Paggamit ng Palikuran ng mga Truck Driver sa mga Daungan

Sa batas ng estado na 70.54.480 Revised Code of Washington (RCW, Binagong Kodigo ng Washington) (sa English), pinoprotektahan ang access sa mga banyo at lugar para sa paggagatas ng mga tagapagmaneho ng drayage truck. Ang tagapagmaneho ng drayage truck ay espesyalista sa paglilipat ng kargadang nasa lalagyan, papasok at palabas ng mga pantalan o rampahan sa karagatan.

Kung ikaw ay drayage trucker at hindi ka binigyan ng access sa banyo o lugar para sa paggagatas ng isang pantalan sa estado ng Washington habang naghahatid o tumatanggap ng mga kalakal, pakisagutan ang form sa ibaba o tumawag sa 1-833-770-4300.

Ang isang pantalan sa Washington na hindi nagbibigay ng access sa mga banyo o lugar para sa paggagatas para sa mga tagapagmaneho ng drayage truck ay maaaring patawan ng isang sulat ng paglabag, multa, o pareho.

Kung kailangan mo ng suporta o mga akomodasyon upang sagutan ang form na ito, makipag-ugnayan sa amin sa:

Email: ephcru@doh.wa.gov

Telepono: 833-770-4300 walang bayad

Koreo: Attn: Complaint Response Unit, Environmental Public Health, PO Box 47820, Olympia, WA 98504

Maaaring ibunyag sa publiko ang impormasyong nakalagay sa form na ito. Kung gusto mong hindi ka makilala, huwag isama sa iyong reklamo ang impormasyon mo sa pakikipag-ugnayan. Pakitandaan na kung hindi ka magbibigay ng impormasyon sa pakikipag-ugnayan, maaaring hindi kami makapag-imbestiga nang lubos o makapagpatuloy sa pagkilos upang maipatupad ang batas.

Hiwalay ang proseso para sa pag-uulat ng mga negosyo sa Washington na hindi nagbibigay ng access sa mga banyo para sa mga motor carrier (sa English).

Na-print na form Pag-akses sa Palikuran at Lactation para sa mga Nagmamaneho ng Trak (PDF) o

Online na form Form ng Reklamo tungkol sa Paggamit ng Palikuran sa mga Daungan para sa mga Truck Driver

Mga bagay na isasaalang-alang habang pinupunan ang form: 

  • Ang iyong impormasyon ay napapailalim sa pagsisiwalat sa publiko na nangangahulugan na puwede itong ilabas sa ilalim ng mga batas ng pagsisiwalat sa publiko. 
  • Kung nais mong manatiling hindi nakikilala, baka hindi namin maimbestigahan pa ang insidente o patuloy na maipatupad ito. 

Para malaman ang iba pa tungkol sa mga kinakailangan sa paggamit ng palikuran at mga lugar ng pagpapasuso para sa mga truck driver habang nagtatrabaho sa mga pasilidad sa daungan, tingnan ang House Bill (Panukalang Batas) 1706 (sa Ingles). 

I-email ang form ng reklamo sa EPH.CRU@doh.wa.gov, o ipadala ito sa koreo sa: Environmental Public Health, Office of the Assistant Secretary, P.O. Box 47820 Olympia, WA 98504.

Sa sandaling matanggap at makumpirma namin ang iyong form, sisimulan naming imbestigahan ang insidente. Kung iniisip mong magdagdag ng anuman, mag-email sa amin sa EPH.CRU@doh.wa.gov o tumawag nang libre sa 1-833-770-4300. 
 


Paunawa sa Privacy: May mga form sa site na ito para sa paghahain ng reklamo ng consumer sa aming tanggapan. Ginagamit namin ang impormasyon sa mga form na ito para iproseso ang reklamo mo at abisuhan ang negosyo kung kanino inisyu ang reklamo. May posibilidad na ipadala namin ang impormasyon sa iba pang ahensiya ng gobyerno. Hindi namin ibebenta, ipaparenta, o ipapahiram sa mga third party ang anumang impormasyong ibibigay mo. Gagamitin lang namin ang impormasyon para makasagot sa iyo o masiyasat ang reklamo mo. Lubos ka naming hinihikayat na huwag magsumite ng sensitibong personal na impormasyon sa mga form na ito online. Ang lahat ng impormasyong kokolektahin sa site na ito ay ituturing na pampublikong rekord at hindi kumpidensiyal. Maaari itong siyasatin at kopyahin ng publiko maliban na lang kung may naisabatas na pagbukod o iba pang proteksiyon. Kung makakatanggap kami ng wastong hiling para sa mga pampublikong rekord, isisiwalat namin ang mga rekord na ito tulad ng kinakailangan sa Revised Code of Washington (RCW, Binagong Kodigo ng Washington) 42.56.