Alam natin na hindi mawawala ang COVID-19 hanggang sa hinaharap. Mahalagang maunawaan kung paano tayo makakapamuhay habang pinapanatiling ligtas ang ating mga sarili, mahal sa buhay, at komunidad hangga't maaari. Paano natin ito magagawa? Kapag ginamit natin ang lahat ng kasangkapang natutunan na natin: manatiling updated sa mga bakuna sa COVID-19, pagpapasuri at pananatili sa bahay kung may sakit o nalantad, pagsusuot ng mask kapag maraming tao, at pagdistansiya.
Kumilos, Mag-ingat
Kung May COVID-19 Ka Ngayon
Mga Karagdagang Sanggunian at IMpormasyon
- Mga sintomas, senyales, at paraan para makaiwas sa COVID-19
-
Ang mga pangunahing sintomas ng COVID-19 ay ang mga sumusunod:
- Ubo, pangangapos ng hininga o problema sa paghinga, lagnat, panginginig, pananakit ng kalamnan, pananakit ng lalamunan, pagkawala ng panlasa o pang-amoy na ngayon lang naranasan. Kasama sa iba pang hindi gaanong pangkaraniwang sintomas ang pagduruwal, pagsusuka, o pagtatae.
- Tumawag sa 911 kung makita mo ang mga sumusunod na pang-emergency na babala ng COVID-19:
- Problema sa paghinga
- Tuloy-tuloy na pananakit o paninikip ng dibdib
- Biglaang pagkalito
- Kawalan ng kakayahang gumising o manatiling gising
- Namumutla, kulay abo o bughaw na balat, labi, o ilalim ng kuko, depende sa tunay na kulay ng balat
- Anong mga grupo ang nanganganib?
- Maaaring mas nanganganib na magkasakit nang malubha dahil sa COVID-19 ang mga nakakatanda, taong may anumang edad na may umiiral nang medikal na kondisyon, at babaeng buntis.
Paano ko mapoprotektahan ang sarili at pamilya ko?
- Magpabakuna at manatiling updated.Manatili sa bahay kung may sakit ka.
- Pag-isipang magsuot ng mask.Umiwas sa mga lugar na matao at may hindi maayos na bentilasyon.
- Madalas na maghugas ng kamay gamit ang sabon at tubig, o gumamit ng hand sanitizer.Takpan ang bibig at ilong kapag umuubo at bumabahin gamit ang siko mo o tisyu.
- Iwasang hawakan ang iyong mukha, bibig, ilong, o mata gamit ang hindi pa nahuhugasang kamay.Kung mayroon kang mga sintomas ng COVID-19, magpatingin sa provider mo ng pangangalagang pangkalusugan. Kung wala kang provider o insurance sa kalusugan, maaaring kumuha ng mga libreng telehealth appointment (Ingles) sa tulong ng Department of Health (DOH, Kagawaran ng Kalusugan).
- Pumunta sa mga tindahan at pampublikong lugar nang mas ligtas
-
Maaari mong isaisip ang maraming bagay upang maprotektahan ang iyong sarili at ang ibang tao bago at pagkatapos mong lumabas at habang nasa labas ka ng bahay.
Bago lumabas:
- Hangga't maaari, huwag pumunta sa tindahan o sa iba pang pampublikong lugar kung may sakit ka. Ipakuha sa miyembro ng pamilya o kaibigan ang mga bagay na kailangan mo.
- Pag-isipang mag-order ng grocery, gamot, at iba pang item online na ipapahatid sa iyong bahay.
Habang nasa loob ng gusali sa matataong lugar:
- Magsuot ng mask na pantakip sa iyong ilong at bibig.
- Magsuot ng mask na pantakip sa iyong ilong at bibig.
- Magpanatili ng distansiya sa pagitan mo at ng ibang tao, kasama na ang kapag nasa pila upang magbayad.Magtakip kapag umuubo o bumabahin.Huwag hawakan ang iyong mukha gamit ang hindi pa nahuhugasang kamay.Kung mamimili ka sa labas, gumamit ng hand sanitizer o antiseptic wipes para linisin ang hawakan ng cart o shopping basket.
-
Ano ang dapat mong malaman kung ikaw ay buntis
- Ang mga taong buntis o nagbuntis kamakailan ay mas nanganganib na magkasakit nang malubha dahil sa COVID-19 kaysa sa mga taong hindi buntis.
- Ang mga taong nahawahan ng COVID-19 habang nagbubuntis ay nanganganib ding makaranas ng preterm birth (panganganak nang mas maaga sa 37 linggo) at stillbirth (pagkamatay ng sanggol bago ipanganak o habang ipinapanganak), at maaaring manganib na magkaroon ng iba pang komplikasyon sa panganganak.
- Dapat gawin ng mga taong buntis o nagbuntis kamakailan at ng mga taong nakasalamuha nila ang mga hakbang na ito upang maprotektahan ang kanilang mga sarili laban sa pagkalat ng COVID-19:
- Magpabakuna at manatiling updated.Pag-isipang magsuot ng mask sa matataong lugar.Umiwas sa mga lugar na matao at may hindi maayos na bentilasyon.Magpasuri upang hindi maikalat ang COVID-19 sa ibang tao.Maghugas ng kamay nang madalas at takpan ang bibig at ilong kapag umuubo at bumabahin gamit ang siko mo o tisyu.
- Regular na linisin at i-disinfect ang iyong bahay.
- Subaybayan ang kalusugan mo araw-araw.
Agad na tawagan ang provider nila ng pangangalagang pangkalusugan kung mayroon silang anumang alalahanin tungkol sa kanilang pagbubuntis, kung magkasakit sila, o kung sa tingin nila ay mayroon silang COVID-19.
Pagbubuntis at bakuna sa COVID-19
- Inirerekomenda ang pagbabakuna sa COVID-19 para sa mga taong buntis, nagpapasuso, sumusubok na magbuntis, o maaaring magbuntis sa hinaharap.
- Mas marami nang ebidensiya tungkol sa pagiging ligtas at mabisa ng pagbabakuna laban sa COVID-19 sa panahon ng pagbubuntis. Batay sa datos, mas malaki ang benepisyong hatid ng pagtanggap ng bakuna sa COVID-19 kaysa sa anumang napag-alaman na o posibleng panganib na hatid ng pagbabakuna sa panahon ng pagbubuntis.
- Ang mga indibidwal na buntis ay dapat tumanggap ng updated na dosis ng bakuna sa COVID-19 kung angkop. Ang mga bakuna sa COVID-19 ay hindi nagdudulot ng impeksiyon ng COVID-19, kahit na sa mga taong buntis o sa kanilang mga sanggol.
- Sa kasalukuyan, walang ebidensiya na ang anumang bakuna, kasama na ang mga bakuna sa COVID-19, ay nagdudulot ng problema sa kakayahang magkaanak ng mga babae o lalaki.
- Ikaw ba ay buntis at may iba pang tanong tungkol sa bakuna sa COVID-19? Makipag-usap sa iyong provider ng pangangalagang pangkalusugan o makipag-ugnayan sa MotherToBaby, na may mga ekspertong handang sumagot sa mga tanong sa telepono o chat. Magagamit ang libre at kumpidensiyal na serbisyo mula Lunes hanggang Biyernes, nang 8 a.m. hanggang 5 p.m. Pumunta sa MotherToBaby (nasa wikang Ingles) upang mag-chat nang live o magpadala ng email, o tumawag sa 1-866-626-6847 (magagamit lang sa English at Spanish).
Paano mag-alaga ng bagong silang na sanggol na may COVID-19
- Ang karamihan ng bagong silang na sanggol ng mga taong nagka-COVID-19 habang buntis ay walang COVID-19 pagkapanganak.
- Ang karamihan ng bagong silang na sanggol na nagpositibo sa COVID-19 ay nagkaroon ng mga banayad na sintomas o walang naging sintomas at gumaling. Ayon sa mga ulat, nagkaroon ng malubhang sakit dahil sa COVID-19 ang ilang bagong silang na sanggol.
- Kung nakabukod ka dahil sa COVID-19 at mayroon kang bagong silang na sanggol, gawin ang mga sumusunod na pag-iingat hanggang sa matapos ang iyong panahon ng pagbukod:
- Manatili sa bahay upang ihiwalay ang iyong sarili sa ibang taong hindi nakatira kasama mo.
- Bumukod (lumayo) sa ibang miyembro ng sambahayan na hindi nahawahan at magsuot ng mask sa mga lugar na ginagamit ng lahat.
- Maghanap ng malusog na tagapagbigay-alagang updated at hindi higit na namemeligrong magkasakit nang malala, upang mag-alaga sa iyong bagong silang na sanggol.
- Sundin ang mga inirerekomendang pag-iingat kung kailangan mong alagaan ang iyong bagong silang na sanggol bago matapos ang pagbukod mo, kasama na ang pagsusuot ng mask kapag kalong o pinapasuso mo ang iyong sanggol.
- Subaybayan kung magkakaroon ng sintomas ng COVID-19 ang iyong bagong silang na sanggol.
- Batay sa kasalukuyang ebidensiya, maliit ang posibilidad na maipasa ang virus sa mga sanggol sa pamamagitan ng pagpapasuso. Ayon sa mga kamakailang pag-aaral, ang mga taong nabakunahan laban sa COVID-19 ay nagpapasa ng mga pamprotektang antibody sa kanilang sanggol sa pamamagitan ng pagpapasuso. Kung mayroon kang COVID-19 at nagpasya kang magpasuso o nagpapasuso ka:
- Maghugas ng kamay bago mag-alaga.
- Magsuot ng mask habang nag-aalaga o nagpapasuso at tuwing malapit ka sa iyong sanggol sa loob ng anim na talampakan (dalawang metro).
Ang Perinatal Support Washington Warm Line (Linya ng Pagdamay ng Washington para sa Suporta Bago at Pagkatapos Manganak) ay magagamit ng lahat ng bago at magiging magulang, o ng kanilang mga mahal sa buhay, sa tuwing kailangan nila ng impormasyon at suporta sa kalusugan ng pag-iisip. Tumawag sa Perinatal Support Washington Warm Line sa 1-888-404-7763 o pumunta sa www.perinatalsupport.org/warm-line (nasa wikang Ingles). Mag-text o mag-email sa warmline@perinatalsupport.org.
Mahalaga ang paghingi ng tulong. Sinasagot ang warm line mula Lunes hanggang Biyernes, nang 9 a.m. hanggang 4:30 p.m. (sa English at Spanish lang). Tuwing gabi, Sabado at Linggo, mangyaring mag-iwan ng mensahe at tatawagan ka namin sa loob ng 1-12 oras. Ang aming linya ng suporta ay pinangangasiwaan ng mga social worker, lisensiyadong therapist, o magulang na nakaranas ng depresyon o pagkabalisa pagkatapos manganak.
- Alagaan ang sarili at pamilya mo
-
- Manatiling may sapat na kaalaman tungkol sa mga kasalukuyang rekomendasyon sa tulong ng impormasyon mula sa mga mapagkakatiwalaang media outlet, lokal na ahensiyang pangkalusugan at ahensiya ng kalusugan ng publiko, at update mula sa mga website para sa kalusugan ng publiko.
- Gumawa ng listahan ng mga dulugan sa komunidad, gaya ng mga numero ng telepono, website, at social media account. Maaari ka ring magdagdag ng mga paaralan, doktor, organisasyon ng pampublikong kalusugan, serbisyong panlipunan, sentro ng komunidad para sa kalusugan ng pag-iisip, at hotline.
- Manatiling nakikipag-ugnayan sa pamilya at mga kaibigan sa telepono o mga online na serbisyo.
- Maghanda ng mga pangunahing gamit na pangkalusugan (gaya ng sabon, hand sanitizer na alkohol, tisyu, thermometer, gamot na pampababa ng lagnat, at testing kit sa bahay para sa COVID-19).
- Subukang magtabi ng supply ng gamot na ginagamit mo o ng mga miyembro ng iyong pamilya nang regular.
Suporta para sa mga batang miyembro ng iyong pamilya
- Humingi ng tuloy-tuloy na suporta at koneksiyon mula sa iyong mga kaibigan at pamilya sa pamamagitan ng pakikipag-usap sa kanila sa telepono, text, email, o social media.
- Kung ikinalulungkot ng iyong mga anak ang mga naririnig nilang balita, huwag kalimutang magpahinga muna. Kausapin sila para linawin ang anumang impormasyong maaaring makuha nila sa Internet o sa iba pang pinagkukunan.
- Pagtuunan ang pagsuporta sa mga bata, hikayatin silang magtanong at tulungan silang unawain ang kasalukuyang sitwasyon.
- Talakayin at tanggapin ang mga nararamdaman mo.
- Tulungan silang ipahayag ang kanilang mga nararamdaman sa pamamagitan ng pagguhit o iba pang aktibidad.
- Damayan sila at maging higit pang mapagpasensiya kaysa sa nakasanayan.