Mga Kasalukuyang Kaso
Mapa ng Pagkakalantad
Mapa ng mga Pampublikong Lokasyon ng Pagkakalantad sa Tigdas sa Washington (sa English)
Ang tigdas, na tinatawag ding rubeola, ay ganap na nakahahawang karamdamang viral na sanhi ng virus ng tigdas. Dati itong itinuring bilang pangkaraniwang sakit ng mga bata, pero ligtas na itong naiiwasan ngayon sa pamamagitan ng bakuna (sa English).
Mga Sintomas ng Tigdas
- Napakataas na lagnat
- Ubo
- Sipon
- Namumula at nagluluhang mata
- Karaniwang nagkakaroon ng pamamantal pagkaraan ng 3 – 5 araw, na nagsisimula sa ulo at kumakalat sa katawan
Mga Komplikasyon ng Tigdas
Gumagaling sa tigdas ang karamihan ng tao, pero may ilang puwedeng magkaroon ng mga seryosong komplikasyon. Ang tigdas ay puwedeng magdulot ng impeksiyon sa tainga, pulmonya, o pamamaga ng utak. Ang maliliit na bata at mga taong may mahihinang immune system ay higit na posibleng magkaroon ng mga problema mula sa tigdas.
Sino ang Nanganganib
Ang sinumang taong hindi nakatanggap ng bakuna sa tigdas ay nanganganib na magkaroon ng tigdas kung malalantad siya. Mya ilang taong higit na nanganganib na magkaroon ng mga komplikasyon sa tigdas, kabilang na ang:
- Mga sanggol na mas bata sa 12 buwan at maliliit na batang hindi pa nabakunahan.
- Mga buntis na hindi nabakunahan at ang kanilang mga sanggol na hindi pa naipanganganak.
- Mga taong may mahihinang immune system, mula sa karamdaman o medikal na paggagamot.
Paraan ng Pagkalat ng Tigdas
Ang tigdas ay lubos na nakahahawang virus. Kumakalat ito sa pagitan ng mga tao kapag may taong may impeksiyon nito na umuubo, bumabahin, o nagsasalita sa malapit. Puwedeng manatili ang virus sa hangin o sa mga surface sa loob ng hanggang 2 oras pagkaalis sa lugar ng taong may impeksiyon. Ibig sabihin, puwede kayong malantad sa tigdas sa pamamagitan ng pagpasok sa kuwarto kung saan kakaalis lang ng taong may tigdas.
I-check ang mga Lokasyon ng Pagkakalantad sa Tigdas
Ipinakikita sa Mapa ng mga Pampublikong Lokasyon ng Pagkakalantad sa Tigdas sa Estado ng Washington (sa English) ang mga pampublikong lokasyon kung saan bumisita ang mga taong nagkaroon ng tigdas noong nakahahawa pa sila. Ang mga lokasyon ng pagkakalantad ay nakarmarka sa mapa ng estado gamit ang mga tuldok na kulay orange, na may mga detalye sa bawat lokasyong ipinakikita sa kanang bahagi. Naka-display sa mapa ang mga petsa, oras, at address sa pagkakalantad para sa bawat lokasyon. Mag-subscribe upang makakuha ng mga alerto sa email (sa English) para sa mga naiulat na pagkakalantad.
Kung Nalantad Kayo sa Tigdas
Kung kayo ay nasa nalantad na lokasyon sa oras at petsang nakalagay sa mapa, o may isang tao sa inyong buhay na malapit sa inyo ang na-diagnose ng tigdas, magsagawa ng mga hakbang na pang-iwas sa sakit upang maprotektahan ang inyong kalusugan at malimitahan ang pagkalat ng tigdas.
- Tawagan ang inyong tagapagbigay ng pangangalagang pangkalusugan o ang lokal na tanggapan ng kalusugan ng publiko (sa English) agad-agad upang masuri ang mga rekord ng pagbabakuna. Ang pagpapabakuna laban sa tigdas ay ang pinakamainam na paraan upang maprotektahan ang inyong sarili, inyong pamilya, at inyong komunidad.
- Kung hindi kayo immune o hindi kayo sigurado tungkol sa inyong katayuan sa pagpapabakuna, kakailanganin ninyong manatili sa bahay sa loob ng 21 araw pagkatapos ninyong malantad at umiwas na makihalubilo sa iba habang nag-aabang kayo ng mga sintomas ng tigdas.
Kung Magkakaroon Kayo ng mga Sintomas
Kung kayo o ang inyong pamilya ay magkakasakit nang may mga sintomas ng tigdas, kabilang na rito ang mataas na lagnat, ubo, sipon, at namumulang mata, na sinusundan ng pamamantal sa loob ng 21 araw matapos kayong malantad, tawagan kaagad ang inyong doktor o tagapagbigay ng pangangalagang pangkalusugan. Huwag pumunta sa isang tanggapan ng pangangalagang pangkalusugan nang hindi muna tumatawag. Ang maagang pagtawag ay makatutulong upang hindi malantad ang iba.
Kung kumpirmadong may tigdas, bibilinan kayong manatili sa bahay, huwag pumunta sa trabaho, paaralan, pangangalaga ng bata, pagtitipon, at pampublikong transportasyon hanggang sa 4 na araw matapos unang lumabas ang inyong pamamantal, maliban na lang kung kailangan ninyo ng medikal na pangangalaga.
Ang Pagpapabakuna ay ang Pinakamainam na Proteksiyon
Ang bakuna sa Bakuna sa Measles, Mumps, and Rubella (MMR, Tigdas, Beke, at Rubella) (sa English) ay nagpoprotekta laban sa 3 sakit: tigdas, beke, at rubella. Ang isang katulad na bakuna na MMRV ay nagpoprotekta rin laban sa varicella (bulutong). Ang bakuna ay ang pinakamalakas at pinakaligtas na proteksiyon laban sa tigdas. Nagbibigay-proteksiyon ang isang dosis sa humigit-kumulang 93 mula sa 100 tao, at nagbibigay-proteksiyon ang dalawang dosis sa humigit-kumulang 97 mula sa 100 tao. Ang mga bakunadong tao ay nakatutulong na pabagalin at ihinto ang pagkalat ng tigdas, na nagpoprotekta sa mga taong higit na nanganganib. Ang tawag namin dito ay “community immunity (immunity sa komunidad).”
Kung mayroon kayong anumang tanong tungkol sa pagpapabakuna sa tigdas, kausapin ang inyong doktor, parmasyutiko, o tagapagbigay ng pangangalagang pangkalusugan. Ang mga batang 18 taong gulang o mas bata ay puwedeng tumanggap ng mga regular na bakuna nang walang bayad sa pamamagitan ng pagbisita sa tagapagbigay ng pangangalagang pangkalusugan na kalahok sa Childhood Vaccine Program (Programa ng Bakuna sa Pagkabata) ng estado. Gamitin ang Mapa ng Bakuna (sa English) upang humanap ng mga kalipikadong tagapagbigay-serbisyo.
I-check Kung Bakunado Kayo para sa Tigdas
- Kunin ang inyong mga rekord ng pagpapabakuna mula sa tanggapan ng inyong doktor, botika, o sa tagapagbigay-serbisyong nagbakuna sa inyo.
- Mag-sign up para sa MyIR Mobile (sa English) upang masuri ang history ninyo sa pagbabakuna at ng inyong pamilya, at makakuha ng mga paalala para sa mga pagbabakuna sa hinaharap.
- Makipag-ugnayan sa Office of Immunization (Tanggapan ng Pagbabakuna) upang makuha ang inyong mga rekord sa pamamagitan ng pagtawag sa 360-236-3595 o 1-866-397-0337. Para sa tulong sa wika, tumawag sa 800-525-0127.
Mga Pampublikong Mapagkukunan ng Tulong
Mga Handout
Flyer na Alamin ang Tungkol sa Tigdas (PDF) (sa English)
Flyer ng Impormasyon Tungkol sa Paglaganap ng Tigdas para sa mga Pamilya (PDF) (sa English)
Flyer na Nanganganib Ba Kayo sa Tigdas? (PDF) (sa English)
Brochure na Protektahan ang Inyong Pamilya at Komunidad mula sa Tigdas (PDF) (sa English)
Bakuna sa Tigdas: Flyer na Ang Ating Pinakainam na Proteksiyon (PDF) (sa English)
Flyer na Hindi Lang Parang Kaunting Pantal ang Tigdas, CDC (PDF) (sa English)
Gaano Katinding Makahawa ang Tigdas? Comic strip, King County (PDF)
Paaralan
Mga Kinakailangan sa Paaralan at Pangangalaga ng Bata (sa English) - Mga kinakailangan sa pagbabakuna na available sa maraming wika.
Datos ng Pagbabakuna sa Paaralan (sa English)
Bakuna
Bakuna sa Measles, Mumps, and Rubella (MMR) (sa English)
FAQ Tungkol sa Bakuna sa MMR (PDF) (sa English)
Kaligtasan ng Bakuna (sa English)
Magplano para sa Pagbiyahe - Tigdas, CDC (sa English)
Mga Mapagkukunan ng Tulong mula sa mga Partner
Tigdas - Kapansin-pansing Kondisyon (sa English) - Mga kinakailangan at alituntunin sa pag-uulat para sa tagapagbigay ng pangangalagang pangkalusugan, laboratoryo, at lokal na hurisdiksiyon sa kalusugan.
Gabay sa Pagkontrol ng Nakahahawang Sakit para sa Kawani ng Paaralan (PDF) (sa English)
Paghahanda sa Tigdas para sa mga Paaralan (PDF) (sa English)
Paghahanda sa Tigdas para sa mga Pangangalaga ng Bata at Maagang Pag-aaral (PDF) (sa English)