Abiso Tungkol sa Kawalan ng Diskriminasyon

Paano Maghain ng Reklamo

Labag sa Batas ang Diskriminasyon

Ang Washington State Department of Health (DOH, Kagawaran ng Kalusugan ng Estado ng Washington) ay sumusunod sa lahat ng karampatang batas pederal laban sa diskriminasyon, kasama na rito ang Title VI ng Civil Rights Act (Batas sa mga Karapatang Sibil), Americans with Disabilities Act (ADA, Batas para sa mga Amerikanong may Kapansanan), at iba pang angkop na kautusan laban sa diskriminasyon. Hindi nagpapakita ang DOH ng diskriminasyon batay sa lahi, kulay, bansang pinagmulan, kapansanan, o anupamang ibang katangiang protektado sa ilalim ng batas pederal.

Bukod pa rito, sinusunod rin ng DOH ang Washington Law Against Discrimination (Batas Laban sa Diskriminasyon ng Washington) (Revised Code of Washington (RCW, Nirebisang Kodigo ng Washington) 49.60) at hindi ito nagpapakita ng diskriminasyon batay sa lahi, paniniwala, kulay, bansang pinagmulan, katayuan sa pagkamamamayan o imigrasyon, kasarian, katayuan bilang beterano o militar na natanggal sa katungkulan nang may dangal, oryentasyong seksuwal, pagkakakilanlang pangkasarian, pagpapahayag ng kasarian, pagkakaroon ng anumang kapansanan sa pandama, pag-iisip, o sa katawan, o sa paggamit ng sinanay na asong gabay o nagseserbisyong hayop ng isang taong may kapansanan.

Mahigpit na ipinagbabawal ng DOH ang paghihiganti at pananakot laban sa mga indibidwal na kasali sa mga protektadong aktibidad, gaya ng paghahain ng reklamo o paglahok sa isang imbestigasyon. Susuriin ng Civil Rights & ADA Program (Programa ng mga Karapatang Sibil at Batas para sa mga Amerikanong may Kapansanan) ang mga reklamo ng paghihiganti at/o pananakot na inihain ng mga kostumer ng DOH laban sa mga empleyado ng DOH at sa mga tagapagbigay-serbisyo nito.

Alinsunod sa 40 Code of Federal Regulations (C.F.R., Kodigo ng mga Regulasyong Pederal), Bahagi 5 at 7, hindi rin nagpapakita ang DOH ng diskriminasyon batay sa kasarian sa mga programa o aktibidad na pang-edukasyon na pinatatakbo nito. Tinitiyak ng DOH na walang taong hindi isasali o tatratuhin sa ibang paraan dahil sa mga katangiang ito.

Mga Libreng Tulong at Serbisyo

Nagbibigay ang Washington State Department of Health ng mga libreng tulong at serbisyo sa mga taong may kapansanan upang epektibo nila kaming makausap, gaya ng:

  • Mga kalipikadong interpreter ng sign language (wikang pansenyas)
  • Impormasyong nakasulat sa ibang format (malalaking titik, audio, mga accessible na elektronikong format, o iba pang format)

Nagbibigay ang Washington State Department of Health ng mga libreng serbisyo sa wika para sa mga taong hindi Ingles ang pangunahing wika, gaya ng:

  • Mga kalipikadong interpreter
  • Impormasyong nakasulat sa ibang wika

Kung kailangan mo ng tulong sa mga serbisyong ito, makipag-ugnayan kay Javier Ruiz sa:

DOH Civil Rights & ADA Program
PO Box 47890, Olympia, WA 98504-47890
(833) 428-3703
I-email ang Civil Rights Program: Civil.Rights@doh.wa.gov

Tagapangasiwa Laban sa Diskriminasyon

Itinalaga ng DOH si Javier Ruiz, ang Tagapamahala ng Civil Rights & ADA Program, bilang ang tagapangasiwa nito laban sa diskriminasyon upang tiyakin ang pagsunod sa mga obligasyon sa mga karapatang sibil ng DOH, kasama na rito ang pagtugon sa mga reklamo ng diskriminasyon. Maaaring makipag-ugnayan ang sinumang kostumer ng DOH kay Javier Ruiz upang magdulog ng mga tanong na may kinalaman sa patas na access sa mga serbisyo ng DOH at sa mga obligasyon sa mga karapatang sibil ng DOH.

Mga Reklamo ng Diskriminasyon

Kung naniniwala kang nabigo ang DOH na ibigay ang mga serbisyong ito o nagsagawa ito ng diskriminasyon batay sa lahi, kulay, bansang pinagmulan, edad, kapansanan, kasarian, o anupamang ibang protektadong uri, maaari kang maghain ng reklamo sa Civil Rights & ADA Program sa loob ng 180 araw mula nang mangyari ang insidente.

Maaaring isumite ang mga reklamo sa isang sulat gamit ang form para sa pagrereklamo, sa pamamagitan ng email, koreo, nang personal, o telepono.

Alamin pa ang tungkol sa pamamaraan sa pagrereklamo ng diskriminasyon

Mga Karagdagang Opsiyon para sa Nagrereklamo

U.S. Department of Health and Human Services (HHS)

Maaari ka ring maghain ng reklamo tungkol sa mga karapatang sibil sa Office for Civil Rights (Tanggapan para sa mga Karapatang Sibil) ng Department of Health and Human Services (HHS, Kagawaran ng mga Serbisyong Pangkalusugan at Pantao), sa pamamagitan ng Portal para sa Pagrereklamo ng Office for Civil Rights (sa English), o sa pamamagitan ng koreo o telepono sa:

U.S. Department of Health and Human Services
200 Independence Avenue SW, Room 509F, HHH Building, Washington, D.C. 20201
1-800-368-1019, 800-537-7697 (TDD)

Alamin pa kung paano maghain ng reklamo sa HHS (sa English).

U.S. Environmental Protection Agency (EPA)

Kung may kinalaman ang isang reklamo sa isang tagatanggap ng mga pondo ng Environmental Protection Agency (EPA, Ahensiyang Tagapagprotekta ng Kapaligiran), maaari kang maghain ng reklamo sa EPA sa:

U.S. Environmental Protection Agency
Office of External Civil Rights Compliance
1200 Pennsylvania Avenue, N.W., Washington, DC 20460
Email: Title_VI_Complaints@epa.gov

Alamin pa kung paano maghain ng reklamo sa EPA.

Washington State Human Rights Commission (WSHRC)

Ipinatutupad ng WSHRC ang Washington Law Against Discrimination, kabanata 49.60 RCW. Maaari kang maghain ng reklamo sa pamamagitan ng online portal ng WSHRC (sa English at Spanish), o sa:

Washington State Human Rights Commission
PO Box 42490 Olympia, WA 98504-2490
Email: frontdesk@hum.wa.gov

Alamin pa kung paano maghain ng reklamo sa WSHRC (sa English at Spanish).