tulong sa wika.

Bakit Magpapasuri

Ang pagsusuri ay nakakatulong na magligtas ng buhay. Sa tulong ng pagsusuri, nakakagawa ang mga tao ng mga pag-iingat, tulad ng pag-quarantine, sa tamang oras upang mapigilan ang pagkalat ng virus; maaari pa ring maikalat ng mga nahawahang taong walang mga sintomas ang virus. Nakakatulong din ang pagsusuri sa mga opisyal sa pampublikong kalusugan na matukoy at matugunan ang mga paglaganap ng sakit, at masubaybayan ang mga bagong variant ng virus. Mahalaga ang pagsusuri para maipagpatuloy ang mga karaniwang aktibidad.

Napag-alaman ng mga mananaliksik mula sa University of Washington at Department of Health (DOH, Kagawaran ng Kalusugan) na may posibilidad na ang pagsusuri para sa COVID-19 at pagsubaybay gamit ang WA Notify (Pag-abiso ng Washington) ay nakapigil ng humigit-kumulang sa 6,000 kaso mula Disyembre 2020 hanggang Marso 2021.

Kailan Magpapasuri

Magsuri kapag masama ang iyong pakiramdam. Ang COVID-19 ay may malawak na hanay ng mga sintomas (nasa wikang Ingles), kaya kung hindi maganda ang pakiramdam mo, pinakamainam kung magsusuri sa lalong madaling panahon.

Magsuri kapag nalantad ka sa isang taong nagpositibo sa COVID-19. Magsuri agad kung may mga sintomas ka. Kung wala kang sintomas, maghintay nang limang araw matapos malantad at pagkatapos ay magsuri.

Maaaring may kinakailangang pagsusuri at/o pagbabakuna ang mga negosyo at espasyo para sa kaganapan sa Washington bago makapasok sa isang establisimyento o kaganapan. Tumawag muna o tingnan ang kanilang website bago ka bumisita.

Maaaring kailangan mong magsuri bago at/o pagkatapos magbiyahe. Tingnan ang pinakabagong patnubay sa pagbiyahe ng Centers for Disease Control and Prevention (CDC, Mga Sentro sa Pagkontrol at Pag-iwas sa Sakit) (nasa wikang Ingles).

Kapag makikipagtipon ka sa isang grupo ng mga tao, lalo na sa mga nanganganib na magkaroon ng malubhang sakit o maaaring hindi updated sa kanilang mga bakuna sa COVID-⁠19 (nasa wikang Ingles).

Saan Magpapasuri

Ang website ng Department of Health ng Estado ng Washington ay nagpapanatili ng direktoryo ng mga lugar ng pagsusuri para sa bawat county, na may nakalagay na mga oras ng serbisyo at mga kinakailangan. Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa mga lugar ng pagsusuri, tumawag sa 2-1-1. Mayroon ding mga over the counter na test kit na nao-order at nabibili sa mga botika para sa maginhawang pagsusuri sa bahay.

Gastos

Ang mga provider ng insurance ay magre-reimburse na ngayon sa mga pamilya para sa hanggang walong test kada buwan. Alamin pa ang tungkol sa pag-reimburse ng insurance (nasa wikang Ingles).

Walang gagastusin mula sa sariling bulsa para sa mga pagsusuring gagawin sa county o sa mga lugar ng pagsusuri na sinusuportahan ng estado. Maraming pagsusuri, partikular na ang para sa mga taong nakakaranas ng mga sintomas, ang maaaring singilin sa insurance o gawing subsidy ng Department of Health.

Maaari ka ring bumili ng test na gagawin sa bahay mula sa mga lokal o online na nagtitinging tindahan at botika. Walang kailangang insurance o reseta.

Mga Uri ng Pagsusuri

Kasama sa mga kasalukuyang pagsusuri ang rapid antigen test (mabilisang antigen na pagsusuri), molecular test (na ginagawa sa laboratoryo at sa lugar kung saan inaalagaan ang pasyente), at ilang sariling pagsusuri sa bahay. Iba-iba ang dami ng supply ng anumang partikular na pagsusuri ayon sa pangangailangan at sa kapasidad ng manufacturer.

Paano Magsuri sa Bahay

Mahalagang masunod ang tagubiling nasa loob ng kit ng mga rapid test na gagawin sa bahay para sa pinakatumpak na resulta. Marami ring brand ang nagbibigay ng tagubiling naka-video. Para sa iba pang mabubuting kasanayan, tingnan ang mga tip para sa pagsusuri sa bahay ng CDC (nasa wikang Ingles).

Maaaring maglabas ng hindi totoong negatibong resulta ang mga rapid test. Maaaring may kasamang dalawang test ang ilang testing kit (dapat mong sundin ang tagubiling nasa kahon kung kailan magsusuri).

Para sa iba pang impormasyon tungkol sa kung paano gumagana ang pagsusuri, pumunta sa aming page ng mga madalas itanong tungkol sa pagsusuri.

Paano Gumagana ang Pagsusuri

Ginagawa ang karamihan ng pagsusuri gamit ang swab sa ilong. Maaaring isagawa ang ilang pagsusuri sa pamamagitan ng pagkolekta ng laway. Marami pang detalye ang makikita sa page ng mga madalas itanong tungkol sa pagsusuri.

Kailan Gagawin ang Pag-quarantine o Pagbukod

Maaaring kailangan mong mag-quarantine o bumukod bago magsuri at pagkakuha ng iyong resulta. Dedepende ito sa iyong katayuan sa pagpapabakuna at kung may mga sintomas ka. Ipinapakita sa pinakabagong patnubay ng CDC ang iba't ibang sitwasyon (nasa wikang Ingles). Maaari mo ring sundin ang aming patnubay para sa mga taong may sintomas at/o nalantad sa COVID-19.  

Pag-follow Up

Manatili sa bahay hangga’t maaari kung mayroon kang mga sintomas.  Kung nagpositibo ka sa pagsusuri sa COVID-19, ang magandang balita ay may mga hakbang kang magagawa upang mapanatiling ligtas ang iyong sarili at ang iba pang mga tao. May makikitang karagdagang impormasyon dito: Ano ang gagawin kung nagpositibo ka.