Pagsusuri sa Mga Paaralan

Bakit Kailangan ng Pagsusuri?

Kasabay ng iba pang hakbang pangkaligtasan gaya ng pagpapabakuna, pagsusuot ng mask at pagpapanatili ng distansiya, ang pagsusuri ay isang mahalaga at subok nang pamamaraan na magilimita sa pagkalat ng COVID-19.

Inaalis ng Mga Partnership ang Pasanin sa Mga Paaralan

Nakikipagtulungan ang Washington State Department of Health (Departamento ng Kalusugan ng Estado ng Washington) sa mga partner para tumulong na gumawa ng ligtas na kapaligiran para sa pag-aaral sa personal sa pamamagitan ng Learn to Return program (programang Matuto para Makabalik). Tumutulong ang Learn to Return (Ingles lamang) sa mga paaralan para magbigay ng madaling pagsusuri sa COVID-19 para sa mga mag-aaral na nasa lugar.

Nakikipagtulungan ang DOH sa Washington Office of the Superintendent of Public Instruction (OSPI, Tanggapan ng Superintendente ng Pampublikong Pagtuturo ng Washington) at sa nonprofit na Health Commons Project para dalhin ang Learn to Return sa higit sa 300 distrito ng paaralan, kasama ang mga pribado, charter at pantribong paaralan sa estado.

Para sa Mga Paaralan

Ang Learn to Return ay:

Para matuto pa, maaaring bisitahin ng mga tagapangasiwa at tauhan ng paaralan ang page tungkol sa Learn to Return para sa Mga Tagapangasiwa at Tauhan ng Paaralan (Ingles lamang).

Hikayatin ang iyong distrito ng paaralan na magsimula sa pagpapatala (Ingles lamang)

Ang access sa lahat ng level ng Learn to Return program ay ang susi sa pagtiyak ng tagumpay ng paaralan sa pagsusuri. Para itaguyod ang ginhawa sa pakikilahok, nagbigay ang pederal na Public Readiness and Emergency Preparedness Act (PREP Act, Batas sa Pagiging Handa ng Publiko at sa Emergency) - Ingles lamang) ng pahintulot sa mga paaralan na magsagawa ng pagsusuri nang walang hadlang sa regulasyon gaya ng mga lisensiya sa pangangalagang pangkalusugan. Dagdag dito, pinoprotektahan ng PREP Act ang mga paaralan laban sa hindi katiyakan at panganib sa batas sa pamamagitan ng mga malawak na proteksiyon sa inmunidad mula sa pagdemanda at pananagutan.

Para sa Mga Magulang/Tagapangalaga at Mag-aaral

Ang Learn to Return ay:

  • Idinisenyo para walang babayaran ang mga pamilya
  • Boluntaryo
  • Tumutulong na protektahan ang iyong anak sa paaralan
  • Pinapanatiling bukas ang mga paaralan para sa pag-aaral sa personal
  • Nagbibigay-daan para sa patuloy na pakikilahok sa sports at mga extracurricular na aktibidad
  • Pinapanatiling pribado ang pagkakakilanlan ng iyong anak
  • Gumagamit ng mga madali at mababaw na swab test nang isinasaalang-alang ang kaginhawaan ng iyong anak

Para matuto pa, maaaring bisitahin ng mga magulang at mag-aaral ang page tungkol sa Learn to Return para sa Mga Magulang at Mag-aaral (Ingles lamang).

Mula sa Newsroom ng Washington State Department of Health (Ingles lamang)