Ang impeksiyon ng mpox ay maaaring magdulot ng sakit na may kasamang pantal at iba pang sintomas. Hindi ito pangkaraniwan sa Estados Unidos, ngunit sa kasalukuyan, laganap ang mpox at may mga kaso nito na kumakalat sa estado ng Washington at sa buong bansa, gayundin sa iba pang mga bansa. Maaaring kumalat ang mpox sa pagitan ng dalawang tao kung magkakadikit ang mga balat nila sa anumang paraan, nang walang kinalaman sa kanilang seksuwal na oryentasyon, o pagkakakilanlan batay sa kasarian, o edad, kasama na ang mga bata. Maaaring magkaroon ng mpox ang kahit na sino. Maaari ding kumalat ang mpox sa pagitan ng mga hayop at mula sa hayop papunta sa tao.
Alamin pa ang Tungkol Dito
- Mga Madalas Itanong at Dulugan tungkol sa mpox para sa mga Provider ng Pangangalagang Pangkalusugan
- Mpox (Centers for Disease Control and Prevention (CDC, Mga Sentro sa Pagkontrol at Pag-iwas sa Sakit))
- Mga Tugon at Rekomendasyon sa Mpox ng Estados Unidos sa Taong 2022 (CDC)
- Mapa at Bilang ng Kaso sa U.S. sa Taong 2022 | Mpox | Poxvirus | CDC
- Mpox at Mas Ligtas na Pakikipagtalik (cdc.gov)
- Mga Pagtitipon, Mas Ligtas na Pakikipagtalik, at Mpox (cdc.gov)
Tumawag sa 1-833-829-HELP kung may tanong ka tungkol sa salik na nagdudulot ng panganib, bakuna, pagsusuri, o paggamot sa mpox. May makukuhang tulong sa 240 wika.
Sa pamamagitan ng tuloy-tuloy na pakikipagtulungan sa Washington 211, magagamit ang serbisyong ito nang 6:00 a.m. hanggang 10:00 p.m. tuwing Lunes, at 6:00 a.m. hanggang 6 p.m. mula Martes hanggang Linggo at sa mga idinaraos na piyesta-opisyal ng estado. Hindi makakapag-schedule ng appointment para sa pagpapabakuna ang mga tagasagot ng tawag.
Para sa mga taong bingi, nahihirapang makarinig, at gumagamit ng TTY: Gamitin ang gusto ninyong relay service o i-dial ang 711, pagkatapos ay 1-833-829-4357 (HELP).
Tingnan ang detalyadong impormasyon sa demograpiko at bakuna para sa paglaganap ng mpox sa estado ng Washington. Ina-update ang impormasyong ito tuwing Lunes, Miyerkules, at Biyernes.
Mga Mapa at Bilang ng Kaso ng CDC:
Bilang ng kaso sa estado ng Washington
Updated May 23, 2023 at 9:00 a.m. PT
Actualizado 8/23/2023 9:00 a.m. PT
تم التحديث في 23 مايو 2023 الساعة 9 صباحًا بتوقيت المحيط الهادئ
更新于太平洋标准时间 2023 年 5 月 23 日上午 9:00
更新于太平洋标准时间 2023 年 5 月 23 日上午 9:00
បានធ្វើបច្ចុប្បន្នភាពនៅថ្ងៃទី 23 ខែឧសភា ឆ្នាំ 2023 នៅម៉ោង 9:00 ព្រឹក PST
2023년 5월 23일 오전 9:00 PST에 업데이트됨
23 ਮਈ, 2023 ਨੂੰ ਸਵੇਰੇ 9:00 ਵਜੇ PST ਨੂੰ ਅੱਪਡੇਟ ਕੀਤਾ ਗਿਆ
Обновлено 23 мая 2023 г., 9:00 по тихоокеанскому времени.
La cusbooneysiiyay May 23, 2023 9:00 AM PST
Ang update ay May 23, 2023 nang 9:00 am PST
Оновлено 23 травня 2023 року о 9:00 за тихоокеанським стандартним часом
Cập nhật vào ngày 123tháng 5 năm 2023, 0:00 sáng PST
CountyCondadoعدد الحالات郡县郡縣ខោនធី카운티ਕਾਉਂਟੀОкругDegmadaCountyОкругQuận | Number of casesCantidad de casosالمقاطعة病例数病例數ចំនួនករណីឆ្លង감염 사례 수 ਮਾਮਲਿਆਂ ਦੀ ਗਿਣਤੀ Количество случаевTirada kiisaskaBilang ng kasoКількість випадківSố ca nhiễm |
---|---|
Benton | <10 |
Chelan | <10 |
Clallam | <10 |
Clark | 15 |
Cowlitz | <10 |
Grant | <10 |
Grays Harbor | <10 |
Island | <10 |
King | 534 |
Kitsap | <10 |
Kittitas | <10 |
Lewis | <10 |
Mason | <10 |
Pierce | 61 |
Skagit | <10 |
Snohomish | 41 |
Spokane | 10 |
Thurston | <10 |
Walla Walla | <10 |
Whatcom | <10 |
Yakima | <10 |
Total casesCasos totalesإجمالي الحالات病例总数病例總數ករណីឆ្លងសរុប총 감염 사례 수ਕੁੱਲ ਮਾਮਲੇВсего случаевWadarta guud ee kiisaskaKabuuang bilang ng kasoУсього випадків зараженняTổng số ca nhiễm | 698 |
Mag-download ng Flyer




Mga Madalas Itanong
Tungkol sa mpox
- Paano kumakalat ang mpox?
-
Para maipasa ang mpox, kailangan ng malapitang pakikisalamuha sa isang taong may sintomas. Hindi nagdudulot ng malaking panganib ang maiikling pakikipag-ugnayang walang pisikal na contact at ang mga pakikipag-ugnayan para sa pangangalagang pangkalusugan na ginawa nang may angkop na pamprotektang kagamitan.
Maaaring maipasa ang mpox virus sa pagitan ng dalawang tao sa pamamagitan ng:
- Direktang pagdikit sa balat o likido ng katawan ng taong may impeksiyon (kasama na ang pakikipagtalik).
- Pagdikit sa mga bagay na kontaminado ng virus (gaya ng sapin ng kama o damit).
- Mga patak na galing sa ilong at bibig mula sa direkta at matagal na harapang pakikisalamuha.
Ang mga taong may kumpirmadong kaso ng mpox ay nakakahawa sa sandaling magkaroon sila ng sintomas at mananatili silang nakakahawa hanggang sa maglangib ang kanilang pantal. Dapat bumukod sa iba ang taong may mpox hanggang sa sila ay maglangib.
Maaari ding makuha ng mga tao ang mpox sa pakikisalamuha sa mga hayop na may impeksiyon.
- Ano ang mga sintomas?
-
Maaaring magsanhi ang mpox ng isang hanay ng mga sintomas, kasama na ang lagnat, sakit ng ulo, namamagang kulani, na susundan ng pagpapantal na puwedeng lumabas sa kahit saan sa katawan. Maaaring walang kahit anong sintomas ang ilang tao bago magkapantal. Sa kasalukuyang paglaganap ng sakit, maraming taong may impeksiyon ang may sugat sa ari o puwitan. May ilang taong nakaranas ng pagkirot sa puwitan noong simula, nang mayroon o walang iba pang sintomas gaya ng lagnat at sakit ng ulo.
Kadalasan, umuumbok ang mga pantal, na nagkakatubig sa loob. Kalaunan, maglalangib ang mga pantal. Karaniwang nasa mukha, braso, binti, at kamay ang mga pantal. Gayunpaman, kung nahawahan ang isang tao habang nakikipagtalik, maaaring magkapantal lang sa ari o puwitan.
Ang incubation period (panahon mula nang malantad hanggang sa magsimula ang mga sintomas) para sa mpox ay 7-14 araw sa kadalasan, ngunit puwedeng nasa pagitan ito ng 5-21 araw.
Gumagaling ang karamihan ng tao sa loob ng 2-4 linggo bagamat maaaring mag-iwan ng peklat ang mga sugat. Maaaring lumubha ang sakit, lalo na para sa mga tao at batang immunocompromised (may kondisyong nagpapahina ng immune system), at mga buntis.
Dapat makipag-ugnayan ang mga taong may sintomas ng mpox sa kanilang pangunahing provider o klinika para sa pangangalagang pangkalusugan. Bago magpatingin, dapat nilang sabihin sa provider o klinika na may alalahanin sila tungkol sa mpox at ipaalam sa mga ito kung malapit nilang nakasalamuha ang isang taong may katulad na pantal o na-diagnose na may mpox kamakailan. Kung wala kang provider, maghanap dito.
- Sino ang nanganganib?
-
Maaaring magkaroon ng mpox ang kahit na sino, ngunit may ilang taong higit na nanganganib. Pangunahing kumakalat ang mpox sa pamamagitan ng malapitang pakikisalamuha (balat sa balat). Maaari din itong kumalat sa pamamagitan ng mga patak na galing sa ilong at bibig mula sa matagal na harapang pakikisalamuha, ngunit hindi ito kumakalat sa hangin sa malalayong distansiya. Karaniwang itinuturing na hindi gaanong mapanganib ang maiikling pakikipag-ugnayang walang pisikal na contact at ang mga pakikipag-ugnayan para sa pangangalagang pangkalusugan na ginawa nang may angkop na pamprotektang kagamitan.
Ang sinumang aktibo sa pakikipagtalik ay nasa panganib, at tumataas pa ang panganib kapag nakikipagtalik sa mas maraming tao.
Maaaring kasama sa iba pang salik na nagdudulot ng panganib ang pagbiyahe sa mga lugar kung saan kumakalat ang mpox; malapitan at di-seksuwal na pakikisalamuha sa isang taong may impeksiyon; o pakikisalamuha sa mga may sakit na hayop. Upang maprotekahan ang iyong sarili at ang iba laban sa mpox o mga nakakahawang sakit na seksuwal, inirerekomenda ng DOH ang:
- Paggamit ng mga pamamaraan para sa ligtas na pakikipagtalik at pagbawas ng panganib gaya ng pagbawas sa bilang ng tao kung kanino nakikipagtalik.
- Pag-iwas na makipagtalik sa sinumang may lantad na sugat, pamamaga, o pantal.
- Pag-iwas na madikit sa balat ng sinumang may lantad na sugat, pamamaga, o pantal, o sinumang may mpox.
- Ano ang kailangang gawin para makontrol ang mpox sa estado ng Washington?
-
Posibleng makontrol ang paglaganap ng sakit. Kadalasang naikakalat ang mpox sa pamamagitan ng malapitang pakikisalamuha na balat sa balat, at mababa ang posibilidad na maikalat ito sa hangin.
- Dapat nating pigilan ang hawahan sa pagitan ng mga tao, at kailangan nating siguruhing hindi mahahawahan ang mga hayop na alaga at ligaw.
- Makakatulong ang pampublikong kalusugan na kontrolin ang sakit na ito sa pamamagitan ng mabilis na pagtukoy sa mga kaso, pagbibigay ng impormasyon sa publiko, at pagtulong sa mga taong may impeksiyon na malaman kung ano ang dapat gawin.
- Mahalaga ring estratehiya sa pagkontrol ang pagbabakuna sa mga taong nalantad sa mpox at pinakananganganib na mahawa.
Makakatulong ang mga indibiduwal na kontrolin ang paglaganap ng sakit sa pamamagitan ng pagsunod sa mga alituntunin sa pag-iwas sa sakit na nasa webpage na ito, at pagpapabakuna kung irerekomenda ng iyong provider ng pangangalagang pangkalusugan.
- Ano ang dapat mong gawin kung nalantad ka sa mpox?
-
Kung malapit mong nakasalumuha ang isang taong kumpirmado o posibleng may mpox, maaaring hindi ka mahawa kung agad kang magpapabakuna. Kasama sa itinuturing na malapitang pakikisalamuha ang pagsasama sa loob ng maraming oras, pagyakap, pagyapos, paghalik, o paghiga sa kama ng iba o paghiram ng damit.
Makipag-ugnayan sa provider mo ng pangangalagang pangkalusugan o sa iyong lokal na kagawaran ng kalusugan para sa impormasyon kung sa tingin mo ay nalantad ka. Kung wala kang provider, maghanap dito.
- Ano ang dapat gawin ng mga tao kung sa tingin nila ay may mpox sila o nagpositibo sila sa pagsusuri para sa mpox?
-
Kung mayroon kang bago o hindi maipaliwanag na pantal at sa tingin mo ay malapit mong nakasalamuha nang balat sa balat ang isang taong posibleng may mpox sa loob ng nakaraang 21 araw, kausapin ang iyong medikal na provider o lokal na klinika para alamin kung dapat kang magpasuri, magpabakuna, o tumanggap ng antiviral na gamot. Kung wala kang provider, maghanap dito.
Maaari mong maikalat ang mpox mula sa paglabas ng sintomas hanggang sa ganap nang gumaling ang mga pantal, na puwedeng umabot ng dalawa hanggang apat na linggo. Para maiwasan ang pagkalat ng impeksiyon:
- Ihiwalay ang iyong sarili sa ibang tao at mga hayop (mga mammal).
- Pagbawalan ang mga miyembro ng pamilya, kaibigan, o iba pang bisita maliban sa mga taong may mahalagang pakay sa bahay.
- Magsuot ng medikal na mask na maayos na nakalapat kapag malapit ka sa ibang tao sa bahay.
- Huwag hayaan ang iba na hawakan ang balat mo, lalo na sa mga bahaging may pantal. Pag-isipang magsuot ng disposable na guwantes kung may sugat ka sa iyong kamay at may kasama ka sa bahay.
- Manatili sa bahay maliban na lang kung tatanggap ng pangangalagang pangkalusugan. Kung mayroon kang medikal na appointment, tawagan ang tanggapan bago ka pumunta para alamin kung mayroon silang anumang espesyal na prosesong dapat mong sundin.
- Takpan ang mga sugat at manatiling nakahiwalay hanggang sa mawala na ang mga pantal, naglangib na ang mga ito, at naghilom na ang balat sa ilalim.
- Huwag makipaghiraman ng sapin sa kama, tuwalya, pinggan, o kubyertos.
- Maghugas ng kamay nang madalas gamit ang sabon at tubig o gumamit ng hand sanitizer na may alkohol, lalo na bago kumain o bago hawakan ang iyong mukha at pagkatapos mong gumamit ng banyo.
- Labhan ang pinaghubaran mo at hugasan ang iyong pinagkainan.
- Regular na linisin at i-disinfect ang mga patungan at bagay na madalas hawakan.
- Ipaalaga sa iba ang mga hayop (mga mammal) tulad ng mga alaga at livestock.
- Iwasan ang paggamit ng contact lens para hindi malagyan ng impeksiyon ang mata nang hindi sinasadya.
- Iwasang ahitin ang mga bahagi ng iyong katawan na may pantal.
- Huwag gumamit ng komersiyal na sasakyan sa pagbiyahe (mga serbisyo ng eroplano, bus, tren/light rail, taxi, pag-rideshare).
- Huwag makipaghalikan, makipagyakapan, makipagyapusan, makitabi sa pagtulog, o makipagtalik sa iba.
Kung nahawahan ka ng mpox at nakakaranas ng matinding pagkirot, o may mas malaking posibilidad na lumubha ang sakit mo, maaaring kailangan mo ng antiviral na paggamot. Patawagin ang provider mo ng pangangalagang pangkalusugan sa iyong lokal na kagawaran ng kalusugan para sa impormasyon.
Kung may mga sintomas ka na ng mpox, hindi inirerekomenda ang bakuna para sa mpox. Itanong sa iyong provider ang tungkol sa antiviral na paggamot. Kung wala kang provider, maghanap dito.
- Ano ang sanhi ng mpox? Paano ito naipasa sa mga tao?
-
Natuklasan ang mpox noong 1958 nang nagkaroon ng dalawang paglaganap ng sakit na tulad ng bulutong sa mga pangkat ng unggoy na ginagamit para sa pananaliksik. Ang unang kaso sa tao ay iniulat noong 1970.
Kahit na “monkeypox” ang ginamit na pangalan, hindi pa rin alam kung saan nanggaling ang sakit na ito. Gayunpaman, ang mga grupo ng daga at primate na hindi tao (tulad ng mga unggoy) sa Africa ay maaaring nagka-virus at nakapanghawa ng mga tao.
Nakakakita tayo ngayon ng mas maraming kaso ng mpox dahil sa ilang bagay.
- Ang pangunahing dahilan ay hindi na tayo ngayon nagbabakuna laban sa smallpox (bulutong). Dahil sa bakuna para sa smallpox, naprotektahan ang mga tao laban sa mpox.
- May posibilidad na na-diagnose lang bilang smallpox ang ilang kaso ng mpox dati, kaya, dahil sa mas tumpak na pagsusuri ngayon, nakakakita tayo ng mas maraming kaso.
- Sa buong daigdig, ang mga kaso ng mpox sa kasalukuyan ay kadalasang may kinalaman sa pagbiyahe sa ibang bansa o pagkakalantad sa mga hayop na galing sa ibang bansa, na mga gawaing mas pangkaraniwan na ngayon kaysa dati.
- Puwede bang magkaroon ng mpox ang mga hayop, lalo na ang mga alaga?
-
Maaaring magkaroon ng mpox ang mga mammal. Narito ang paraan kung paano iwasan ang pagkalat ng virus sa mga hayop.
- Nakakamatay ba ang mpox?
-
Sa kabutihang-palad, bihirang makamatay ang mga impeksiyon ng mpox na natukoy sa paglaganap ng sakit sa taong 2022.
- Ang mga taong may mahihinang immune system, batang wala pang 8 taong gulang, taong nagkaroon na ng eczema, at taong buntis o nagpapasuso/nagpapainom ng gatas sa dibdib ay may mas malaking posibilidad na magkaroon ng malubhang sakit o mamatay.
- Bagamat bihira lang makamatay ang mpox, posibleng magdulot ng matinding kirot ang mga sintomas, at maaaring magkaroon ng permanenteng peklat ang mga tao na resulta ng pagpapantal.
- Sa kasalukuyang paglaganap na ito, isa ang namatay sa U.S. May maliit na bilang ng tao na namatay sa ibang mga bansa.
- Kung may mpox ka, kailangan mo bang manatili sa bahay o pumunta sa ospital?
-
Kung sa palagay mo ay may mpox ka, ibukod ang iyong sarili sa iba sa kuwartong pang-isang tao, kung mayroon, at agad na kausapin ang provider mo ng pangangalagang pangkalusugan. Tanungin kung kailangan mong pumunta sa medikal na tanggapan o ospital. Mahalagang makatawag agad kung sa tingin mo ay may sintomas ka ng sakit dahil maaaring may mga antiviral na paggamot para sa mga taong lubos na nanganganib na magkasakit nang malubha. Kung nalantad ka at wala pang sintomas, posible kang makapagpabakuna. Kung wala kang provider, maghanap dito.
- Anong mga grupo ang mas nanganganib na magkaroon ng malubhang impeksiyon?
-
Ang mga taong may mahihinang immune system, batang wala pang 8 taong gulang, taong nagkaroon na ng eczema, at taong buntis o nagpapasuso ay may mas malaking posibilidad na magkaroon ng malubhang sakit o mamatay.
Kung nabakunahan ka na dati para sa smallpox, maaaring hindi ka na gaanong nanganganib na magkaroon ng mpox. Gayunpaman, maaaring hindi ito panghabambuhay. Sa paglaganap ng mpox noong 2003 at sa kasalukuyang paglaganap ng mpox, maraming taong nahawahan ng mpox ang nabakunahan na dati laban sa smallpox, ilang dekada na ang nakalipas.
Sa pagtugon sa paglaganap ng mpox na ito, dapat ibigay ang mga bakuna at iba pang medikal na hakbang sa mga kuwalipikadong taong nabakunahan na dati laban sa smallpox.
- Ano ang ilang halimbawa ng pantal ng mpox?
-
Ang mga sugat (bukol) ng mpox ay kadalasang tila goma, na may tuldok sa ibabaw ng sugat. Kung mayroon kang bago o hindi maipaliwanag na pantal, at sa tingin mo ay malapit mong nakasalamuha nang balat sa balat ang isang taong posibleng may mpox sa loob ng nakaraang 21 araw, kausapin ang iyong medikal na provider para alamin kung dapat kang magpasuri o magpabakuna. Kung wala kang provider, maghanap dito.
Pagpapasuri
- Paano ako magpapasuri?
-
Kung mayroon kang mga sintomas ng mpox, o malapit mong nakasalamuha ang isang taong na-diagnose na may mpox sa loob ng nakaraang 21 araw, makipag-ugnayan sa isang provider ng pangangalagang pangkalusugan para alamin kung dapat kang magpasuri.
Walang kakulangan sa kapasidad sa pagsusuri para sa mpox ang estado ng Washington. Nasuri ng Washington State Public Health Laboratory (PHL, Laboratoryo ng Pampublikong Kalusugan ng Estado ng Washington) ang bawat hinihinalang kasong naiulat sa mga lokal na kagawaran ng kalusugan, ng mga medikal na provider sa ating estado. Bukod pa rito, nakakapagsuri na ngayon para sa mpox ang mga komersiyal na laboratoryo. Kung wala kang provider, maghanap dito.
- Puwede bang mag-atas ng pagsusuri para sa mpox ang mga doktor at iba pang medikal na provider sa Washington?
-
Oo. Narito kung paano ginagawa ang pagsusuri sa ating estado sa kasalukuyan:
- Ang mga taong may sintomas ng mpox (kasama na ang pagpapantal sa isa o higit pang bahagi ng katawan) ay dapat magpatingin sa provider ng pangangalagang pangkalusugan. Kung hinala ng provider na may mpox ang pasyente, isa-swab nila ang pantal para suriin. Maaari ding magsuri ang mga provider para sa iba pang kondisyon kasabay nito, at maaaring kailanganin nilang kumuha ng iba pang sample. Kung wala kang provider, maghanap dito.
- Ipapadala ang mga swab (mga specimen) na ito sa isang laboratoryo para ipasuri. Maaaring dalhin ang mga specimen sa Washington State PHL o sa iba pang klinikal na laboratoryo sa lugar.
- Kung magpopositibo ang isang specimen, makikipag-ugnayan sa pasyente ang pang-estado o lokal na hurisdiksyon sa kalusugan. Irerekomenda ng pampublikong kalusugan ang mga aksiyong dapat isagawa, kasama na kung kailangan ng taong bumukod, o kung kailangan ng antiviral na gamot. Magtatanong din sila upang alamin kung may malapit na nakasalamuha ang pasyente na kailangang magpabakuna, magpasuri, o magpagamot.
- May kakulangan ba sa magagamit na pagsusuri?
-
Walang kakulangan sa mga supply para sa pagsusuri sa estado ng Washington.
Ang pagsusuri para sa mpox ay ginagawa ng Washington State Public Health Laboratories at mga partikular na klinikal na laboratoryo.
- May mga kaso bang hindi nabibilang dahil sa mga isyu sa pagsusuri?
-
May posibilidad na may ilang taong nagkaroon ng mpox na hindi nabilang. Maaaring may mga kasong hindi kinilala sa Estados Unidos at sa buong mundo dahil sa di-pangkaraniwang paglalahad sa kasalukuyang paglaganap, at hindi dahil sa kakulangan ng pagsusuri sa Estados Unidos.
Kasama sa mga di-pangkaraniwang paglalahad ang mga kakaibang sintomas na hindi pa nakita ng mga medikal na provider dati, kasama na ang mga pantal sa iba't ibang bahagi ng katawan at hawahan sa pamamagitan ng pakikipagtalik, na hindi pangkaraniwan noon bago ang kasalukuyang paglaganap.
Para sa mga kasalukuyang bilang ng kaso, tingnan ang: Mapa at Bilang ng Kaso sa U.S. sa Taong 2022 | Mpox | Poxvirus | CDC
Paggamot
- Ano ang gamot para sa mga taong may mpox?
-
Gumagaling ang karamihan ng tao nang walang gamot. May mga antiviral na gamot na magagamit para gamutin ang mpox sa ilang partikular na sitwasyon. Kung hindi pa nagsimula ang mga sintomas, maaaring gamiting opsiyon ang pagbabakuna pagkatapos malantad. Sa tulong ng pagbabakuna pagkatapos malantad, maaaring mabawasan o maiwasan ang mga sintomas.
- Sino ang dapat gamutin?
-
Ang sinumang nakakaranas ng malubhang pagkirot, malawakang impeksiyon, mas nanganganib na magkasakit nang malubha, o may impeksiyon sa mata ay dapat magtanong sa kanilang provider ng pangangalagang pangkalusugan tungkol sa paggamot. Kung wala kang provider, maghanap dito.
Kasama sa mga taong nanganganib magkaroon ng malubhang impeksiyon ang:
- Mga taong may mahihinang immune system.
- Mga batang wala pang 8 taong gulang.
- Mga taong nagkaroon na dati ng eczema.
- Mga taong buntis o nagpapasuso/nagpapainom ng gatas sa dibdib.
Maaaring magsimula ang paggamot bago magpasuri kung lubos na kahina-hinala ang pagkakaroon ng mpox at may malubhang impeksiyon o panganib na magkaroon ng malubhang impeksiyon. Maaaring makatulong ang mga lokal na hurisdiksyon sa kalusugan na maghanap ng mga antiviral na gamot.
Mga Bakunang Pampigil sa mpox
- Para saan naman ang bakuna?
-
Upang makatulong na pigilan ang pagkalat ng mpox virus, namamahagi ang Centers for Disease Control and Prevention (CDC, Mga Sentro sa Pagkontrol at Pag-iwas sa Sakit) ng bakuna na tinatawag na JYNNEOS sa US. Para sa mga updated na datos tungkol sa bakuna sa mpox, pumunta sa page ng mga datos tungkol sa mpox.
Nagsisikap ang Washington State Department of Health (DOH, Kagawaran ng Kalusugan) na tiyaking naihahatid ang bakuna sa maraming tao sa mga populasyong lubos na nanganganib hangga't maaari. Upang siguruhing nakakarating ang mga bakuna sa mga taong nanganganib na mahawa, nakikipagtulungan kami sa mga kaakibat na tribo, lokal na hurisdiksyon sa kalusugan, at kaakibat sa komunidad para maabot ang komunidad na madaling mahawahan at matiyak na may patas na access.
Kung naniniwala kang malapit mong nakasalamuha kamakailan ang isang taong na-diagnose na may mpox at kailangan mong magpabakuna, mangyaring makipag-ugnayan sa iyong provider ng pangangalagang pangkalusugan. Kung wala kang provider, maghanap dito.
Noong ika-9 ng Agosto 2022, nagbigay ang Food and Drug Administration (FDA, Pangasiwaan ng Pagkain at Gamot) ng awtorisasyon sa pang-emergency na paggamit para sa JYNNEOS na bakuna, para maibigay sa mga batang wala pang 18 taon. Awtorisado na ang JYNNEOS sa mga 18 taong gulang pataas.
- Ano ang ginagawa ng bakuna?
-
Para sa mga taong nakasalamuha kamakailan ng isang taong nagpositbo sa mpox, mapapababa ng bakuna ang tsansang magkaroon ng impeksiyon ng mpox. Mga Dapat Isaalang-alang para sa Bakuna sa Mpox | Mpox | Poxvirus | CDC
Magagamit sa Estados Unidos ang dalawang bakunang lisensiyado sa kasalukuyan, na JYNNEOS (na tinatawag ding Imvamune o Imvanex) at ACAM2000, upang makaiwas sa smallpox (na isang uri ng orthopox virus).
- Parehong nakakatulong ang mga ito na protektahan ang mga tao laban sa mpox virus, na isa ring orthopox virus. Lisensiyado ang JYNNEOS bilang pampigil sa mpox, sa partikular.
- Makukuha ang mga bakunang ito mula sa US Strategic National Stockpile (SNS, Estratehikong Pambansang Imbakan ng US).
- Parehong magagamit ang JYNNEOS at ACAM2000 bago at pagkatapos malantad sa mpox sa lugar kung saan laganap ang sakit.
- Sa ngayon, hindi iniaalok ng DOH ang ACAM2000 dahil sa mas mataas na panganib na magkaroon ng mga side effect.
- May sapat na supply ng ACAM2000. Gayunpaman, mas maraming side effect ang bakunang ito at hindi ito dapat ipagamit sa mga taong may ilang kondisyon sa kalusugan, kasama na ang mahinang immune system, mga kondisyon sa balat tulad ng atopic dermatitis/eczema, o pagbubuntis.
- Kung makakatanggap ka ng bakuna sa mpox, dapat mo pa ring gawin ang iba pang hakbang sa pag-iwas sa sakit pagkatapos nito, gaya ng hindi pakikisalamuha nang balat sa balat sa isang taong may mpox. Hindi ka pa maituturing na ganap nang nabakunahan hangga't hindi pa lumilipas ang dalawang linggo pagkatapos ng iyong ikalawang dosis ng JYNNEOS, at posibleng hindi 100% mabisa ang bakuna. Wala pang magagamit na datos tungkol sa bisa ng mga bakunang ito sa kasalukuyang paglaganap ng sakit.
- Sino ang kuwalipikadong mabakunahan sa ngayon?
-
- Dapat unahing bakunahan ang mga indibiduwal na nakakatugon sa mga kategoryang nasa ibaba gamit ang limitadong supply ng bakuna.Mga bakla at lalaking bisexual at transgender na indibiduwal na nagkaroon ng marami o anonymous na katalik na bakla, lalaking bisexual, o transgender sa loob ng nakaraang 3 buwan.
- Mga taong gumamit ng methamphetamine sa loob ng nakaraang 3 buwan.
- Mga taong nakipagtalik kapalit ng pera, droga, o iba pang layunin sa loob ng nakaraang 3 buwan.
- Mga taong pinagsamantalahan, kahit ano pa ang kanyang kasarian o seksuwal na oryentasyon.
- Mga taong nakipagtalik o matagal na nadikit nang balat sa balat sa mga taong nalantad sa mpox.
Para sa higit pang impormasyon, tingnan ang Mga Alituntunin sa Paggamit ng Bakunang JYNNEOS
- Sino ang itinuturing na malapit na nakasalamuha?
-
Ang malapit na nakasalamuha ay isang taong:
- Nakasalamuha ng isang taong nagkapantal na tulad ng sa mpox o ng isang taong na-diagnose na kumpirmado o posibleng may mpox. Maaaring kasama rito ang taong nadikit sa damit, sapin ng kama, tuwalya, atbp. na ginamit ng taong may mpox.
- Nadikit sa balat ng isang tao sa isang social network na nakakaranas ng aktibidad ng mpox,
- Nadikit sa patay o buhay na ligaw na hayop o exotic na alagang hayop na sa Africa lang mayroon, o gumamit ng produktong galing sa mga nasabing hayop (hal., karne, cream, lotion, pulbos, atbp.)
- Gaano karaming bakuna ang itinalaga ng pederal na gobyerno sa estado ng Washington?
-
Libo-libong course ng bakuna ng JYNNEOS na may dalawang dosis ang naitalaga sa estado ng Washington.
- Sa pagtatalagang iyon, naipamahagi na ang karamihan ng course sa mga hurisdiksyong may mga napag-alamang kaso at malapit na nakasalumuha.
- Magtatalaga pa ng mas maraming bakuna ang pederal na gobyerno kapag available na ito.
- Saan ako puwedeng magpabakuna?
-
- Ang mga taong kinilala bilang malapit na nakasalamuha ng mga napag-alamang kaso ay puwedeng bakunahan ng mga medikal na provider o lokal na hurisdiksyon sa kalusugan. Kung wala kang provider, maghanap dito.
- Nakalista rito ang ilang bakunahan, bagamat hindi kumpleto ang listahang ito.
- Nakikipagtulungan ang mga provider ng pangangalagang pangkalusugan sa kanilang mga lokal na hurisdiksyon sa kalusugan para mai-secure ang bakuna.
- Ang bakuna ng JYNNEOS ay isang seryeng may dalawang dosis, kung saan agad na ibinibigay ang unang dosis pagkatapos malantad, habang ibinibigay naman ang pangalawang dosis pagkaraan ng 28 araw. Dapat mong matanggap ang ikalawang dosis sa lugar kung saan mo rin natanggap ang iyong unang dosis. Ituturing ka bilang ganap nang nabakunahan dalawang linggo pagkatapos ng ikalawang dosis. Kahit na ganap ka nang nabakunahan, dapat mong ipagpatuloy ang iba pang kasanayan sa kaligtasan at pag-iwas sa sakit gaya ng hindi pagdikit sa balat ng isang taong may pantal o may kumpirmado o posibleng kaso ng mpox.
- Dapat bang magpabakuna ang mga propesyonal sa pangangalagang pangkalusugan?
-
Ang mga propesyonal sa pangangalagang pangkalusugan na hindi nagsasagawa ng diagnostic na pagsusuri para sa mpox ay hindi inirerekomendang makatanggap ng bakuna sa kasalukuyan.
- Magkakaroon ba ng mga bakunahang pangmaramihan?
-
Hangga't wala pang mga karagdagang supply mula sa CDC o mas malawak na rekomendasyon para sa bakuna, walang plano ang estado ng Washington na magtalaga ng mga klinika para sa maramihang pagbabakuna. Nakikipagtulungan nang mabuti ang DOH sa lokal na hurisdiksyon sa kalusugan at sa mga kaakibat para sa kalusugan ng mga tribo upang makapag-alok ng suporta sa pamamagitan ng mga serbisyo ng mobile na pagbabakuna bilang dagdag na pagsisikap.
- Gumagana ba ang bakuna sa COVID-19 laban sa mpox?
-
Hindi. Iba-iba ang paraan ng paggana ng mga bakuna depende sa virus na tina-target ng mga ito. Ginawa ang bakuna sa COVID-19 bilang pampigil sa malubhang pagkakasakit at pagkamatay dahil sa COVID-19. Hindi nito pinipigilan ang anupamang ibang sakit, tulad ng trangkaso o mpox. Tanging ang mga lisensiyadong bakuna sa mpox at smallpox lang ang gumagana laban sa impeksiyon ng mpox.
- Makakapagbiyahe ba ang mga tao palabas ng bansa nang walang bakuna para sa mpox?
-
Walang paghihigpit o hindi kailangan ang bakuna para sa mpox upang makapagbiyahe. Gayunpaman, maraming bansa ang nag-aatas ng ibang bakuna bago ka makabiyahe, kaya alamin ang tungkol dito sa iyong lokal na kagawaran ng kalusugan o sa provider mo ng pangangalagang pangkalusugan bago ka magbiyahe sa ibang bansa para makasigurong mayroon ka ng lahat ng bakunang kailangan mo. Kung wala kang provider, maghanap maghanap dito.