Ang Department of Health (DOH, Kagawaran ng Kalusugan) ay tumatanggap ng mga reklamo tungkol sa mga tagapagbigay-serbisyo at pasilidad na binibigyan namin ng kredensiyal at sa mga tagapagbigay-serbisyong nagtatrabaho nang walang lisensiya.
Kung naghahain kayo ng reklamo tungkol sa isang tagapagbigay-serbisyo, pakilagay ang:
- Inyong partikular na reklamo nang may maraming detalye hangga't maaari
- Buong pangalan ng indibidwal na tagapagbigay-serbisyo
- Address ng negosyo ng tagapagbigay-serbisyo
Kung naghahain kayo ng reklamo tungkol sa isang pasilidad, ilagay ang:
- Inyong partikular na reklamo nang may maraming detalye hangga't maaari
- Pangalan ng pasilidad
- Address ng pasilidad
Hindi kami nagbibigay ng kredensiyal sa mga sumusunod na uri ng pasilidad at hindi kami makapagpoproseso ng mga reklamong may kinalaman sa:
- Mga pasilidad na sumasailalim sa regulasyon ng Department of Social and Health Services (DSHS, Kagawaran ng mga Serbisyong Panlipunan at Pangkalusugan) (Mga nursing home o bahay-kalinga, pasilidad para sa pamumuhay nang may tulong, at pampamilyang tahanan para sa nasa hustong gulang)
- Mga paaralan
- Mga klinika o tanggapan ng doktor
Upang maghain ng reklamo, pakitingnan ang mga form para sa pagrereklamo sa ibaba. Upang humiling ng dokumento sa alternatibong format, tumawag sa 1-800-525-0127 o sagutan ang aming online feedback form. Para sa mga kostumer na bingi o nahihirapang makarinig, tumawag sa 711 (Washington Relay).
Upang hilingin ang form para sa pagrereklamo sa wikang hindi nakalista sa ibaba, pakitawagan kami sa 360-236-2620. Bukod pa rito, puwede rin kayong magsumite ng reklamo tungkol sa isang tagapagbigay ng serbisyong pangkalusugan sa pamamagitan ng pagpapadala sa amin ng email sa hsqacomplaintintake@doh.wa.gov o sa pamamagitan ng koreo sa
Health Systems Quality Assurance
P.O. Box 47857
Olympia, WA 98504-7857
Mga Form para sa Propesyonal sa Pasilidad, mga Nursing Pool at Pangangalagang Pangkalusugan
- Online
- Mga form para sa pagrereklamo (PDF/Word)
- Wikang Ingles (PDF) | Wikang Ingles (Word)
- Wikang Arabe (PDF) | Wikang Arabe (Word)
- Wikang Intsik (Pinasimple) (PDF) | Wikang Intsik (Pinasimple) (Word)
- Wikang Koreano (PDF) | Wikang Koreano (Word)
- Wikang Marshallese (PDF) | Wikang Marshallese (Word)
- Wikang Ruso (PDF) | Wikang Ruso (Word)
- Wikang Somali (PDF) | Wikang Somali (Word)
- Wikang Espanyol (PDF) | Wikang Espanyol (Word)
- Wikang Tagalog (PDF) | Wikang Tagalog (Word)
- Wikang Ukranyo (PDF) | Wikang Ukranyo (Word)
- Wikang Vietnamese (PDF) | Wikang Vietnamese (Word)
Mga Form para sa Tagapayo sa Medikal na Cannabis
Form para sa Pagrereklamo ng Propesyonal sa Larangan ng Pangangalaga
- Form para sa Pagrereklamo (mga nars)
- Maghain ng reklamo (mga programa ng pagtuturo sa larangan ng pangangalaga at pagsasanay bilang katuwang na nars)
Form para sa Pagrereklamo ng Manggagamot at Katuwang ng Manggagamot
- Impormasyon tungkol sa pagrereklamo ng manggagamot at katuwang ng manggagamot
- Medikal na Doktor (MD)
- Katuwang ng Manggagamot (PA)