Inirerekomenda ng Centers for Disease Control and Prevention (CDC, Mga Sentro para sa Pagkontrol at Pag-iwas sa Sakit) (English lang) na ang lahat ng 6 buwan pataas ay dapat kumuha ng updated na bakuna sa COVID-19 para sa 2024-2025.
Ang mga taong updated ay may mas mababang peligrong magkasakit nang malubha, maospital, at mamatay dahil sa COVID-19 kaysa sa mga taong hindi pa nabakunahan o hindi pa nakatapos ng dosis na inirerekomenda para sa kanila ng CDC.
Ang karamihan ng taong may edad na 5 taon pataas ay kailangan lang ng 1 updated na dosis para sa 2024-2025 upang maging updated.
Available ang 2 uri ng bakuna sa COVID-19:
- Mga mRNA na bakuna
- Bakuna sa COVID-19 para sa 2024-2025 ng Moderna - available para sa edad na 6 buwan pataas
- Bakuna sa COVID-19 para sa 2024-2025 ng Pfizer - available para sa edad na 6 buwan pataas
- Mga bakunang protein subunit
- Bakuna sa COVID-19 para sa 2024-2025 ng Novavax - available para sa edad na 12 taon pataas
Walang inirerekomendang kahit anong bakuna sa COVID-19 mula sa iba pa kapag higit sa 1 ang available sa mga bakunang inirerekomenda at angkop sa edad.
Tingnan ang ilan sa mga resource na ito sa ibaba upang alamin pa ang tungkol sa mga rekomendasyon sa bakuna sa COVID-19 para sa iyo at sa iyong pamilya:
- Getting Vaccinated to Protect Against COVID-19 Illness - Tagalog (wa.gov)
- COVID-19 Vaccine Reference Guide for children 6 months to 4 years old - Tagalog (wa.gov)
- Protect Yourself Against Respiratory Illnesses - Tagalog (wa.gov)
- Protect Yourself from Long COVID - Tagalog (wa.gov)
Kasalukuyang ina-update ng Department of Health (Kagawaran ng Kalusugan) ng Estado ng Washington ang mga webpage at dokumento upang maitugma sa pinakabagong patnubay ng CDC.
Mga Madalas Itanong
- Bakit dapat kong kunin ang Bakuna sa COVID-19?
-
Mapoprotektahan ka ng mga bakuna sa COVID-19 sa maraming paraan:
- Lubos na nababawasan ng mga ito ang iyong posibilidad na magkaroon ng malubhang sakit kung magkakaroon ka ng COVID-19
- Binabawasan ng ganap na pagpapabakuna ang posibilidad na maospital ka at binabawasan nito ang iyong peligro ng pagkamatay dahil sa COVID-19
- Kung mananatili kang updated sa mga bakuna sa COVID-19, mababawasan ang tsansang magkaroon ka ng Long COVID (English at Spanish lang).
- Dinadagdagan ng pagpapabakuna ang bilang ng mga protektadong tao sa komunidad, na ginagawang mahirap ang pagkalat ng sakit
- Patuloy na pinag-aaralan ng mga eksperto ang kakayahan ng bakunang mapigilan ang mga tao sa pagkalat ng virus sa iba.
Maaari pa ring makuha ng mga taong hindi pa nababakunahan ang virus at maikalat ito sa iba. Hindi maaaring makuha ng ilang tao ang bakuna dahil sa mga medikal na kadahilanan, at dahil dito ay nasa mataas na panganib sila na magkaroon ng COVID-19. Kung hindi ka pa nababakunahan, mas mataas din ang posibilidad na maospital o mamatay ka nang dahil sa isang variant ng COVID-19 (Ingles lamang).Ang pagpapabakuna ay tumutulong na protektahan ka at ang iyong pamilya, mga kapitbahay, at komunidad.
- Saan ko makukuha ang bakuna?
-
Maghanap ng bakuna sa Vaccines.gov (English at Spanish lang).
- May gagastusin ba para sa mga bakuna sa COVID-19?
-
Tulad ng ibang bakuna, ang mga bakuna sa COVID-19 ay saklaw sa karamihan ng plano ng insurance. Patuloy na magiging available nang libre ang mga bakuna sa COVID-19 para sa lahat ng bata sa estado ng Washington hanggang sa kanilang ika-19 na kaarawan sa tulong ng Childhood Vaccine Program (Programa ng Bakuna para sa Kabataan) (English lang). May mga programa rin para sa mga taong nasa hustong gulang na makatutulong upang sagutin ang mga gastos sa pagpapabakuna kung wala silang insurance sa kalusugan o hindi saklaw ng plano nila ang bakuna. Kung ikaw ay nasa hustong gulang na lampas na sa edad na 19 at walang insurance o may hindi sapat na insurance, karapat-dapat kang makatanggap ng bakuna sa COVID-19 para sa 2024-2025 sa murang halaga sa tulong ng isang tagapagbigay-serbisyong kalahok sa Washington State Adult Vaccine Program (AVP, Programa ng Bakuna para sa Taong Nasa Hustong Gulang sa Estado ng Washington) (English lang). Ang iyong tagapagbigay-serbisyo para sa AVP ay maaaring maningil ng bayad para sa pangangasiwa upang maibigay ang bakuna, pero maaari mong hilinging i-waive ang bayad na ito kung hindi mo ito mababayaran. Hindi ka puwedeng talikuran ng isang tagapagbigay-serbisyo para sa AVP kaugnay ng iyong pagtanggap ng bakuna sa COVID-19 kung hindi ka makababayad. Upang makahanap ng mga kalahok na tagapagbigay-serbisyo, gamitin ang mapa ng tagapagbigay-serbisyo para sa AVP (English lang). Puwede mong tawagan ang isang tagapagbigay-serbisyo para sa AVP na malapit sa iyo para sa iba pang impormasyon tungkol sa pagiging available at iskedyul ng produkto.
- Sino ang dapat kumuha ng karagdagang dosis ng bakuna sa COVID-19?
-
Inirerekomenda ng Centers for Disease Control and Prevention (CDC, Mga Sentro para sa Pagkontrol at Pag-iwas sa Sakit) na kumuha ang lahat ng 6 buwan pataas ng hindi bababa sa 1 dosis ng updated na bakuna sa COVID-19 para sa 2024-2025.
- Ang mga batang 6 buwan-4 taon ay maaaring kailangan ng maraming dosis depende sa bilang ng dosis na natanggap dati.
- noong nakaraan nilang dosis.
- Maaaring angkop na tumanggap ng mga karagdagang dosis ang ilang taong immunocompromised. Pag-aralan ang Mga alituntunin ng CDC (English at Spanish lang).
- Anong mangyayari kung nagkasakit ako pagkatapos makuha ang bakuna sa COVID-19?
-
Gaya ng iba pang karaniwang bakuna, karaniwang mayroong mga side effect ang pagpapabakuna sa COVID-19, tulad ng pananakit ng braso, lagnat, sakit ng ulo, o kapaguran pagkatapos magpabakuna. Mga palatandaan ito na gumagana ang bakuna. Alamin pa ang tungkol sa mga side effect na posibleng mangyari pagkakuha ng bakuna sa COVID-19.
Kahit na magkasakit ka pagkatapos matanggap ang bakuna, dapat mong iulat ang masamang kaganapan sa Vaccine Adverse Event Reporting System (VAERS, Sistema sa Pag-ulat ng Masamang Kaganapan sa Bakuna) (Ingles lamang). Ang isang "masamang kaganapan" ay anumang problema sa kalusugan o side effect na nangyayari pagkatapos ng pagbabakuna. Para sa iba pang impormasyon tungkol sa Vaccine Adverse Event Reporting System (VAERS, Sistema ng Pag-uulat sa Masamang Epekto ng Bakuna) at kaligtasan ng bakuna, pumunta sa webpage na Kaligtasan ng Bakuna (English at Spanish lang) ng Department of Health (DOH, Kagawaran ng Kalusugan).
- Pwede ko bang makuha ang bakuna sa COVID-19 kapag kumuha ako ng mga karaniwang bakuna?
-
Oo. Binago ng Advisory Committee on Immunization Practices (ACIP, Komite sa Pagpapayo para sa Mga Kasanayan sa Pagpapabakuna) ang kanilang mga rekomendasyon noong Mayo 12, 2021 Pwede ka na ngayong makakuha ng bakuna sa COVID-19 sa parehong oras na kukunin mo ang ibang bakuna.
Hindi mo kailangang iiskedyul ang mga kinakailangang bakuna para sa paaralan (Ingles lamang) o ibang inirerekomendang bakuna ng iyong anak nang hiwalay sa bakuna para sa COVID-19. Ang appointment para sa bakuna sa COVID-19 ay isa pang pagkakataon para makuha ng iyong anak ang lahat ng inirerekomendang bakuna para sa kanya.
- Pwede ko bang makuha ang bakuna sa COVID-19 kung ako ay buntis, nagpapasuso, o nagpaplanong magingbuntis?
-
Oo, ipinapakita ng datos na ang mga bakuna sa COVID-19 ay ligtas sa panahon ng pagbubuntis. Inirerekomenda ng Centers for Disease Control and Prevention (CDC, Mga Sentro sa Pagkontrol at Pagpigil sa Sakit) (Ingles lamang), American College of Obstetricitans and Gynecologists (ACOG, Amerikanong Kolehiyo ng Mga Obstetricitan at Gynecologist), at Society for Maternal-Fetal Medicine (SMFM, Samahan para sa Medisina para sa Ina-Sanggol) (Ingles lamang) ang bakuna sa COVID-19 para sa mga taong buntis, nagpapasuso, o nagpaplanong maging buntis. Ipinapakita ng ilang pag-aaral na kung nabakunahan ka na, maaaring makakuha rin ang iyong sanggol ng mga antibody laban sa COVID-19 sa pamamagitan ng pagbubuntis at pagpapasuso. Ang mga hindi nabakunahang buntis na nakakakuha ng COVID-19 ay nasa mas mataas na panganib na magkaroon ng malulubhang komplikasyon tulad ng maagang panganganak o stillbirth. Dagdag pa rito, ang mga taong nakakuha ng COVID-19 habang buntis ay dalawa o tatlong beses na mas malamang na mangailangan ng advanced na life support at breathing tube.
Para sa iba pang dulugan tungkol sa pagkuha ng bakuna sa COVID-19 habang buntis at nagpapasuso, pakitingnan ang updated na impormasyong nasa website na One Vax, Two Lives.
- Makakakuha ba ng bakuna ang mga taong wala pang 18?
-
Sa ngayon, awtorisado ang mga brand ng bakuna sa COVID-19 na Pfizer-BioNTech (Pfizer) at Moderna para sa mga batang 6 buwang gulang pataas. May nakalaang bakuna ng Novavax para sa mga 12 taong gulang pataas sa ilalim ng Emergency Use Authorization (EUA, Awtorisasyon sa Pang-emergency na Paggamit).
Maaaring kailanganin ng pahintulot mula sa magulang o tagapag-alaga (nasa wikang Ingles lang) ng mga kabataang wala pang 17 taong gulang upang makuha ang bakuna, maliban na lang kung sila ay legal na emancipated (pinalaya mula sa pangongontrol ng iba).
Alamin sa klinika ng bakuna ang tungkol sa kanilang mga kinakailangan para sa pagpapakita ng katibayan ng pahintulot ng magulang o legal na emancipation (pagkamalaya).
- Bakit ko kailangang mag-alala na baka magkaroon ng COVID-19 ang aking anak?
-
Mula nang nag-umpisa ang pandemya, mahigit 15 milyong bata sa Estados Unidos ang nagkaroon ng COVID-19. Ang mga bagong variant ng COVID-19 ang may kinalaman sa pinakamaraming impeksiyon at pagpapaospital sa Estados Unidos sa kasalukuyan.
Bagamat madalas na mas banayad ang COVID-19 sa mga bata kaysa sa mga nasa hustong gulang, maaari pa ring magkasakit nang malubha ang mga bata at maikalat ang sakit sa mga kaibigan at pamilyang immunocompromised (may kondisyong nagpapahina ng immune system) o may kahinaan sa iba pang paraan. Ang kalahati ng naiulat na pagkamatay ng mga bata dahil sa COVID-19 sa Estados Unidos ay sa mga batang walang umiiral na kondisyon sa kalusugan.
Ang mga batang nahawahan ng COVID-19 ay maaaring magkaroon ng “long COVID-19 (matagalang COVID-19)” o mga nagpapatuloy na sintomas kung saan madalas na kasama ang pagkalito ng isip, pagkapagod, pananakit ng ulo, pagkahilo at pagkapos ng hininga. Ang pagpapabakuna ang pinakamabuting paraan para mapanatiling malusog at ligtas ang mga bata.
Ang mga batang mahahawahan ng COVID-19 ay maaaring may mas malaking panganib na magkaroon ng Multisystem Inflammatory Syndrome (MIS-C, Kalipunan ng mga Sintomas ng Pamamaga ng Maraming Sistema ng Katawan) (nasa wikang Ingles lang). Ang MIS-C ay isang kondisyon kung saan maaaring mamaga ang iba-ibang bahagi ng katawan, kasama na ang puso, baga, bato, utak, balat, mata, o mga gastrointestinal organ. Bagamat hindi pa natutuklasan kung ano ang sanhi ng MIS-C, maraming batang may MIS-C ang nagkaroon dati ng COVID-19 o nakasalamuha ng taong may COVID-19. Maaaring lumala at makamatay ang MIS-C, ngunit ang karamihan ng batang na-diagnose ng ganitong kondisyon ay gumaling sa tulong ng medikal na pangangalaga.
- Paano natin malalaman kung ligtas at mabisa ang mga bakuna para sa mga bata?
-
Upang matiyak na ligtas ang mga bakuna sa COVID-19, pinalawak at pinalakas ng Centers for Disease Control and Prevention (CDC, Mga Sentro sa Pagkontrol at Pag-iwas sa Sakit) ang kakayahan ng bansa na subaybayan ang pagiging ligtas ng bakuna. Bilang resulta, masusubaybayan at matutukoy ng mga eksperto sa pagiging ligtas ng bakuna ang mga problemang maaaring hindi nakita sa mga klinikal na pagsubok ng bakuna sa COVID-19.
Mga dulugan sa COVID_19 para sa mga partikular na grupo
- Mga Bata at Kabataan
-
- Ang Dapat Malaman ng mga Magulang/Tagapag-alaga tungkol sa Pediatric (Pambata) na bakuna sa COVID-19 (PDF)
- Myocarditis pagkatapos ng pagpapabakuna sa COVID-19: ang dapat malaman ng mga magulang at mas nakababatang nasa hustong gulang (PDF)
- Impormasyon sa Bakuna para sa Mga Bata at Kabataang May Mga Espesyal na Pangangailangan sa Pangangalagang Pangkalusugan (PDF) (Ingles lamang)
- Pagpapasuso at/o Mga Buntis na Indibidwal
- Mga Imigrante at Refugee
-
- Gabay sa Talakayan para sa Pagbuo ng Kumpiyansa sa Mga Bakuna sa COVID-19 para sa Mga Imigrante at Refugee (PDF) (Ingles lamang)
- Mga Karaniwang Alalahanin at Impormasyon (PDF)
- Alamin ang Iyong Mga Karapatang May Kaugnayan sa COVID-19 para sa Mga Miyembro ng Komunidad ng Imigrante (WA Immigrant Solidarity Network)
Mahahanap ang mga karagdagang dulugan na partikular sa komunidad sa page sa Pagiging Patas at Pakikipag-ugnayan tungkol sa Bakuna (Ingles lamang).
Mga Tanong
- Hindi nasagot dito ang tanong ko. Paano ko malalaman ang higit pa?
-
Pwedeng ipadala ang mga pangkalahatang tanong sa covid.vaccine@doh.wa.gov.