Care Connect Washington

Kung nagpositibo ka sa pagsusuri sa COVID-19 at kailangan mo ng pagkain o iba pang tulong habang nakabukod, mangyaring tumawag sa hotline para sa impormasyon sa COVID-19 ng estado sa 1-800-525-0127, pagkatapos ay pindutin ang #. Mayroong makukuhang tulong sa wika.

Ang Care Connect Washington ay isang programang nagbibigay ng pagkain at iba pang pangangailangan sa mga taong nagpositibo o nalantad sa COVID-19 at nangangailangan ng suporta upang maibukod ang kanilang sarili o makapag-quarantine sa bahay. Ang Department of Health (Kagawaran ng Kalusugan) ng estado, na nakikipagtulungan sa mga lokal na hurisdiksyon sa kalusugan at sa mga kaakibat ng mga ito, ang nagpapatakbo sa Care Connect Washington sa bawat rehiyon. Ang bawat rehiyon ay nakikipagtulungan sa mga kaakibat sa komunidad upang maiugnay ang mga tao sa mga serbisyo kung saan sila kwalipikado, gaya ng paghahatid ng gamot, pangangalagang pangkalusugan, tulong sa pag-apply para sa kawalan ng trabaho, mga lokal na ahensiya ng pabahay, mapagkukunan ng ayudang pagkain, provider ng childcare (pangangalaga sa bata) at marami pang iba. Ginagawa ang tulong batay sa pangangailangan.

Upang mapanatili sa bahay ang mga taong nakabukod o naka-quarantine, nagbibigay ang Care Connect Washington ng mga gamit gaya ng personal care kit (mga gamit sa personal na pangangalaga), food kit na hindi madaling mapanis, at order ng sariwang pagkain na inihahatid sa kanilang mga bahay. Kung tutukoy ng iba pang mahahalagang pangangailangan, gaya ng tulong pinansyal para sa pagbabayad ng mga bayarin, tutulong ang isang lokal na tagapangasiwa ng pangangalaga sa mga tao na mag-apply para sa mga lokal na mapagkukunan o serbisyo kung saan sila maaaring kwalipikado, o bibigyan sila ng direktang tulong sa pagbabayad ng mga bayarin gaya ng renta, mortgage, at utility. Kapag natapos na ang pagbukod o pag-quarantine, maaaring iugnay ng tagapangasiwa ng pangangalaga ang mga tao sa mga mas pangmatagalang lokal na serbisyong susuporta sa mga kasalukuyang pangangailangang pangkalusugan at panlipunan. Ibinibigay ng Care Connect Washington ang impormasyong kailangan ng mga tao sa wikang gusto nila.

Kung nagpositibo ka sa COVID-19 at kailangan mo ng pagkain o iba pang tulong upang maibukod ang iyong sarili sa bahay, makipag-ugnayan sa Hotline para sa Impormasyon sa COVID-19 sa 1-800-525-0127, pagkatapos ay pindutin ang #. Mayroong makukuhang tulong sa wika. Ang mga oras ng hotline ay:

Mga Madalas Itanong

Care Connect regions map with services in these counties: Grays Harbor, Mason, Thurston, Pacific, Wahkiakum, Lewis, Cowlitz, Clark, Skamania, Clickitat, Yakima, Benton, Franklin, Adams, Lincoln, Ferry, Stevens, Pend Oreille, Spokane, King, Pierce, Snohomish, Skagit, Whatcom

Isang Panrehiyong Pamamaraan sa Tulong para sa COVID-19

Ang Department of Health ng estado, na nakikipagtulungan sa mga lokal na hurisdiksyon sa kalusugan at sa mga kaakibat ng mga ito, ang nagpapatakbo sa Care Connect Washington sa bawat rehiyon. Ang bawat rehiyon ay nakikipagtulungan sa mga kaakibat sa komunidad upang maiugnay ang mga tao sa mga serbisyo kung saan sila kwalipikado, gaya ng paghahatid ng gamot, pangangalagang pangkalusugan, tulong sa pag-apply para sa kawalan ng trabaho, mga lokal na ahensiya ng pabahay, mapagkukunan ng ayudang pagkain, provider ng childcare at marami pang iba.

Saan Makukuha ang mga Serbisyo?

Makukuha ang mga serbisyo sa karamihan ng lugar sa estado ng mga taong papayag na bumukod o mag-quarantine sa bahay ngunit nangangailangan ng tulong para gawin ito.

East Region (Silangang Rehiyon)

Ang Better Health Together (nasa wikang Ingles lang) ang nagsisilbi bilang Care Connect Washington Hub sa mga county ng Adams, Ferry, Lincoln, Pend Oreille, Spokane, at Stevens.

King County

Ang Department of Health (DOH, Kagawaran ng Kalusugan) ang nagsisilbi bilang Care Connect Washington Hub sa King County at ang WithinReach (nasa wikang Ingles lang) ang nagbibigay ng mga serbisyo ng pangangasiwa sa pangangalaga.

North Central Region (Gitnang Hilagang Rehiyon)

Ang DOH ay kasalukuyang nangangasiwa ng mga serbisyo para sa rehiyong ito. Simula Abril 1, 2022, ang Action Health Partners (nasa wikang Ingles lang) ang magsisilbi bilang Care Connect Washington Hub sa mga county ng Chelan, Douglas, Grant at Okanogan.

North Region (Hilagang Rehiyon)

Ang North Sound Accountable Community of Health (nasa wikang Ingles lang) ang nagsisilbi bilang Care Connect Washington Hub sa mga county ng Island, San Juan, Skagit, Snohomish, at Whatcom.

North West Region (Hilagang-kanlurang Rehiyon)

Ang DOH ay kasalukuyang nangangasiwa ng mga serbisyo para sa rehiyong ito nang may mga serbisyong makukuha sa Clallam County.

Pierce County

Ang Elevate Health (nasa wikang Ingles lang) ang nagsisilbi bilang Care Connect Washington Hub sa Pierce County.

South Central Region (Gitnang Timog na Rehiyon)

Ang Providence St. Mary (nasa wikang Ingles lang) ang nagsisilbi bilang Care Connect Washington Hub sa Kittitas, Walla Walla, Whitman, Columbia, Garfield, Asotin, Yakima, Benton at Franklin.

Southwest Region (Timog-kanlurang Rehiyon)

Ang Southwest Washington Accountable Community of Health (SWACH) (nasa wikang Ingles lang) ang nagsisilbi bilang Care Connect Washington Hub sa mga county ng Clark, Klickitat, at Skamania.

West Region (Kanlurang Rehiyon)

Ang Community CarePort (nasa wikang Ingles lang) ng Cascade Pacific Action Alliance ang nagsisilbi bilang Care Connect Washington Hub sa mga county ng Cowlitz, Wahkiakum, Pacific, Grays Harbor, Mason, Thurston, at Lewis.

Mga Madalas Itanong

Makakakuha ba ako ng mga serbisyo ng Care Connect Washington?

Kwalipikado ka para sa mga serbisyo kung ikaw ay nagpositibo sa COVID-19 at aktibong nakabukod sa bahay. Kung ikaw ay malapit na nakasalamuha ng isang taong nagpositibo at naka-quarantine sa bahay, maaari ka ring maging kwalipikado.

Tumawag sa Hotline para sa Impormasyon sa COVID-19 ng Estado sa 1-800-525-0127, pagkatapos ay pindutin ang #. Mayroong makukuhang tulong sa wika. 

  • 6 a.m. hanggang 10 p.m., tuwing Lunes
  • 6 a.m. hanggang 6 p.m., tuwing Martes hanggang Linggo at sa mga idinadaos na piyesta-opisyal ng estado

Makikipag-ugnayan sa iyo ang isang lokal na tagapangasiwa ng pangangalaga upang bumuo ng plano ng pangangalaga na tutugon sa mga pangangailangan mo sa panahon ng pagbukod. Kapag natapos na ang panahon mo ng pagbukod, iuugnay ka ng iyong tagapangasiwa ng pangangalaga sa suporta para sa pangangasiwa ng mas pangmatagalang pangangalaga kung kailangan.

Anong uri ng tulong ang maaari kong asahan?

Tutukuyin ng iyong lokal na tagapangasiwa ng pangangalaga ang mga lokal na mapagkukunang susuporta sa iyo habang ikaw ay nakabukod o naka-quarantine sa bahay. Tutulong din siya sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga pagkain, gamit, at tulong pinansyal sa mga bayarin sa renta, mortgage at utility kung walang lokal na mapagkukunan habang nakabukod o naka-quarantine ka sa bahay. Maaari ka ring iugnay ng iyong tagapangasiwa ng pangangalaga sa mga kailangang serbisyo kasama na ang mga serbisyo ng paghahatid ng gamot, pangangalagang pangkalusugan, pag-apply para sa kawalan ng trabaho, at marami pang iba. Maaaring kasama sa iba pang serbisyo ang pag-ugnay sa mga lokal na ahensiya ng pabahay, mapagkukunan ng ayudang pagkain, sentro ng pangangalagang pangkalusugan, pangangalaga sa nakakatanda, provider ng pangangalaga ng kalusugang may kinalaman sa pag-uugali, provider ng childcare, at iba pang serbisyo sa komunidad na angkop sa kultura. Magkakaiba ang mga serbisyo sa bawat rehiyon. Kapag natapos na ang pagbukod o pag-quarantine, maaari kang iugnay ng iyong tagapangasiwa ng pangangalaga sa mga mas pangmatagalang panrehiyong serbisyong susuporta sa mga kasalukuyang pangangailangan. Ibibigay ng Care Connect Washington ang impormasyong kailangan mo sa wikang gusto mo.

Kwalipikado ba ako para sa Care Connect Washington?

Kwalipikado ka kung:

  • Nagpositibo ka sa COVID-19 o malapit mong nakasalamuha ang isang taong nagpositibo; at
  • Aktibo kang nakabukod o naka-quarantine sa bahay.

Ang mga serbisyo ng Care Connect Washington ay makukuha nang libre ng mga taong kwalipikado. Gagawin ang tulong batay sa pangangailangan.

Saan makukuha ang mga serbisyo ng Care Connect Washington?

Ang Department of Health ng estado, na nakikipagtulungan sa mga lokal na hurisdiksyon sa kalusugan at sa mga kaakibat ng mga ito, ang nagpapatakbo sa Care Connect Washington sa bawat rehiyon. Narito ang isang mapang nagpapakita kung saan kasalukuyang nakukuha ang mga serbisyo:

Care Connect regions map with services in these counties: Grays Harbor, Mason, Thurston, Pacific, Wahkiakum, Lewis, Cowlitz, Clark, Skamania, Clickitat, Yakima, Benton, Franklin, Adams, Lincoln, Ferry, Stevens, Pend Oreille, Spokane, King, Pierce, Snohomish, Skagit, Whatcom
Magkano ang gagastusin para dito?

Wala kang babayaran para sa serbisyong ito. Nakatanggap ang Care Connect Washington ng mga pederal na pondong pansuporta para sa pagtugon sa COVID-19 sa estado ng Washington.

Gaano katagal bago ko matanggap ang tulong?

Pagsisikapang mabuti ng iyong panrehiyong tagapangasiwa ng pangangalaga na maibigay ang tulong sa loob ng isang araw pagkatapos makatanggap ng referral.

Kailangan ko bang manatiling nakabukod o naka-quarantine habang tumatanggap ng tulong?

Oo. Mahalaga ang pagbukod at pag-quarantine upang maiwasan ang pagkalat ng COVID-19 sa ating mga kapitbahay, kaibigan, pamilya, at katrabaho—at upang mabawasan ang mga malawakang negatibong epekto nito sa ating mga komunidad. Kung kailangan mo ng tulong pagkatapos ng iyong pagbukod o pag-quarantine, maaari kang iugnay ng iyong panrehiyong tagapangasiwa ng pangangalaga sa mga mas pangmatagalang serbisyong susuporta sa mga kasalukuyang pangangailangang pangkalusugan at panlipunan.

Ano ang pinagkaiba ng pagbukod at pag-quarantine?

Pagbukod: Kung magpositibo ka sa COVID-19 o mayroon kang mga sintomas, o naghihintay ka ng resulta ng pagsusuri, kailangan mong bumukod upang maiwasan ang pagkalat ng iyong sakit.

Pag-quarantine: Kung ikaw ay nalantad sa COVID-19 ngunit walang mga sintomas, maaaring kailangan mong mag-quarantine, depende sa iyong katayuan sa pagpapabakuna. Maiiwasan nito ang pagkalat ng virus bago mo pa malaman kung may sakit ka.

Sundin ang pinakabagong patnubay (nasa wikang Ingles lang) mula sa CDC (nasa wikang Ingles lang) at DOH (nasa wikang Ingles lang) tungkol sa kung gaano katagal dapat ang iyong pag-quarantine.

Ano ang dapat kong gawin kung lumala ang aking mga sintomas ng COVID-19?

Agad na humingi ng tulong medikal kung lumala ang iyong mga sintomas. Kung magpakita ang isang tao ng alinman sa mga sumusunod na senyales, agad na humingi ng pang-emergency na tulong medikal:

  • Problema sa paghinga
  • Paulit-ulit na pananakit o paninikip ng dibdib
  • Pagkalitong ngayon lang naranasan
  • Kawalan ng kakayahang gumising o manatiling gising
  • Namumutlang labi o mukha

*Hindi kumpleto ang listahang ito. Mangyaring tawagan ang iyong provider ng medikal na serbisyo para sa anupamang ibang sintomas na malubha o nagbibigay sa iyo ng alalahanin.

Kung mayroon kang medikal na emergency at kailangan mong tumawag sa 911, ipaalam sa tauhang ipapadala na mayroon o maaaring mayroon kang COVID-19. Kung maaari, magsuot ng pantakip sa mukha bago dumating ang mga pang-emergency na medikal na serbisyo.

Gaano ko katagal maaaring matanggap ang mga serbisyo ng Care Connect Washington?

Tutulungan ka ng iyong panrehiyong tagapangasiwa ng pangangalaga sa loob ng hanggang 21 araw. Sa ilang sitwasyon, maaari kang iugnay ng iyong tagapangasiwa ng pangangalaga sa mga mas pangmatagalang serbisyong susuporta sa mga kasalukuyang pangangailangang pangkalusugan at panlipunan.

Paano gumagana ang Care Connect Washington?

Ang Care Connect Washington ay isang pamamaraan ng pangangalagang pinangangasiwaan, sinusuportahan ng estado, at lokal na nakasentro.

Ang Washington State Department of Health ang namamahala sa panrehiyong pagtugon sa pangangasiwa ng pangangalaga, sumusuporta sa pangangalap at pagsasanay ng tao, nag-uugnay sa mga mapagkukunang pambuong estado at lokal, at nagpapahusay ng mga resulta sa pamamagitan ng pamamahala sa mga nakalap na mapagkukunan, gaya ng mga pondo at teknikal na imprastraktura.

Ang mga indibidwal na rehiyon ay tumutukoy at nagtatalaga ng lakas-paggawa sa komunidad upang magbigay ng tulong at maiugnay ang mga tao sa mga lokal na mapagkukunang susuporta sa matagumpay na pagbukod at pag-quarantine. Nakikipagtulungan ang mga rehiyon sa mga lokal na nagnenegosyo upang i-supply ang mga kailangang gamit at serbisyo, na nakakapag-ambag sa muling pagbangon ng lokal na ekonomiya.

Ang mga tagapangasiwa ng pangangalaga ay itinatalagang magtasa, sumuporta, at magsubaybay sa mga natatanging pangangailangang pangkalusugan at panlipunan ng bawat tao at gumawa ng Plano ng Pagkilos sa Pangangalaga para sa COVID. Iniuugnay ng programa ang mga tao sa mga dulugan sa wikang gusto nila hangga't maaari at sinusubaybayan sila sa kabuuan ng proseso upang tiyakin na sila ay nasusuportahan.

Paano ninyo poprotektahan ang aking impormasyon?

Kukumpirmahin ng iyong tagapangasiwa ng pangangalaga ang impormasyong makukuha niya mula sa Hotline para sa Impormasyon sa COVID-19 at magtatanong siya tungkol sa iyong mga pangangailangan. Mananatiling kumpidensyal ang anumang impormasyong ibabahagi mo sa iyong tagapangasiwa ng pangangalaga. Gagamitin ang impormasyon ng mga empleyadong nagbibigay ng mga serbisyo ng pangangasiwa sa pangangalaga at ng Department of Health upang tukuyin ang mahahalagang serbisyong maaaring kailangan mo. Hindi sila magbabahagi ng personal o pribadong impormasyong pangkalusugan.

Paano pinipigilan ng Care Connect Washington ang pagkalat ng COVID-19?

Ang mga taong nakakatanggap ng tulong sa pagtugon sa mahahalagang pangangailangang panlipunan at pangkalusugan ay may mas malaking posibilidad na matagumpay na makatapos ng pagbukod at pag-quarantine sa bahay. Sa pagtiyak na mananatiling nakabukod o naka-quarantine sa bahay ang mga taong nagpositibo sa COVID-19 o nalantad sa isang taong nagpositibo, ang Care Connect Washington ay makakatulong na bawasan ang pagkalat ng COVID-19 at isulong ang muling pagbangon ng ekonomiya. Dahil nakatuon ang sistema sa mga taong may mga pangangailangang pangkalusugan at panlipunan na siyang dahilan kung bakit sila ang may pinakamataas na posibilidad na mahawa ng COVID-19, makakatulong ito na tugunan ang mga kawalan ng pagkakapantay-pantay sa larangan ng kalusugan at suportahan ang mga komunidad na hindi balanseng naaapektuhan ng COVID-19.

Kanino ako makikipag-ugnayan kung may kakilala akong nangangailangan ng suporta mula sa Care Connect Washington?

Kung ikaw o ang isang taong kakilala mo ay aktibong nakabukod o naka-quarantine sa bahay at nangangailangan ng tulong, makipag-ugnayan sa Hotline para sa Impormasyon sa COVID-19 ng Estado.

Hotline para sa Impormasyon sa COVID-19 ng Estado: I-dial ang 1-800-525-0127, pagkatapos ay pindutin ang #. Mayroong makukuhang tulong sa wika.

  • 6 a.m. hanggang 10 p.m., tuwing Lunes
  • 6 a.m. hanggang 6 p.m., tuwing Martes hanggang Linggo at sa mga idinadaos na piyesta-opisyal ng estado
Kasama ba sa Care Connect Washington ang mga serbisyo sa kalusugang may kinalaman sa pag-uugali?

Oo! Matutulungan ka ng iyong tagapangasiwa ng pangangalaga na makakuha ng mga serbisyo sa kalusugang may kinalaman sa pag-uugali sa iyong komunidad.

Makakakuha ba ng mga serbisyo ng suporta para sa pangangasiwa ng pangangalaga ang mga miyembro ng Tribal Nations (Mga Tribong Nasyon)?

Oo. Upang alamin pa ang tungkol dito, mag-email sa COVID19.CareCoordination@doh.wa.gov o tumawag sa 564-999-1565.

Mayroon bang mga serbisyo ng pagsasaling-wika?

Oo. Kapag tumawag ka sa Hotline para sa Impormasyon sa COVID-19 ng Estado sa 1-800-525-0127 at pinindot mo ang #, may makukuhang tulong sa wika.

Kapag naiugnay ka na sa isang tagapangasiwa ng pangangalaga, ibibigay ng Care Connect Washington ang impormasyong kailangan mo sa wikang gusto mo.

Mga Dulugan

  • Webpage ng Mga Dulugan at Rekomendasyon: Maghanap ng impormasyon tungkol sa mga pantakip sa mukha, pag-quarantine, pagbibigay-alaga sa mga pamilya, pagkakalantad sa COVID-19, mga sintomas, at marami pang iba. Maaari mong isaayos ang mga materyal sa wikang gusto mo.