Iulat ang iyong mga positibong resulta ng pagsusuri sa bahay sa madaling paraan
Ang mga taong bibili ng mga over-the-counter na test kit at makakakuha ng positibong resulta ay dapat tumawag sa hotline para sa COVID-19 ng estado na 1-800-525-0127 at pindutin ang 7. Kapag may sumagot na, sabihin ang iyong wika upang makakuha ng mga serbisyo ng pagsasaling-wika. Magagamit ang hotline tuwing Lunes nang 6 a.m. hanggang 10 p.m., at tuwing Martes hanggang Linggo (at sa mga idinadaos na piyesta-opisyal) nang 6 a.m. hanggang 6 p.m.
Bakit Magpapasuri
Ang pagsusuri ay nakakatulong na magligtas ng buhay. Sa tulong ng pagsusuri, nakakagawa ang mga tao ng mga pag-iingat, tulad ng pag-quarantine, sa tamang oras upang mapigilan ang pagkalat ng virus; maaari pa ring maikalat ng mga nahawahang taong walang mga sintomas ang virus. Nakakatulong din ang pagsusuri sa mga opisyal sa pampublikong kalusugan na matukoy at matugunan ang mga paglaganap ng sakit, at masubaybayan ang mga bagong variant ng virus. Mahalaga ang pagsusuri para maipagpatuloy ang mga karaniwang aktibidad.
Napag-alaman ng mga mananaliksik mula sa University of Washington at Department of Health (DOH, Kagawaran ng Kalusugan) na may posibilidad na ang pagsusuri para sa COVID-19 at pagsubaybay gamit ang WA Notify (Pag-abiso ng Washington) ay nakapigil ng humigit-kumulang sa 6,000 kaso mula Disyembre 2020 hanggang Marso 2021.
Kailan Magpapasuri
Magpasuri kung mayroon kang mga sintomas ng COVID-19 o malapit mong nakasalamuha ang sinumang maaaring positibo sa COVID-19. Dapat kang magpasuri agad kung mayroon kang mga sintomas, o 3-5 araw pagkatapos ng hinihinalang pagkakalantad, kahit na wala kang nararanasang anumang sintomas.
Saan Magpapasuri
Ang website ng Department of Health ng Estado ng Washington ay nagpapanatili ng direktoryo ng mga lugar ng pagsusuri (nasa wikang Ingles) para sa bawat county, na may nakalagay na mga oras ng serbisyo at mga kinakailangan. Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa mga lugar ng pagsusuri, tumawag sa 2-1-1. Mayroon ding mga over the counter na test kit na nao-order at nabibili sa mga botika para sa maginhawang pagsusuri sa bahay.
Maghanap ng Lokasyon ng Pagsusuri na Malapit sa Akin (nasa wikang Ingles)
Mga Uri ng Pagsusuri
Kasama sa mga kasalukuyang pagsusuri ang rapid antigen test, molecular test (na ginagawa sa laboratoryo at sa lugar kung saan inaalagaan ang pasyente), at ilang sariling pagsusuri sa bahay. Iba-iba ang dami ng supply ng anumang partikular na pagsusuri ayon sa pangangailangan at sa kapasidad ng manufacturer.
- Mga Pagsusuri sa COVID-19: Ano ang ibig nitong sabihin para sa akin? (nasa wikang Ingles)
Gastos
Walang gagastusin mula sa sariling bulsa para sa mga pagsusuring gagawin sa county o sa mga lugar ng pagsusuri na sinusuportahan ng estado. Maraming pagsusuri, partikular na ang para sa mga taong nakakaranas ng mga sintomas, ang maaaring singilin sa insurance o gawing subsidy ng Department of Health. Nakasaad sa direktoryo ang mga lugar ng pagsusuri na naniningil ng bayarin para sa serbisyo. Ang karamihan ng pagsusuri para sa pagbiyahe ay hindi saklaw ng insurance o ng mga programang sinusuportahan ng estado.
Paano Gumagana ang Pagsusuri
Ginagawa ang karamihan ng pagsusuri gamit ang swab sa ilong. Maaaring isagawa ang ilang pagsusuri sa pamamagitan ng pagkolekta ng laway. Marami pang detalye ang makikita sa page ng mga madalas itanong tungkol sa pagsusuri.
Pag-follow Up
Manatili sa bahay hangga't maaari kung mayroon kang mga sintomas. Kung magpositibo ka sa pagsusuri, mag-quarantine (ayon sa mga alituntunin ng DOH/Centers for Disease Control and Prevention (CDC, Mga Sentro sa Pagkontrol at Pag-iwas sa Sakit)) at humingi ng tulong gamit ang Care Connect.