Ang stroke at atake sa puso ay parating itinuturing na emergency. Ngunit alam mo ba ang mga palatandaan ng stroke at atake sa puso?
May kapangyarihan sa pagkakaroon ng kaalaman. Magligtas ng buhay sa pamamagitan ng pag-alam sa mga palatandaan at sintomas, pagkilala kung kailan nangyayari ang mga iyon, at pagtawag sa 911 para sa tulong.
Stroke
- Biglaang pamamanhid o panghihina sa mukha, braso o binti, lalo na sa iisang panig ng katawan
- Biglaang pagkalito o problema sa pag-unawa ng sinasabi
- Biglaang problema sa paningin sa isa o parehong mata
- Biglaang problema sa paglalakad, pagkahilo, o kawalan ng balanse o koordinasyon
- Biglaang malalang sakit ng ulo na walang kilalang dahilan
Atake sa puso
- Pananakit o kawalan ng ginhawa sa dibdib
- Pagkahilo, pagduduwal o pagsusuka
- Pananakit ng panga, leeg o likod
- Kawalan ng ginhawa o pananakit sa braso o balikat
- Pangangapos ng hininga
Kapag sa palagay mo ay posibleng nakakaranas ng stroke o atake sa puso ang isang tao, huwag maghintay. Tumawag kaagad sa 911. Sinanay ang mga tauhan sa mga pang-emergency na medikal na serbisyo para tukuyin ang stroke at atake sa puso at mabilis na dalhin sa ospital ang isang pasyente. Nagagamot ang mga medikal na emergency na ito at kapag mas mabilis na nagamot ang pasyente, mas mabilis siyang makakauwi sa kaniyang pamilya at mga karaniwang ginagawa.