988 na Lifeline laban sa Pagpapakamatay at Krisis

Tawagan, i-text, o i-chat ang 988 para makipag-ugnayan sa National Suicide Prevention Lifeline (NSPL, Pambansang Lifeline para Maiwasan ang Pagpapakamatay) (sa wikang Ingles). Ito ay kompidensiyal, libre, at maaaring magamit nang 24/7/365.

Magagamit ang mga serbisyo sa wikang Espanyol, at may mga serbisyo ng interpretasyon sa mahigit 250 wika. Para sa mga taong bingi, nahihirapang makarinig, at gumagamit ng TTY: Gamitin ang gusto mong relay service o i-dial ang 711, pagkatapos ay 1-800-273-8255.

Puwede kang tumawag sa 988 kung:

  • Nag-iisip na magpakamatay
  • May krisis sa kalusugang mental
  • May alalahanin sa pag-inom ng alak o paggamit ng droga
  • May anumang iba pang uri ng emosyonal na pagkabalisa

Maaari mo ring i-dial ang 988 kung nag-aalala ka sa isang mahal sa buhay na posibleng nangangailangan ng suportang pangkrisis. Ang 988 ay hindi kapalit ng anumang crisis call center sa estado ng Washington. Idinagdag lang ito sa network ng mga provider ng crisis center ng estado. Aktibo pa rin ang 10-digit na numero ng NSPL, na 1-800-273-TALK (8255), tulad lang ng 988.

Para sa mga katanungan tungkol sa programa ng 988, mangyaring mag-email sa 988ProgramInfo@doh.wa.gov. Huwag gamitin ang inbox na ito kung ikaw o isang taong kakilala mo ay nangangailangan ng suportang pangkrisis. Sa halip, tawagan, i-text, o i-chat ang 988.

Tungkol sa 988

  • Kapag nag-dial ka sa 988, ikokonekta ka sa NSPL crisis center.
  • Maaari mong tawagan, i-text, o i-chat ang 988 sa iyong cell phone, land line, o voice-over internet device.
  • Aktibo pa rin ang 10-digit na numero para sa NSPL. Maaari mong i-dial ang kahit alin sa 1-800-273-TALK (8255) o 988.
  • Ang 988 ay kompidensiyal, libre, at maaaring gamitin nang 24/7/365, na tumutulong na ikonekta ang mga taong nakararanas ng krisis sa kalusugang mental o pagpapakamatay  kasama ang mga sinanay na crisis counselor (tagapayo kaugnay sa krisis). Puwede ring i-dial ang 988 ng mga taong nag-aalala para sa isang mahal sa buhay na posibleng kailangan ng suportang pangkrisis.
  • Hindi kailangang magbigay ang mga taong kumokontak sa 988 ng anumang personal na data para makatanggap ng serbisyo. Posibleng subaybayan o irekord ang mga tawag para matiyak ang kalidad ng mga ito o para gamitin sa pagsasanay. Maraming pamamaraan ang network system para matugunan ang mga alalahanin tungkol sa privacy
  • Walang gagawing pagbabago sa Designated Crisis Responders (Mga Nakatalagang Tagaresponde sa Krisis) at sa mga mobile team na tagaresponde sa krisis o sa mga tungkuling ginagampanan ng anumang iba pang panrehiyong serbisyong pangkrisis.
  • Patuloy na mag-operate ang mga NSPL crisis center ayon sa mga pamantayan ng NSPL, at kokonekta pa rin ang mga ito sa mga serbisyo ng 911 at panrehiyong serbisyong pangkrisis tulad nang dati.

Ilulunsad ng Washington ang Native and Strong Lifeline (Lifeline ng Katutubo at Malalakas), na nakatuong maglingkod sa mga kaanib ng mga komunidad ng Katutubong Amerikano at Katutubo ng Alaska ng Washington na tumatawag sa 988. Ang Native and Strong Lifeline ay isang serbisyo ng Washington Indian Behavioral Health Hub (Hub para sa Kalusugang may Kinalaman sa Pag-uugali ng Indian sa Washington) (sa wikang Ingles). Ang Hub ay sentro ng pamamaraan ng buong estado para tugunan ang mga pangangailangan ng komunidad at mga coordinate na kaanib ng Tribo na may mga Pangtribong ahensiya, propesyonal sa pangangalagang pangkalusugan, ospital, at programang inpatient at outpatient. Para sa higit pang impormasyon, mangyaring tingnan ang NativeAndStrong.org (sa wikang Ingles) at ang National Suicide Prevention Lifeline (sa wikang Ingles).

House Bill 1477 at Paggawa sa 988

Noong 2020, pinagtibay ng Federal Communications Commission (FCC, Pederal na Komisyon sa Pakikipag-ugnayan) ang National Suicide Hotline Designation Act (Batas sa Pagtatalaga ng Pambansang Hotline laban sa Pagpapakamatay). Sa tulong ng batas, itinalaga ang 988 bilang bagong pambansang 3-digit na numerong madaling tandaan sa pag-dial, pag-text, at pag-chat para sa sinumang nakararanas ng krisis sa pagpapakamatay o nauugnay sa kalusugang mental.

Sa Washington, ipinasa ng Lehislatura ang House Bill (Batas ng Kongreso) 1477 (E2SHB 1477) (sa wikang Ingles) bilang pansuporta sa 988. Pinahusay at pinalawak nito ang mga serbisyo ng pagtugon sa krisis sa kalusugang may kinalaman sa pag-uugali at pag-iwas sa pagpapakamatay para sa lahat ng tao sa estado ng Washington. Isinabatas ang E2SHB 1477 ni Gobernador Jay Inslee noong Mayo 13, 2021. Kilala rin ang E2SHB 1477 bilang Crisis Call Center Hubs and Crisis Services Act (Batas sa mga Hub ng Crisis Call Center at mga Serbisyong Pangkrisis)

Itinatag din ng E2SHB 1477 ang Komite at Tagapagpasyang Komite para sa Crisis Response Improvement Strategy (CRIS, Estratehiya sa Pagpapabuti ng Pagtugon sa Krisis). Gagawa ang mga komiteng ito ng mga rekomendasyon para sa Gobernador at Lehislatura na tutulong na ipatupad ang pambansang numerong 988 at mga bahagi ng E2SHB 1477. Kung gusto mong lumahok bilang miyembro ng publiko, puwede kang magrehistro para makadalo sa pulong at magpasa ng mga pampublikong komento (sa wikang Ingles).

Para sa kumpletong detalye, pakitingnan ang webpage ng mga Komite para sa Crisis Response Improvement Strategy (CRIS) (sa wikang Ingles).

Mga Crisis Call Center

Isang heat map ng estado ng Washington na may mga county na kinulayan ayon sa crisis call center na sasagot sa mga tawag mula sa mga area code ng mga ito.
Isang mapa ng mga county kung saan sinasagot ng bawat NSPL crisis center ang mga tawag.

 

May tatlong NSPL crisis center sa Washington na sumasagot sa mga tawag sa buong estado:

  • Volunteers of America of Western Washington
  • Frontier Behavioral Health
  • Crisis Connections

Ididirekta ang iyong tawag sa isa sa mga crisis center na ito batay sa mapa sa kanan. Iruruta ang mga tawag ayon sa iyong area code.

Nagha-hire ang mga crisis center ng mga maalagang tao ngayon! Kung interesado ka sa career na nakakatulong sa mga taong nakararanas ng krisis, mag-apply ng trabaho sa isang NSPL crisis center (sa wikang Ingles).

 

Mga Madalas Itanong

Ano ang National Suicide Prevention Lifeline (NSPL) at pinapalitan ba ito ng 988?

Ang NSPL ay isang pambansang network ng mga crisis center na lokal, independiyente, at pinopondohan ng estado. Handa ang mga itong tumugon at tumulong sa mga taong emosyonal na pagkabalisa o nag-iisip na magpakamatay.

Ang 988 ay hindi kapalit ng numero ng telepono ng NSPL ngunit nagbibigay ito ng isa pang mas madaling paraan para maiugnay ang mga tao sa mas maraming crisis center. Maaari kang tumawag sa 988 o 1-800-273-TALK (8255) para makakonekta ka.

Ano ang mangyayari kapag tumawag ako sa 988?

Kapag tumatawag sa 988, makakarinig muna ang mga tumatawag ng mensahe ng pagbati habang iniruruta ang kanilang tawag sa lokal na crisis center mula sa network ng NSPL (batay sa area code ng tumatawag). Sasagutin ng isang sinanay na crisis counselor ang telepono, pakikinggan niya ang tumatawag at uunawain kung paano nakakaapekto sa kanila ang kanilang problema, magbibigay siya ng suporta at magbabahagi ng mga pamamaraan kung kailangan. Kung hindi masasagot ng lokal na crisis center ang tawag, awtomatikong iruruta ang tumatawag sa pambansang backup na crisis center. Nagbibigay ang NSPL ng mga live na serbisyo sa telepono sa crisis center sa wikang Ingles at Espanyol, at gumagamit ito ng Language Line Solutions upang makapagbigay ng mga serbisyo ng pagsasalin sa mahigit 250 karagdagang wika para sa mga taong tumatawag sa 988.

Para sa higit pang impormasyon tungkol sa pagruruta ng tawag, tingnan ang infographic tungkol sa 988 (sa wikang Ingles).

Kailan nag-live sa buong bansa ang 988?

Hulyo 16, 2022. Magagamit ang 988 na dialing code sa buong bansa.

Maaaring makipag-ugnayan ang mga beterano at miyembro ng serbisyo sa Veterans Crisis Line (Linya para sa Krisis ng mga Beterano) (sa wikang Ingles) kapag pinindot ang 1 pagkatapos i-dial o i-text ang 988 (o 1-800-273-TALK (8255)), mag-chat online (sa wikang Ingles), o i-text ang 838255.

Ano ang kinaibahan ng 988 sa 911?

Ginawa ang 988 para mapabuti ang access sa mga serbisyong pangkrisis sa paraang natutugunan ang lumalaking pangangailangan sa pangangalaga para sa krisis na nauugnay sa pagpapakamatay at kalusugang mental ng ating bansa. Nagbibigay ang 988 nang mas madaling paggamit sa network ng NSPL at mga kaugnay na resource na pangkrisis, na naiiba sa mga layunin ng 911 na para sa pampublikong kaligtasan. Nakatuon ang 911 sa paghahatid ng Emergency Medical Services (EMS, Mga Emerhensiyang Serbisyong Medikal), bumbero, at pulis, kung kailangan.

Kung tatawag ako sa 988, awtomatiko bang magpapadala ng mga unang tagaresponde, tulad ng pulis o EMS?

Ang pangunahing layunin ng 988 ay magbigay ng suporta sa mga taong nakararanas ng krisis sa pagpapakamatay o pagkabalisang nauugnay sa kalusugang mental sa mga sandaling pinakakailangan nila ito, at sa paraang nakasentro sa taong nakararanas ng krisis.

Ang lubhang karamihan ay naghahanap ng tulong mula sa 988 ay hindi nangangailangan ng anumang karagdagang interbensiyon sa mismong sandaling iyon. Sa kasalukuyan, mas kaunti sa 2% ng mga tawag sa NSPL ang nangangailangan ng mga serbisyong emerhensiya, tulad ng 911. Bagamat posibleng kailanganing tumugon ng mga pulis at/o EMS kung may isyu sa kaligtasan at kalusugan (kapag may aktong nagtatangkang magpakamatay), layunin ng coordinated na pagtugon ng 988 na isulong ang pagpapatatag at pangangalaga sa paraang hindi gaanong nakakapaglimita.

Ire-refer ba sa 911 ang mga tawag sa 988?

Ang isang maliit na porsiyento ng mga tawag sa 988 ay nangangailangan ng pag-activate sa sistema ng 911 kapag may nakaambang panganib sa buhay ng isang tao na hindi mapapahupa sa tawag lang. Sa mga ganitong pagkakataon, magbabahagi ang crisis counselor sa 911 ng mahalagang impormasyon para masagip ang buhay ng tumatawag.

Irerekord ba ang tawag ko sa 988?

Binanggit sa pagbati ng 988 na posibleng subaybayan o irekord ang mga tawag para matiyak ang kalidad ng mga ito. Karagdagan pa, posibleng hiwalay na gamitin ng mga crisis center sa network ng NSPL ang mga recording ng tawag para sa pagsasanay, depende sa karaniwang ginagawa ng center para sa ikabubuti nito.

Mahalaga ring tandaan na hindi kailangang magbigay ng anumang personal na data ng mga taong kumokontak sa 988 para makatanggap ng serbisyo. Kinikilala ng Substance Abuse and Mental Health Services Administration (SAMHSA, Pangasiwaan ng mga Serbisyo para sa Pag-abuso sa Alak at Droga at Kalusugang Mental) ang kahalagahan at ang inaasahang privacy kapag tumawag sa 988 ang isang tao. Maraming pamamaraan ang network system para matugunan ang mga alalahanin tungkol sa privacy.

Puwede bang gamitin ang 988 para sa alalahanin sa pag-inom ng alak o paggamit ng droga?

Oo, puwede mong i-dial ang 988 para sa alalahanin sa pag-inom ng alak o paggamit ng droga, gayunpaman, kung may emerhensiya dahil sa sobrang dosis, tumawag sa 911 at gumamit ng naloxone.

Paano pinopondohan ang 988?

Nagbigay ng pondo ang Kongreso para sa lakas-paggawa ng Department of Health and Human Services (Kagawaran ng mga Serbisyong Pangkalusugan at Pantao) sa pamamagitan ng American Rescue Plan (Planong Pansagip sa Amerika), at ang ilan dito ay nakalaan sa lakas-paggawa ng 988.

Ang kahilingang budget sa Taon ng Piskal ng Pangulo 2022 ay may nakalaang karagdagang pondo para sa NSPL mismo at para sa iba pang pederal na pinagkukunan ng pondo para sa krisis.

Sa antas ng estado, bukod sa mga kasalukuyang kinukunan ng pondo sa pampubliko/pribadong sektor, sa tulong ng National Suicide Hotline Designation Act (Batas sa Pagtatalaga ng Pambansang Hotline laban sa Pagpapakamatay) ng 2020, nakakapagpatupad ang mga estado ng mga bagong bayarin sa telekomunikasyon bilang pansuporta sa operasyon ng 988.

Nadaragdagan pa ang pondo ng E2SHB 1477 sa tulong ng buwis sa mga linya ng telepono at Voice over Internet Protocol (VoIP) ng Washington.

Sa aling mga wika magagamit ang mga serbisyo ng 988?

Sa kasalukuyan, nagbibigay ang 988 na Lifeline laban sa Pagpapakamatay at Krisis ng mga live na serbisyo ng pagtawag sa crisis center sa wikang Ingles at Espanyol, at gumagamit ito ng Language Line Solutions upang makapagbigay ng mga serbisyo ng translation sa mahigit 250 karagdagang wika. Magagamit lang sa ngayon ang text at chat sa wikang Ingles.

Puwede bang magamit ang 988 ng mga nahihirapang makarinig o bulag?

Sa kasalukuyan, napaglilingkuran ng 988 ang mga gumagamit ng TTY sa pamamagitan ng gusto nilang relay service o pag-dial sa 711, pagkatapos ay 1-800-273-8255. Nag-aalok din ng mga serbisyo ang 988 sa chat at text. Pinapalawak pa ang NSPL sa kasalukuyan para magamit bilang video sa phone upang mapaglingkuran nang mas mabuti ang mga indibiduwal na bingi o nahihirapang makarinig na naghahanap ng tulong gamit ang 988.

Para sa higit pang impormasyon tungkol sa kung ano ang mangyayari kapag tumawag ka sa 988, tingnan itong infographic mula sa NSPL (nasa English).

Ang Substance Abuse and Mental Health Services Administration (SAMHSA) (sa wikang Ingles) ay ang nangungunang pederal na ahensiya, na nakikipagtulungan sa Federal Communications Commission (FCC) (sa wikang Ingles) at sa Department of Veterans Affairs (Kagawaran ng mga Kaganapang Pangbeterano) (sa wikang Ingles). Ang Vibrant Emotional Health (Masiglang Kalusugang Emosyonal) (sa wikang Ingles) ay ang Pambansang Tagapangasiwa ng NSPL at 988.

Mga Dulugan