Bakuna sa COVID-19

Libreng makakatanggap ng bakuna sa COVID-19 ang lahat ng taong may edad na 6 buwan pataas anupaman ang kanilang katayuan sa imigrasyon.

Pauwi na at kailangan ng bakuna sa COVID-19? Mangyaring tingnan dito

Huling na-update ang nilalaman noong 12/09/2022

Ang mga updated na rekomendasyon para sa booster na dosis ng Centers for Disease Control and Prevention (CDC) ay ang sumusunod:

  • Ang mga batang 6 buwan-5 taon na nakatanggap ng orihinal na monovalent na bakuna sa COVID-19 ng Moderna ay angkop na ngayong tumanggap ng updated na bivalent booster 2 buwan pagkatapos ng pangunahing serye.
  • Ang bakuna sa COVID-19 ng Pfizer para sa mga batang 6 buwan-4 taon ay may kasama na ngayong 2 monovalent na dosis ng Pfizer at 1 bivalent na dosis ng Pfizer.
    • Ang mga batang 6 buwan-4 taon na hindi pa nakapagsimula ng pangunahing serye ng Pfizer na may 3 dosis o hindi pa nakatanggap ng ikatlong dosis ng kanilang pangunahing serye ay tatanggap na ngayon ng updated na serye ng Pfizer
    • Ang mga batang 6 buwan-4 taon na nakatapos na ng pangunahing serye ng Pfizer na may 3 dosis ay hindi angkop para sa mga karagdagang dosis o booster sa ngayon
  • Available ang mga booster sa COVID-19 ng Novavax para sa mga taong nasa hustong gulang kung nakumpleto nila ang pangunahing serye ng bakuna ngunit hindi pa nakatanggap dati ng booster sa COVID-19—at kung hindi sila puwedeng tumanggap o hindi sila tatanggap ng updated na mRNA booster.

Gusto ka naming bigyan ng impormasyong kailangan mo. Patuloy ka naming bibigyan ng update para makagawa ka ng mga desisyong batay sa kaalaman para sa iyong kalusugan.

Anong kailangan kong malaman kung kukuha ako ng bakuna sa COVID-19?

Paano ko makukuha ang aking bakuna?

Bisitahin ang Tagahanap ng Bakuna para makahanap at mag-iskedyul ng appointment.

Pwede mo ring i-text ang iyong ZIP code sa 438-829 (GET VAX) para sa mga lokasyon ng pagpapabakuna malapit sa iyo.

Mayroon ka bang mga tanong tungkol sa bakuna sa COVID-19? Kailangan mo ba ng tulong sa paghahanap ng appointment para magpabakuna? Tumawag sa Hotline ng Impormasyon tungkol sa COVID-19 sa 1-800-525-0127, at pagkatapos ay pindutin ang #. Mayroong tulong sa wika.

Kung nag-i-iskedyul ka ng appointment para sa iyong ikalawang dosis ng bakuna (Moderna/Spikevax o Pfizer/Comirnaty), dapat kunin mo ang bakunang pareho sa iyong unang dosis.

Kung pauwi ka o ang isang kakilala mo, sumagot ng secure na online form (Ingles). Magbibigay-daan sa amin ang mga sagot mo para ikonekta ang mga indibidwal sa mga available na Mobile na Team sa Pagpapabakuna ng County at/o Estado.

Para sa ibang isyung may kaugnayan sa COVID-19, tulad ng pabahay, tulong sa utilidad, o insurance sa kalusugan, tumawag sa 211 o bisitahin ang wa211.org

Para sa higit pang impomrasyon, tingnan ang sheet ng impormasyon na Mga Bakuna sa COVID-19: Ano ang Dapat Malaman.

Kailangan bang mamamayan ako ng U.S. para makakuha ng bakuna?

Hindi. Hindi kailangang mamamayan ka ng U.S. para makakuha ng bakuna. Ang ibig sabihin niyon ay hindi mo kailangan ng social security number, o iba pang dokumentong naglalaman ng katayuan mo sa imigrasyon para makuha ang bakuna. Maaaring tanungin ng ilang provider ng bakuna ang social security number, pero hindi mo ito kailangang ibigay.

Hindi kailangang maging mamamayan ng U.S. ng iyong anak para makakuha ng bakuna. Hindi magtatanong ang mga provider ng pangangalagang pangkalusugan tungkol sa katayuan sa imigrasyon ng sinuman. Sa karamihan ng mga kaso, kakailanganing magbigay ng mga magulang at tagapag-alaga ng pahintulot para mabakunahan ang kabataang wala pang 18 taong gulang.

Inirerekomenda ng Washington State Department of Health (Departamento ng Kalusugan ng Estado ng Washington) na magpabakuna ang lahat ng taong may edad na 6 buwan pataas.

Sisingilin ba ako para sa bakuna?

Hindi. Hindi ka dapat singilin ng anuman kapag nagpabakuna ka, o makatanggap ng bill mula sa iyong provider o pasilidad para sa pagpapabakuna. Nalalapat ito sa mga taong may pribadong insurance, may Apple Health (Medicaid), may Medicare, o walang insurance.

Kung kukuha ka ng iba pang serbisyo habang ikaw ay nasa provider mo para magpabakuna, posible kang makakuha ng bill para sa pagpapatingin sa tanggapan. Para maiwasan ito, maaari mong tanungin muna ang iyong provider tungkol sa gastusin.

Kung wala kang insurance sa kalusugan, hindi ka maaaring singilin ng mga provider para sa bakuna at posibleng lumalabag sila sa mga kinakailangan ng programa sa pagpapabakuna sa COVID-19. Mangyaring mag-email sa covid.vaccine@doh.wa.gov kung siningil ka.

Kung mayroon kang insurance sa kalusugan at siningil ka, makipag-ugnayan muna sa iyong plano ng insurance. Kung hindi nito malulutas ang isyu, maaari ka ring maghain ng reklamo (Ingles) sa Office of the Insurance Commissioner (Tanggapan ng Komisyonado sa Insurance).

  • Tumawag sa 800-562-6900 para sa serbisyo ng interpreter sa telepono (available sa higit sa 100 wika nang wala kang babayaran)
  • TDD/TYY: 360-586-0241
  • TDD: 800-833-6384
Paano kung wala akong insurance sa kalusugan?

Kung wala kang saklaw ng insurance, sabihin ito sa iyong provider. Makakapagpabakuna ka pa rin nang walang bayad.

Kung hindi ako sisingilin para sa bakuna, bakit hinihingi ang aking impormasyon sa insurance sa kalusugan?

Kapag nagpabakuna ka, maaaring tanungin ng iyong provider ng bakuna kung mayroon kang card ng insurance. Ito ay para ma-reimburse sila para sa pagbibigay sa iyo ng bakuna (singil sa pagbibigay ng bakuna). Sabihin sa iyong provider kung wala kang insurance. Makakapagpabakuna ka pa rin nang walang bayad.

Ano ang singil sa pagbibigay ng bakuna at sinong nagbabayad para dito?

Ang singil sa pagbibigay ng bakuna ay ang sinisingil ng provider ng pangangalagang pangkalusugan para bigyan ka ng bakuna. Hiwalay ito mula sa gastos para sa bakuna mismo.

Binabayaran ng pederal na pamahalaan ang buong gastos para sa bakuna. Kung mayroon kang pampubliko o pribadong insurance sa kalusugan, maaaring singilin sila ng iyong provider ng bakuna para magpa-reimburse ng singil sa pagbibigay ng bakuna.

Hindi ka dapat singilin para sa mga gastos mula sa sariling bulsa o makatanggap ng bill mula sa iyong provider para sa singil sa pagbibigay ng bakuna sa COVID-19. Nalalapat ito sa mga taong may pribadong insurance, may Apple Health (Medicaid), may Medicare, o walang insurance.

Aling mga bakuna sa COVID-19 ang maaaring kunin sa kasalukuyan?

Tatlong bakuna ang awtorisadong magamit sa panahon ng emergency o ganap nang aprubado ng U.S. Food and Drug Administration (FDA, Pangasiwaan ng Pagkain at Gamot ng Estados Unidos). Kasalukuyang iniaalok ang mga bakunang ito sa estado ng Washington. Inirerekomenda ang mga bakuna ng Pfizer (Comirnaty) at Moderna (Spikevax) kaysa sa bakuna ng Johnson & Johnson dahil sa bihirang panganib na magkaroon ng kondisyong tinatawag na thrombosis na may thrombocytopenia syndrome (TTS) at Guillain-Barré syndrome.

Bakuna sa COVID-19 ng Pfizer-BioNTech (Comirnaty):

3 dosis ang ibinibigay sa mga batang 6 buwan hanggang 4 taong gulang. Dapat ibigay ang unang 2 dosis nang may 21 araw na agwat at ang ikatlong dosis 8 linggo pagkatapos ng ikalawang dosis.

Ito ay bakunang may dalawang dosis, na ibinibigay nang may 21 araw na pagitan, at:

  • Ang mga taong immunocompromised at nakakuha ng mRNA na bakuna sa COVID-19 na may 2 dosis ay dapat makatanggap ng karagdagang pangunahing dosis.
  • Ang lahat ng 5 taong gulang pataas ay dapat makatanggap ng updated na booster na dosis na bivalent (panlaban sa 2 antigen), 2 buwan pagkakumpleto ng kanilang pangunahing serye ng bakuna o nakaraang booster na dosis. Ang mga batang 5 taong gulang na nakatanggap ng Pfizer ay maaari lang makatanggap ng updated na bivalent booster ng Pfizer. Ang mga 6 taong gulang pataas ay dapat makatanggap ng updated na bivalent booster ng Pfizer o Moderna kahit ano pa ang kanilang pangunahing serye.

Ituturing kang updated sa mga bakuna sa COVID-19 kung nakakumpleto ka ng pangunahing serye ng bakuna sa COVID-19 at natanggap mo ang pinakabagong booster na dosis na inirerekomenda para sa iyo ng CDC.

Ganap na aprubado ang bakuna para sa mga taong may edad na 12 pataas, sa ilalim ng pangalang Comirnaty. Awtorisadong magamit ng mga kabataang 6 buwan hanggang 11 taong gulang ang bakuna sa panahon ng emergency. Walang nakita sa mga klinikal na pagsubok na malaking pangyayaring di-inaasahan at nakakasama.

Bakuna sa COVID-19 ng Moderna (Spikevax):

Ito ay bakunang may dalawang dosis, na ibinibigay nang may 28 araw na pagitan, at:

  • Isang karagdagang (ikatlong) dosis ng bakuna para sa mga taong immunocompromised.
  • Inirerekomenda ang updated na bivalent mRNA booster 2 buwan pagkatapos ng huling dosis upang maging updated, para sa mga 6 buwang gulang pataas. Ang mga batang 6 buwan-4 taong gulang ay dapat makatanggap ng updated na bivalent na dosis na may brand na kapareho ng kanilang pangunahing serye. Ang mga batang 5 taong gulang na nakatanggap ng Moderna ay maaaring makatanggap ng updated na bivalent booster ng Moderna o Pfizer. Ang mga 6 taong gulang pataas ay dapat makatanggap ng updated na bivalent booster ng Pfizer o Moderna kahit ano pa ang kanilang pangunahing serye.

Ganap na aprubado ang bakunang ito para sa mga indibidwal na 18 taong gulang pataas. May bakuna ang Moderna para sa mga batang 6 buwan – 17 taon sa ilalim ng Emergency Use Authorization (EUA, Awtorisasyon sa Pang-emergency na Paggamit). Ituturing kang updated sa mga bakuna sa COVID-19 kung nakakumpleto ka ng pangunahing serye ng bakuna sa COVID-19 at natanggap mo ang pinakabagong booster na dosis na inirerekomenda para sa iyo ng CDC. Walang nakita sa mga klinikal na pagsubok na malaking pangyayaring di-inaasahan at nakakasama.

Bakuna sa COVID-19 ng Johnson & Johnson – Janssen:

Awtorisadong magamit ng mga indibidwal na 18 taong gulang pataas ang bakunang ito sa panahon ng emergency. Ito ay bakunang may isang dosis (isang iniksyon). Ituturing kang updated sa mga bakuna sa COVID-19 kung nakakumpleto ka ng pangunahing serye ng bakuna sa COVID-19 at natanggap mo ang pinakabagong booster na dosis na inirerekomenda para sa iyo ng CDC. Ang lahat ng 18 taong gulang pataas ay dapat makatanggap ng updated na bivalent booster na dosis, 2 buwan pagkatapos makumpleto ang kanilang pangunahing serye ng bakuna o nakaraang booster na dosis. Walang nakita sa mga klinikal na pagsubok na malaking pangyayaring di-inaasahan at nakakasama. Inirerekomenda ang mga bakuna ng Pfizer at Moderna sa halip na bakuna ng Johnson & Johnson.

Bakuna sa COVID-19 ng Novavax:

  • Dosis na ibinigay nang may 21 araw na pagitan, sa mga 12 taong gulang pataas
  • Ang lahat ng 12 taong gulang pataas ay dapat makatanggap ng updated na bivalent booster na dosis, 2 buwan pagkatapos makumpleto ang kanilang pangunahing serye ng bakuna o nakaraang booster na dosis.
  • Maaari ding piliin ng mga taong edad 18 pataas na makatanggap ng booster ng Novavax kung hindi sila puwedeng tumanggap o hindi sila tatanggap ng updated na mRNA booster.

Awtorisadong magamit ng mga indibidwal na 12 taong gulang pataas ang bakunang ito sa panahon ng emergency. Ituturing kang updated sa mga bakuna sa COVID-19 kung nakakumpleto ka ng pangunahing serye ng bakuna sa COVID-19 at natanggap mo ang pinakabagong booster na dosis na inirerekomenda para sa iyo ng CDC.

Walang nakita sa mga klinikal na pagsubok na malaking pangyayaring di-inaasahan at nakakasama.

Kung huli ako para sa ikalawang dosis, kailangan ko bang ulitin ang serye ng bakuna?

Hindi. Kung huli ka para sa ikalawang dosis, hindi mo kailangang ulitin ang serye ng bakuna.

Kunin ang ikalawang dosis sa lalong madaling panahon pagkatapos lumipas ng inirerekomendang bilang ng araw pagkatapos ng iyong unang dosis.

Mahalagang makuha ang parehong dosis, kahit gaano katagal man ang pagitan ng dalawang dosis.

Kung immunocompromised ka at kwalipikado ka para sa karagdagang dosis, kailangan mong maghintay ng hindi bababa sa 28 araw pagkatapos ng iyong ikalawang dosis.

Pwede ko bang makuha ang bakuna sa COVID-19 kung ako ay buntis, nagpapasuso, o nagpaplanong magingbuntis?

Oo, ipinapakita ng datos na ang mga bakuna sa COVID-19 ay ligtas sa panahon ng pagbubuntis. Inirerekomenda ng Centers for Disease Control and Prevention (CDC, Mga Sentro sa Pagkontrol at Pagpigil sa Sakit) (Ingles lamang), American College of Obstetricitans and Gynecologists (ACOG, Amerikanong Kolehiyo ng Mga Obstetricitan at Gynecologist), at Society for Maternal-Fetal Medicine (SMFM, Samahan para sa Medisina para sa Ina-Sanggol) (Ingles lamang) ang bakuna sa COVID-19 para sa mga taong buntis, nagpapasuso, o nagpaplanong maging buntis. Ipinapakita ng ilang pag-aaral na kung nabakunahan ka na, maaaring makakuha rin ang iyong sanggol ng mga antibody laban sa COVID-19 sa pamamagitan ng pagbubuntis at pagpapasuso. Ang mga hindi nabakunahang buntis na nakakakuha ng COVID-19 ay nasa mas mataas na panganib na magkaroon ng malulubhang komplikasyon tulad ng maagang panganganak o stillbirth. Dagdag pa rito, ang mga taong nakakuha ng COVID-19 habang buntis ay dalawa o tatlong beses na mas malamang na mangailangan ng advanced na life support at breathing tube.

Para sa iba pang dulugan tungkol sa pagkuha ng bakuna sa COVID-19 habang buntis at nagpapasuso, pakitingnan ang updated na impormasyong nasa website na One Vax, Two Lives.

Pwede ko bang makuha ang bakuna sa COVID-19 kapag kumuha ako ng mga karaniwang bakuna?

Oo. Binago ng Advisory Committee on Immunization Practices (ACIP, Komite sa Pagpapayo para sa Mga Kasanayan sa Pagpapabakuna) ang kanilang mga rekomendasyon noong Mayo 12, 2021 Pwede ka na ngayong makakuha ng bakuna sa COVID-19 sa parehong oras na kukunin mo ang ibang bakuna.

Hindi mo kailangang iiskedyul ang mga kinakailangang bakuna para sa paaralan (Ingles lamang) o ibang inirerekomendang bakuna ng iyong anak nang hiwalay sa bakuna para sa COVID-19. Ang appointment para sa bakuna sa COVID-19 ay isa pang pagkakataon para makuha ng iyong anak ang lahat ng inirerekomendang bakuna para sa kanya.

Ano ang card na talaan ng pagpapabakuna?

Dapat kang makatanggap ng papel na card ng pagpapabakuna kapag kinuha mo ang iyong unang dosis ng bakuna sa COVID-19. Nakalagay sa card na ito kung aling uri ng bakuna ang nakuha mo (Comirnaty/Pfizer-BioNTech, Spikevax/Moderna, o Johnson & Johnson) at ang petsa kung kailan mo ito natanggap.

Kung bakuna ng Comirnaty/Pfizer-BioNTech o Spikevax/Moderna ang nakuha mo, dapat i-book ng iyong provider (tagapagbigay ng bakuna) ang appointment mo para sa ikalawang dosis habang naroon ka para sa iyong unang dosis. Itabi ang card upang makumpleto ito ng provider mo ng bakuna pagkatapos ng iyong ikalawang dosis.

Kung kukuha ka ng karagdagang dosis o booster na dosis, dapat mo ring dalhin sa appointment mo ang iyong card na talaan ng pagpapabakuna. Itatala ng iyong provider ng bakuna ang tungkol sa dosis.

Narito ang ilang kapaki-pakinabang na tip na dapat tandaan pagdating sa pangangasiwa ng iyong card ng pagpapabakuna:

  • Itabi ang iyong card ng pagpapabakuna habang hindi pa tapos ang pagkuha mo ng mga dosis at kapag tapos na ito.
  • Kunan ng litrato ang harap at likod ng iyong card upang magkaroon ka ng digital na kopya na handang magamit.
  • Maaari mo itong i-email sa iyong sarili, gawan ng album, o lagyan ng tag nang sa gayon ay madali mo itong mahanap muli.
  • Magdala ng photocopy kung gusto mo.

Matatanggap mo pa rin ang iyong ikawalang dosis kahit na hindi mo dalhin ang iyong card ng pagpapabakuna sa appointment mo. Hilingin sa iyong provider na alamin ang uri (brand) ng bakuna na natanggap mo bilang unang dosis upang tiyakin na iyon pa rin ang muli mong makukuha. Kung mawala mo ang iyong card ng pagpapabakuna, mag-log in sa MyIR (My Immunization Registry (Aking Rehistro ng Pagpapabakuna)) (nasa wikang Ingles lang) upang tingnan ang iyong talaan ng pagpapabakuna sa COVID-19, at pagkatapos ay kunan ng screenshot o litrato ang impormasyon. Kung wala kang account, maaari kang mag-sign up sa MyIR anumang oras.

Pakitandaan na maaaring hindi agaran ang pagberipika sa iyong mga talaan sa pamamagitan ng MyIR, at limitado lang sa wikang Ingles ang paggamit nito sa kasalukuyan. Mayroong live na tulong sa telepono para sa mga tanong sa MyIRmobile o talaan ng pagpapabakuna sa pamamagitan ng pagtawag sa hotline ng Department of Health COVID-19 (COVID-19 ng Kagawaran ng Kalusugan) sa 833-VAX-HELP o pag-email sa waiisrecords@doh.wa.gov.

Kaligtasan at Pagkabisa

Bakit dapat kong kunin ang Bakuna sa COVID-19?

Talagang nasa iyo ang desisyong kumuha ng bakuna sa COVID-19, pero kailangan natin na magpabakuna ang maraming tao hangga't maaari para matapos ang pandemyang ito. Mas mahirap para sa virus ng COVID-19 na kumalat kapag immune o hindi tatablan ang maraming tao sa isang komunidad – sa pamamagitan ng pagpapabakuna o kamakailang impeksyon. Kung mas mataas ang ating rate ng pagpapabakuna, mas mababa ang ating rate ng impeksyon.

Mapoprotektahan ka ng mga bakuna sa COVID-19 sa maraming paraan:

  • Lubos na nababawasan ng mga ito ang iyong posibilidad na magkaroon ng malubhang sakit kung magkakaroon ka ng COVID-19
  • Binabawasan ng ganap na pagpapabakuna ang posibilidad na maospital ka at binabawasan nito ang iyong peligro ng pagkamatay dahil sa COVID-19
  • Dinadagdagan ng pagpapabakuna ang bilang ng mga protektadong tao sa komunidad, na ginagawang mahirap ang pagkalat ng sakit
  • Patuloy na pinag-aaralan ng mga eksperto ang kakayahan ng bakunang mapigilan ang mga tao sa pagkalat ng virus sa iba.

Kapag ganap ka nang nabakunahan, posible pa ring magkaroon ka ng COVID-19, ngunit mas mababa ang posibilidad na ito kumpara sa kung hindi ka nabakunahan.

Maaari pa ring makuha ng mga taong hindi pa nababakunahan ang virus at maikalat ito sa iba. Hindi maaaring makuha ng ilang tao ang bakuna dahil sa mga medikal na kadahilanan, at dahil dito ay nasa mataas na panganib sila na magkaroon ng COVID-19. Kung hindi ka pa nababakunahan, mas mataas din ang posibilidad na maospital o mamatay ka nang dahil sa isang variant ng COVID-19 (Ingles lamang).Ang pagpapabakuna ay tumutulong na protektahan ka at ang iyong pamilya, mga kapitbahay, at komunidad.

Bakit dapat kong kunin ang bakuna sa COVID-19 kung nabubuhay naman ang karamihan sa mga tao kahit nagkasakit sila?

Hindi lamang kamatayan ang panganib ng COVID-19. Ang karamihan sa mga taong nagkakaroon ng COVID-19 ay may mga banayad na sintomas lamang. Gayunpaman, labis na hindi mahuhulaan ang magiging epekto ng virus, at alam natin na mas may posibilidad na magkasakit ka dahil sa ilan sa mga variant ng COVID-19 (Ingles lamang). Maaaring magkaroon ng malubhang sakit o mamatay ang ilang tao dahil sa COVID-19, kahit ang mga batang walang paulit-ulit o hindi gumagaling na kondisyon sa kalusugan. Ang iba, na kilala bilang “COVID long-haulers” (mga may nagtatagal na sintomas), ay maaaring magkaroon ng mga sintomas na tumatagal nang ilang buwan at nakakaapekto sa kalidad ng kanilang buhay. Hindi pa rin natin alam ang lahat ng pangmatagalang epekto ng COVID-19 dahil isa itong bagong virus. Ang pagpapabakuna ay ang ating pinakamabisang proteksyon laban sa virus. Kahit na bata at malusog ka pa, dapat kang kumuha ng bakuna sa COVID-19.

Ano ang variant ng COVID-19?

Nagmu-mutate (nagbabago) ang mga virus habang kumakalat ito mula sa isang tao patungo sa isa pang tao. Ang 'variant' ay isang nag-mutate na strain ng virus. Nawawala ang ilang variant sa paglipas ng panahon at patuloy na kumakalat sa mga komunidad ang ilan.

Tinutukoy ng Centers for Disease Control and Prevention (CDC) (Ingles lamang) ang mga variant ng virus na nakakabahala. Sa kasalukuyan, may ilang variant na nakakabahala dahil mas mabilis at mas madaling kumakalat ang mga ito, na nagdudulot ng mas maraming impeksyon ng COVID-19.

Gumagana ba ang bakuna sa COVID-19 laban sa mga variant strain?

Ang mga kasalukuyang bakuna sa COVID-19 na mayroon tayo sa Estados Unidos ay mabisang gumagana para pigilan ang malubhang pagkakasakit, pagpapaospital, at pagkamatay, kahit na pa laban sa mga variant. Gayunpaman, napansin ng mga eksperto sa pampublikong kalusugan na nabawasan ang proteksyon laban sa banayad at katamtamang sakit na COVID-19, lalo na sa mga populasyong may mataas na panganib.

Ginawa ang mga updated na booster para palakasin ang immunity at magbigay ng mas mabisang proteksiyon laban sa omicron variant. Mahalagang makuha ang lahat ng inirerekomendang dosis na available para sa pinakamabisang proteksiyon.

Ang pagpapabakuna ang pinakamabuting paraan para maprotektahan ka, ang iyong mga mahal sa buhay, at ang iyong komunidad. Babawasan ng malawak na pagpapabakuna ang pagkalat ng virus at tutulong itong pigilan ang pagkalat ng mga bagong variant ng virus.

Paano natin alam na ligtas ang mga bakuna?

Upang matiyak na ligtas ang mga bakuna sa COVID-19, pinalawak at pinalakas ng Centers for Disease Control and Prevention (CDC, Mga Sentro sa Pagkontrol at Pag-iwas sa Sakit) ang kakayahan ng bansa na subaybayan ang pagiging ligtas ng bakuna. Bilang resulta, masusubaybayan at matutukoy ng mga eksperto sa pagiging ligtas ng bakuna ang mga problemang maaaring hindi nakita sa mga klinikal na pagsubok ng bakuna sa COVID-19.

Ano ang balita tungkol sa bakuna ng Johnson & Johnson?

Mula noong Disyembre 2021, inirerekomenda ng Washington State Department of Health (DOH, Kagawaran ng Kalusugan ng Estado ng Washington) na piliin mong kumuha ng mRNA na bakuna sa COVID-19 ng (Pfizer-BioNTech o Moderna) sa halip na isang iniksyon ng bakuna ng Johnson & Johnson (J&J).

Nakakasunod ang update na ito sa patnubay mula sa Centers for Disease Control and Prevention (CDC, Mga Sentro sa Pagkontrol at Pag-iwas sa Sakit) pagkatapos magpakita ng bagong data tungkol sa dalawang bihirang kondisyong nangyayari kasunod ng pagpapabakuna ng J&J.

Iniuugnay lang ang mga kondisyong ito sa bakuna sa COVID-19 ng J&J, hindi sa mga bakuna ng Pfizer o Moderna. Para sa mga taong kasalukuyang naghahangad na magpabakuna sa COVID-19, inirerekomenda ng DOH ang mga bakuna ng Moderna at Pfizer. Gayunpaman, mayroon pa ring bakuna ng J&J kung hindi ka makakakuha o hindi ka handang kumuha ng alinman sa mga bakunang iyon. Mangyaring makipag-ugnayan sa isang provider ng pangangalagang pangkalusugan upang pag-usapan ang tungkol sa iyong mga opsiyon.

Kung nakatanggap ka ng bakuna sa COVID-19 ng J&J sa loob ng nakalipas na tatlong linggo o plano mong kumuha ng bakuna sa COVID-19 ng J&J, alamin ang mga babala tungkol sa isang uri ng pamumuo ng dugo na dulot ng TTS. Kasama sa mga ito ang malubhang pananakit ng ulo, pananakit ng puson, pananakit ng binti, at/o pangangapos ng hininga. Kung nararanasan mo ang alinman sa mga sintomas na ito, mangyaring magpagamot agad.

Normal ang pagkakaroon ng mga banayad hanggang katamtamang sintomas, kasama na ang lagnat, pananakit ng ulo, pagkapagod at pananakit ng kasukasuan/kalamnan, sa unang linggo pagkatapos makatanggap ng anumang bakuna sa COVID-19. Ang mga side effect na ito ay kadalasang nagsisimula sa loob ng tatlong araw pagkatapos magpabakuna at dapat lang tumagal nang ilang araw.

Ano ang ibig sabihin kapag may pag-apruba ng FDA ang isang bakuna?

Para sa ganap na pag-apruba, mas matagal na sinusuri ng FDA ang data kumpara sa awtorisasyon para sa pang-emergency na paggamit. Para mabigyan ang bakuna ng ganap na pag-apruba, dapat magpakita ang data ng mataas na antas ng kaligtasan, bisa, at kontrol sa kalidad sa paggawa ng bakuna.

Nagbibigay-daan ang emergency use authorization (EUA, awtorisasyon para sa pang-emergency na paggamit) sa FDA na gawing available ang isang produkto sa panahon ng idineklarang estado ng emergency bago ito magkaroon ng buong lisensya. Ang layunin ng EUA ay tiyakin na makakakuha ang mga tao ng mga bakuna na nakakasagip ng buhay bago ang mas pangmatagalan na pagsusuri ng data. Gayunpaman, kailangan pa rin ng EUA ng masinsinang pagsusuri ng klinikal na datos–sa loob lamang ng mas maikling panahon. Ang anumang EUA na inaaprubahan ng FDA ay higit na sinusuri ng Scientific Safety Review Workgroup (Grupo sa Paggawa ng Siyentipikong Pagsusuri ng Kaligtasan), bilang bahagi ng Western States Pact (Kasunduan ng Mga Estado sa Kanluran) (Ingles lamang).

Ano ang Western States Pact?

Nagbigay ang workgroup na ito ng isa pang layer ng ekspertong pagsusuri tungkol sa kaligtasan ng bakuna. Kabilang sa panel ang mga ekspertong itinalaga ng lahat ng miyembrong estado, at mga siyentipikong kinikilala sa buong bansa na dalubhasa tungkol sa pagpapabakuna at pampublikong kalusugan. Upang makipagtrabaho at makipagtulungan nang mabuti sa mga estado sa kanluran noong idineklara ang COVID-19 bilang emergency sa kalusugan, sinuri ng panel na ito ang lahat ng datos na bukas sa publiko kasabay ng mga pederal na pagsusuri para sa 4 bakunang mayroon tayo sa kasalukuyan sa estado ng Washington. Sa pagpapatuloy natin sa bagong yugto ng pagbangon mula sa pandemya, nabuwag na ang Western States Pact (Kasunduan ng mga Estado sa Kanluran), at ang lahat ng awtorisasyon sa paggamit ng bakuna sa mga estado sa kanluran ay pagpapasyahan ng Food and Drug Administration (FDA, Pangasiwaan ng Pagkain at Gamot) at ang lahat ng rekomendasyon sa bakuna ay manggagaling sa Centers for Disease Control and Prevention (CDC, Mga Sentro sa Pagkontrol at Pag-iwas sa Sakit.

Basahin ang mga natuklasan ng Western States Scientific Safety Review Workgroup:

Paano gagana ang isang bakuna sa COVID-19 sa aking katawan?

Panoorin ang video na ito tungkol sa kung paano gumagana ang mga bakuna sa iyong katawan.

Mga mRNA na bakuna (Mga Bakuna sa COVID-19 ng Pfizer at Moderna)

Dalawa sa mga available na bakuna ay tinatawag na messenger RNA (mRNA) na bakuna.

Tinuturuan ng mga mRNA na bakuna ang iyong mga cell na gumawa ng hindi nakakapinsalang piraso ng spike na protina ng coronavirus. Nakikita ng iyong immune system na hindi nabibilang ang protinang iyon, at magsisimulang gumawa ng mga antibody ang iyong katawan. Naaalala ng mga antibody na ito kung paano labanan ang COVID-19 kung sakaling magkaroon ka ng impeksyon sa hinaharap. Kapag nagpabakuna ka, bumubuo ka ng immunity sa COVID-19 nang hindi kailangang magkasakit ka. Kapag nagawa na nito ang trabaho nito, mabilis na nasisira ang mRNA at inaalis ito ng katawan sa loob ng ilang araw.

Mga viral vector na bakuna (Bakuna sa COVID-19 ng Johnson & Johnson)

Ang isa sa mga bakuna sa COVID-19 ay tinatawag na viral vector na bakuna.

Ginagawa ang mga vector na bakuna gamit ang pinahinang bersyon ng virus (virus na iba sa nagdudulot ng COVID-19). Tinuturuan ng mga bakunang ito ang iyong mga cell na gumawa ng hindi nakakapinsalang piraso ng spike na protina ng coronavirus. Nakikita ng iyong immune system na hindi nabibilang ang protinang iyon, at magsisimula itong gumawa ng mga antibody. Natututunan ng iyong katawan kung paano ka protektahan laban sa impeksyon sa COVID-19 sa hinaharap, nang hindi kailangang magkasakit ka muna.

Mayroong isang dosis ang vector na bakunang mayroon kami. Karaniwang umaabot nang humigit-kumulang dalawang linggo pagkatapos ng iyong dosis para magkaroon ka ng lubos na proteksyon.

Mga bakunang protein subunit (Bakuna sa COVID-19 ng Novavax)

Ang bakunang protein subunit ay isa sa mga bakuna sa COVID-19 na awtorisado ng Food and Drug Administration (FDA, Pangasiwaan ng Pagkain at Gamot). Naglalaman ang bakunang protein subunit ng mga piraso ng virus (protina) na sanhi ng COVID-19 (na ginawa nang hindi gumagamit ng anumang buhay na virus), nang may additive na tumutulong sa bakuna na gumana nang mas mabisa sa katawan. Kapag alam na ng immune system mo kung paano tumugon sa spike protein, mabilis na nitong matutugunan ang aktuwal na virus at mapoprotektahan ka laban sa COVID-19. Hindi magdudulot ng impeksiyon ang mga bakunang subunit sa virus na sanhi ng COVID-19, at hindi ito humahalo sa ating DNA.

Ang available na bakunang viral subunit ay bakunang may 2 dosis. Sa karaniwan, nagkakaroon ng ganap na proteksiyon sa loob ng humigit-kumulang 2 linggo pagkatapos ng ikalawang dosis.

Minsan ay nagdudulot ang pagpapabakuna ng mababang lagnat o mga sintomas na katulad ng sa sipon, ngunit hindi nakakapinsala ang mga ito.

Para sa higit pang impormasyon, tingnan ang mga mapagkukunang ito: Snapshot ng Mga Bakuna sa COVID-19 at Mga Bakuna sa COVID-19: Ano ang Dapat Malaman.

Kapag sapat na ang tao sa komunidad na kayang labanan ang coronavirus, wala na itong mapupuntahan. Nangangahulugan itong mas mabilis nating mapipigilan ang pagkalat at mas malalapit tayo sa pagtapos sa pandemyang ito.

Paano ginagawa ang mga bakuna sa COVID-19?

Ipinapaliwanag ng maikling video na ito kung paano ginagawa ang mga bakuna sa COVID.

Ano ang isang MRNA na bakuna?

Ang messenger RNA, o mRNA na bakuna ay isang bagong uri ng bakuna. Tinuturan ng mga mRNA na bakuna ang iyong mga cell kung paano gumawa ng hindi nakakapinsalang piraso ng "spike na protina." Ang spike na protina ay ang nakikita mo sa labas ng coronavirus. Nakikita ng iyong immune system na hindi nabibilang ang protinang iyon, at magsisimulang gumawa ng immune response at mga antibody ang iyong katawan. Katulad ito ng kung anong nangyayari kapag "natural" tayong nakakauha ng impeksyon sa COVID-19. Kapag nagawa na nito ang trabaho nito, mabilis na nasisira ang mRNA at inaalis ito ng katawan sa loob ng ilang araw.

Kahit na ginamit na namin ang mRNA para sa ibang pangangalagang medikal at pangbeterinaryo sa nakaraan, ang paggawa ng mga bakuna gamit ang pamamaraang ito ay isang malaking pag-usad patungo sa hinaharap ng agham at maaaring mangahulugan ito na mas madaling magagawa ang mga bakuna sa hinaharap.

Maaari kang magbasa ng higit pa tungkol sa kung paano gumagana ang mga mRNA na bakuna sa website ng CDC (Ingles lamang).

Ano ang isang viral vector na bakuna?

Ang ganitong uri ng bakuna ay gumagamit ng pinahinang bersyon ng ibang virus (ang "vector") na nagbibigay ng mga instruksyon sa iyong mga cell. Pumapasok ang vector sa cell at ginagamit nito ang makinarya ng cell para gumawa ng hindi nakakapinsalang piraso ng spike na protina ng COVID-19. Ipinapakita ng cell ang spike na protina sa labas nito, at nakikita ng iyong immune system na hindi ito kabilang doon. Magsisimulang gumawa ang iyong immune system ng mga antibody at ia-activate nito ang iba pang immune cell para labanan kung ano ang sa tingin nito ay impeksyon. Natututunan ng iyong katawan kung paano ka protektahan laban sa impeksyon sa COVID-19 sa hinaharap, nang hindi kailangang magkasakit ka muna.

Ano ang bakunang protein subunit?

Ang bakunang protein subunit ay isa sa mga bakuna sa COVID-19 na awtorisado ng Food and Drug Administration (FDA, Pangasiwaan ng Pagkain at Gamot). Naglalaman ang bakunang protein subunit ng mga piraso ng virus (protina) na sanhi ng COVID-19 (na ginawa nang hindi gumagamit ng anumang buhay na virus), nang may additive na tumutulong sa bakuna na gumana nang mas mabisa sa katawan. Kapag alam na ng immune system mo kung paano tumugon sa spike protein, mabilis na nitong matutugunan ang aktuwal na virus at mapoprotektahan ka laban sa COVID-19. Hindi magdudulot ng impeksiyon ang mga bakunang subunit sa virus na sanhi ng COVID-19, at hindi ito humahalo sa ating DNA.

Ano ang adjuvant?

Ang adjuvant sa Novavax ay additive na tumutulong na palakasin ang immune response ng katawan.

Anong mga sangkap ang nasa mga bakuna?

Ang mga sangkap sa mga bakuna sa COVID-19 ay karaniwan lamang para sa mga bakuna. Naglalaman ang mga ito ng aktibong sangkap na mRNA o modified adenovirus kasama ang ilang sangkap tulad ng taba, mga asin, at mga asukal na pinoprotektahan ang aktibong sangkap, tinutulungan itong mas mabuting gumana sa katawan, at pinoprotektahan ang bakuna sa pag-imbak at transportasyon.

Ang bakuna sa COVID-19 ng Novavax ay bakunang protein subunit na may lamang additive, at mga taba at asukal na tumutulong sa bakuna na gumana nang mas mabisa sa katawan. Hindi gumagamit ng mRNA ang bakunang ito.

Ang mga bakuna ng Pfizer, Moderna, Novavax at Johnson and Johnson ay walang mga cell ng tao (kabilang ang mga cell ng fetus o hindi pa ipinapanganak na sanggol), virus ng COVID-19, latex, preservative, o by-product ng hayop, kabilang na ang mga produkto ng baboy o gelatin. Hindi pinalalago ang mga bakuna sa mga itlog at walang produkto ng itlog ang mga ito.

Tingnan ang Q&A; webpage mula sa Children's Hospital of Philadelphia (Ingles) na ito para sa higit pang impormasyon tungkol sa mga sangkap. Makikita mo rin ang mga kumpletong listahan ng mga sangkap sa mga dokumento ng impormasyon ng Pfizer, Moderna, Novavax at Johnson & Johnson.

Naglalaman ba ng tisyu ng fetus ang bakuna ng Johnson & Johnson?

Ginawa ang bakuna sa COVID-19 ng Johnson & Johnson gamit ang parehong teknolohiyang ginamit sa maraming iba pang bakuna. Hindi ito naglalaman ng mga bahagi ng fetus o mga cell ng fetus. Ang isang piraso ng bakuna ay gawa sa loob ng mga kopya ng mga cell na pinalago sa laboratoryo na orihinal na nagmula sa mga boluntaryong pagpapalaglag na naganap noong mahigit 35 taon na ang nakalilipas. Mula noon, ang mga hanay ng cell para sa mga bakunang ito ay pinanatili sa laboratoryo at wala ng higit pang ginagamit na pinanggagalingan ng fetal cell para gawin ang mga bakunang ito. Maaaring bago itong impormasyon para sa ilang tao. Gayunpaman, ang mga bakuna para sa bulutong, tigdas-hangin (rubella) at hepatitis A ay ginagawa sa parehong paraan.

Nagdudulot ba ang bakuna sa COVID-19 ng pagkabaog?

Walang siyentipikong ebidensiya na nagdudulot ng pagkabaog o impotence ang mga bakuna. Kapag pumasok ang bakuna sa iyong katawan, gumagana ito kasama ang iyong immune system para gumawa ng mga antibody para labanan ang coronavirus. Hindi nakakagambala ang prosesong ito sa iyong mga organ para sa reproduksiyon.

Inirerekomenda ng Centers for Disease Control and Prevention (CDC) (sa Ingles lamang ang website), American College of Obstetricitans and Gynecologists (ACOG) (Ingles), at Society for Maternal-Fetal Medicine (SMFM) (Ingles) ang bakuna sa COVID-19 para sa mga taong buntis, nagpapasuso, o nagpaplanong maging buntis. Maraming taong nagpabakuna laban sa COVID-19 ay nabuntis na o nanganak na ng malulusog na sanggol mula noon.

Sa kasalukuyan, walang katibayang nagpapakita na ang anumang bakuna, kabilang ang mga bakuna sa COVID-19, ay nagdudulot ng mga problema sa kakayahan ng mga lalaki sa pag-aanak. Tiningnan ng isang kamakailang maliit na pag-aaral ng 45 malusog na lalaki (Ingles) na nakatanggap ng bakuna sa COVID-19 na mRNA (hal., Pfizer-BioNTech of Moderna) ang mga katangian ng sperm, tulad ng dami at paggalaw, bago at pagkatapos ng pagpapabakuna. Walang nakitang malaking pagbabago ang mga mananaliksik sa mga katangian ng sperm na ito pagkatapos ng pagpapabakuna.

Naiugnay ang lagnat mula sa sakit sa panandaliang pagbawas ng produksyon ng sperm sa malulusog na lalaki. Kahit na maaaring pansamantalang side effect ang lagnat ng pagpapabakuna para sa COVID-19, walang kasalukuyang katibayan na nakakaapekto ang lagnat pagkatapos ng pagpapabakuna para sa COVID sa produksyon ng sperm.

Tingnan ang Impormasyon sa mga bakuna sa COVID-19 para sa mga taong nais magkaroon ng sanggol (sa Ingles lamang ang website) ng CDC para sa higit pang impormasyon. Maaari mo ring tingnan ang webpage ng CDC sa Mga Bakuna sa COVID-19 (sa Ingles lamang ang website) para sa impormasyon tungkol sa mga bakuna.

Anong mga uri ng sintomas ang normal pagkatapos makuha ang bakuna?

Tulad ng ibang rutinang bakuna, ang mga pinakakaraniwang side effect ang pamamaga ng braso, pagkapagod, pananakit ng ulo, at pananakit ng kalamnan o muscle.

Ang mga sintomas na ito ay palatandaang gumagana ang bakuna. Sa mga pagsubok sa Pfizer at Moderna, pinakamadalas na nangyayari ang mga side effect na ito sa loob ng dalawang araw mula nang magpabakuna at nagtatagal ito nang humigit-kumulang isang araw. Mas karaniwan ang mga side effect pagkatapos ng pangalawang dosis kaysa sa unang dosis. Sa mga klinikal na pagsubok sa Johnson & Johnson, nagtagal ang mga side effect nang isa hanggang dalawang araw bilang average.

Para sa lahat ng tatlong bakuna, mas hindi malamang na mag-ulat ng mga side effect ang mga taong higit sa 55 taong gulang kumpara sa mga mas bata.

Maaaring makakita ka ng ilang sabi-sabi tungkol sa mga hindi totoong side effect sa online o sa social media. Tiyaking tingnan ang pinanggalingan ng claim na iyon kapag nakakita ka ng anumang claim tungkol sa isang side effect.

Anong mangyayari kung nagkasakit ako pagkatapos makuha ang bakuna sa COVID-19?

Gaya ng iba pang karaniwang bakuna, karaniwang mayroong mga side effect ang pagpapabakuna sa COVID-19, tulad ng pananakit ng braso, lagnat, sakit ng ulo, o kapaguran pagkatapos magpabakuna. Mga palatandaan ito na gumagana ang bakuna. Alamin pa ang tungkol sa mga side effect na posibleng mangyari pagkakuha ng bakuna sa COVID-19.

Kahit na magkasakit ka pagkatapos matanggap ang bakuna, dapat mong iulat ang masamang kaganapan sa Vaccine Adverse Event Reporting System (VAERS, Sistema sa Pag-ulat ng Masamang Kaganapan sa Bakuna) (Ingles lamang). Ang isang "masamang kaganapan" ay anumang problema sa kalusugan o side effect na nangyayari pagkatapos ng pagbabakuna. Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa VAERS, tingnan ang "Ano ang VAERS?" sa ibaba

Ano ang VAERS?

Ang VAERS ay sistema sa maagang pagbababala na pinapangunahan ng Centers for Disease Control and Prevention (CDC) at ng U.S. Food and Drug Administration (FDA). Makakatulong ang VAERS na matuklasan ang mga problemang maaaring may kaugnayan sa bakuna.

Maaaring mag-ulat ng mga posibleng masamang reaksyon sa VAERS (Ingles lamang) ang sinuman (provider ng pangangalagang pangkalusugan, pasyente, caregiver).

May mga limitasyon sa sistema. Ang report sa VAERS ay hindi nangangahulugang ang bakuna ang nagdulot ng reaksyon o ng kinalabasan. Ibig sabihin lang nito na unang nangyari ang pagpapabakuna.

Naka-set up ang VAERS para tulungan ang mga siyentipiko na mapansin ang mga trend o dahilan kung bakit nila kailangang imbestigahan ang isang posibleng problema. Hindi ito listahan ng mga naberipikang kinalalabasan ng pagpapabakuna.

Kapag gumawa ka ng ulat sa VAERS, tinutulungan mo ang CDC at FDA na tukuyin ang mga posibleng alalahanin sa kalusugan at tiyaking ligtas ang mga bakuna. Kung magkaroon ng anumang problema, kikilos sila at aabisuhan ang mga provider ng pangangalagang pangkalusugan tungkol sa mga potensyal na isyu.

Pwede ko bang makuha ang bakuna sa COVID-19 kung nagkaroon na ako ng COVID-19?

Oo, inirerekomenda ng Advisory Committee on Immunization Practices (ACIP, Komite sa Pagpapayo para sa Mga Kasanayan sa Pagpapabakuna) na magpabakuna ang sinumang dati nang nagkaroon ng COVID-19.

Ipinapakita ng datos na hindi karaniwan ang muling magkaroon ng impeksyon ng COVID-19 sa loob ng 90 araw pagkatapos mong magkaroon ng impeksyon, kaya posibleng mayroon kang ilang proteksyon (tinatawag na likas na immunity). Gayunpaman, hindi natin alam kung gaano magtatagal ang likas na immunity.

Ang mga taong may COVID-19 sa kasalukuyan ay dapat na maghintay na bumuti ang kanilang pakiramdam at lumipas ang panahon ng kanilang pagbubukod (isolation).

Ang mga taong kamakailang nalantad sa COVID-19 ay dapat ding maghintay bago magpabakuna pagkatapos ng kanilang panahon ng pag-quarantine, kung ligtas silang makakapag-quarantine nang malayo sa ibang tao. Kung mayroong mataas na panganib na mahawahan nila ang iba, maaari silang mabakunahan sa panahon ng kanilang pag-quarantine para maiwasan ang pagkalat ng sakit.

Mangyaring sumangguni sa aming page ng Pagbukod at Pag-quarantine para sa COVID-19 para sa mga alituntunin sa pagbukod at pag-quarantine.

Pwede ko bang makuha ang bakuna sa COVID-19 kung nagkaroon na ako ng nakaraang allergic na reaksyon sa bakuna?

Hindi dapat ibigay ang bakuna sa mga taong may alam na kasaysayan ng malubhang allergic na reaksyon, tulad ng anaphylaxis, sa dating dosis ng isang mRNA o viral vector na bakuna, o sa anumang sangkap ng bakuna sa COVID-19 ng Pfizer-BioNTech/Comirnaty, Moderna/Spikevax, Novavax o Johnson & Johnson–Janssen.

May posibilidad na ang mga taong nagkaroon ng malubhang allergic na reaksyon sa ibang bakuna o iniiniksyong terapiya ay pwede pa ring makatanggap ng bakuna. Gayunpaman, dapat magsagawa ang mga provider ng pagsusuri ng panganib at payuhan sila tungkol sa mga potensyal na panganib. Kung magpasya ang pasyente na kunin ang bakuna, dapat bantayan sila ng provider nang 30 minuto para subaybayan kung magkakaroon ng anumang agarang reaksyon.

Inirerekomenda ng Advisory Committee on Immunization Practices (ACIP) na bantayan ng mga provider ang lahat ng ibang pasyente nang hindi bababa sa 15 minuto pagkatapos matanggap ang bakuna para subaybayan kung magkakaroon ng allergic na reaksyon. Tingnan ang mga pansamantalang klinikal na konsiderasyon para sa mga mRNA na bakuna (Ingles) ng ACIP para sa higit pang impormasyon.

Mga Kinakailangan sa Bakuna

Kinakailangan ba ang Bakuna sa COVID-19?

Nasa iyo ang desisyon kung kukunin mo ang bakuna para sa COVID-19, pero kinakailangan ito ng ilang employer, kolehiyo, at unibersidad.

Kasalukuyang kinakailangan ng Washington ang bakuna sa COVID-19 para sa:

Ang mga empleyadong ito ay kinakailangang ganap na nabakunahan laban sa COVID-19 (nang hindi bababa sa dalawang linggo pagkatapos makuha ang serye ng bakuna) bago lumipas ang Oktubre 18, 2021. Kasama sa utos ang mga kontratista, boluntaryo, at anumang ibang posisyon na nagtatrabaho sa mga lugar na ito.

Kung kabilang ka sa mga grupong ito o inaatas ng iyong employer o paaralan ang pagpapabakuna laban sa COVID-19, makipag-usap sa iyong departamento ng human resources, employer, o paaralan para malaman kung anong gagawin. Hindi nakikibahagi ang Department of Health sa patakaran ng employer o kolehiyo/unibersidad.

Tutulong ang bakuna na maprotektahan ka at ang mga nasa paligid mo mula sa pagkuha ng COVID-19, at hinihikayat ka naming makipag-usap sa iyong doktor o klinika tungkol sa mga benepisyo

Ano ang kinakailangan sa pagpapabakuna para sa COVID-19 para sa mga empleyado sa K-12?

Noong Agosto 18, 2021, nag-anunsyo si Gobernador Inslee ng direktibang inaatas na ang lahat ng empleyado sa pampubliko o pribadong K–12 na paaralan ay dapat ganap na mabakunahan laban sa COVID-19, o kumuha o ng panrelihiyon o medikal na exemption bago lumipas ang Oktubre 18, 2021.

Nalalapat ang utos sa lahat ng empleyado sa mga lugar para sa edukasyon (sa Ingles lamang ang website), kabilang ang:

  • Mga empleyado at kontratistang nagtatrabaho para sa mga pribadong K-12 na paaralan, pampublikong K-12 na distrito ng paaralan, charter school, at distrito ng serbisyong pang-edukasyon (hindi nalalapat ang utos sa mga state-tribal education compact school o sa mga mag-aaral),
  • Mga provider ng pangangalaga sa bata at maagang pag-aaral na nagsisilbi sa mga bata mula sa iba't ibang sambahayan, at
  • Mga empleyado sa mataas na edukasyon.

Para sa higit pang impormasyon, tingnan ang Kinakailangan sa pagpapabakuna laban sa COVID-19 para sa mga empleyado sa K-12 na paaralan: mga madalas itanong (PDF) (Ingles) (Office of Superintendent of Public Instruction).

Paano ako makakakuha ng exemption mula sa mga kinakailangan sa pagpapabakuna?

Kung kinakailangan ng iyong employer o kolehiyo/unibersidad ang bakuna sa COVID-19, o kailangan mong magpabakuna alinsunod sa proklamasyon noong Agosto 9 (Ingles) o proklemasyon noong Agosto 18 (Ingles) ni Gob. Jay Inslee, dapat kang makipag-ugnayan sa iyong employer o kolehiyo/unibersidad para malaman kung paano sila kumokolekta ng katibayan ng pagpapabakuna, kung mayroon silang patakaran para mag-opt out, at kung anong kakailanganin mong gawin para mag-opt out. Hindi nakikibahagi ang Department of Health sa patakaran ng employer o kolehiyo/unibersidad.

Hindi mo kailangang kumuha ng exemption form mula sa Department of Health (DOH, Departamento ng Kalusugan) para sa bakuna sa COVID-19. Walang exemption form ang DOH para sa bakuna sa COVID-19. Ang Certificate of Exemption (COE, Sertipiko ng Eksensiyon) ng estado ng Washington ay para lamang sa mga magulang/tagapangalaga na gustong i-exempt ang kanilang anak mula sa mga pagpapabakunang kinakailangan para sa mga bata sa mga K-12 na paaralan, preschool, o pangangalaga sa bata. Sa kasalukuyan, hindi kinakailangan ng Washington ang bakuna sa COVID-19 para makadalo ang mga bata sa paaralan o pangangalaga sa bata, kaya hindi ito kabilang sa Certificate of Exemption (COE, Sertipiko ng Eksensiyon).

Mga Paaralan at Pangangalaga sa Bata

Makakakuha ba ng bakuna ang mga taong wala pang 18?

Sa ngayon, awtorisado ang mga brand ng bakuna sa COVID-19 na Pfizer-BioNTech (Pfizer) at Moderna para sa mga batang 6 buwang gulang pataas. May nakalaang bakuna ng Novavax para sa mga 12 taong gulang pataas sa ilalim ng Emergency Use Authorization (EUA, Awtorisasyon sa Pang-emergency na Paggamit).

Maaaring kailanganin ng pahintulot mula sa magulang o tagapag-alaga (nasa wikang Ingles lang) ng mga kabataang wala pang 17 taong gulang upang makuha ang bakuna, maliban na lang kung sila ay legal na emancipated (pinalaya mula sa pangongontrol ng iba). Puntahan ang aming webpage tungkol sa Vaccinating Youth (Pagbabakuna sa Kabataan) para sa karagdagang impormasyon.

Alamin sa klinika ng bakuna ang tungkol sa kanilang mga kinakailangan para sa pagpapakita ng katibayan ng pahintulot ng magulang o legal na emancipation (pagkamalaya).

Iaatas ba ng estado ang pagpapabakuna sa COVID-19 para makapasok sa paaralan ang mga mag-aaral sa K-12?

Ang Washington State Board of Health (Lupon ng Kalusugan ng Estado ng Washington), hindi ang Department of Health (Kagawaran ng Kalusugan), ang may awtoridad na mag-atas ng pagbabakuna para sa mga bata sa mga K-12 na paaralan Revised Code of Washington (RCW, Binagong Kodigo ng Washington) 28A.210.140. Hindi iniaatas ang bakuna sa COVID-19 sa mga paaralan o childcare (pangangalaga sa bata) sa ngayon.

Pwede bang kunin ng aking anak ang ibang bakuna habang kinukuha niya ang kanyang bakuna para sa COVID-19?

Pwede na ngayong makuha ng mga tao ang bakuna sa COVID-19 sa loob ng 14 na araw mula sa ibang bakuna, kabilang ang sa parehong araw.

Magkakaroon ba ng anumang pleksibilidad sa mga kinakailangan sa pagpapabakuna ng paaralan para sa taon ng paaralan na 2022-2023 dahil sa pandemya ng COVID-19?

Ang State Board of Health ang nagpapasya kung dapat magkaroon ng anumang pagbabago sa mga kinakailangan sa pagpapabakuna para sa mga paaralan. Sa puntong ito, mananatiling pareho ang mga kinakailangan sa pagpapabakuna para sa mga paaralan. Kakailanganing matugunan ng mga bata ang mga kinakailangan sa pagpapabakuna bago sila makakapasok sa unang araw ng paaralan.

Buhay pagkatapos Magpabakuna

Ano ang ibig sabihin ng pagiging ganap na nabakunahan?

Ituturing kang updated sa mga bakuna sa COVID-19 kung nakakumpleto ka ng pangunahing serye ng bakuna sa COVID-19 at natanggap mo ang pinakabagong booster na dosis na inirerekomenda para sa iyo ng CDC.

Ano nang dapat kong gawin ngayong ganap na nabakunahan na ako?

Kapag ganap ka nang nabakunahan, dapat kang:

Kung ganap na akong nabakunahan para sa COVID-19, kailangan ko pa bang gumawa ng ibang pag-iingat?

Kahit ganap ka nang nabakunahan, dapat ka/mo pa ring:

  • Maging “updated” sa pamamagitan ng pagkuha ng booster na dosis para sa pinakamabisang proteksyon hangga't maaari.
  • Igalang ang mga patakaran sa kuwarto. Maaari pa ring iatas ng mga lungsod, county, negosyo, kaganapan at venue ang pagsusuot ng mask o ang pagpapakita ng katibayan ng pagpapabakuna/negatibong pagsusuri.
  • Magpasuri kung nakakaranas ng mga sintomas ng COVID-19.
  • Idagdag ang WA Notify sa iyong smartphone upang maalertuhan ka kung maaaring nalantad ka sa COVID-19 at maalertuhan ang iba, nang walang ibinibigay na pagkakakilanlan, kung ikaw ay magpositibo. Ang WA Notify ay ganap na pribado; hindi nito alam kung sino ka at hindi nito sinusubaybayan kung saan ka pumupunta.
  • Magsuot ng mask na maayos na nakalapat sa matataong pampublikong lugar na nasa loob ng gusali para sa pinakamabisang proteksyon hangga't maaari.
  • Sundin ang mga rekomendasyon sa pagbiyahe ng Centers for Disease Control and Prevention (CDC, Mga Sentro sa Pagkontrol at Pag-iwas sa Sakit) at ng kagawaran ng kalusugan.
  • Isagawa ang mga kailangang hakbang sa pag-iingat matapos posibleng malantad sa COVID-19:
Pwede ba akong makipagpulong sa malaking grupo kung nabakunahan na kaming lahat?

Ang mga taong ganap na nabakunahan, na updated rin sa kanilang booster na iniksyon, ay lubos na protektado laban sa COVID-19. Mas ligtas ang mga pagtitipong dadaluhan ng mga taong ganap nang nabakunahan.

Mangyaring tandaan na may ilang tao na maaaring hindi kumportable sa pakikipagtipon – kahit na sa mga lugar na may mababang panganib. Ang iba naman ay maaaring hindi pa handang makipagyakapan at makipagkamayan. At ayos lang iyon. Nagsasanay pa lang ang lahat sa bagong normal, at gusto lang nating lahat na manatiling ligtas at maprotektahan ang ating mga mahal sa buhay.

Kakailanganin ko bang magpakita ng katibayan ng pagpapabakuna?

Maaaring kailangan mong patunayan na nabakunahan ka na laban sa COVID-19 sa ilang partikular na lugar, negosyo, o kaganapan.

Kaya itrato ang iyong papel na card ng pagpapabakuna tulad ng sertipiko ng kapanganakan o ibang opisyal na dokmento! Kunan ito ng litrato at itago ito sa bahay. Magbasa ng higit pa tungkol sa mga card ng pagpapabakuna at rekord ng pagpapabakuna.

Paano kung hindi ako updated sa aking mga bakuna sa COVID-19?

Kung hindi ka pa updated sa iyong mga bakuna sa COVID-19:

  • Maghanap ng libreng bakuna sa COVID-19 na malapit sa iyo!
  • Pag-isipang magsuot ng mask na maayos na nakalapat sa matataong pampublikong lugar na nasa loob ng gusali.
  • Magpasuri sa COVID-19 kung nakakaranas ka ng mga sintomas.
  • Kung magbibiyahe ka, magpasuri sa COVID-19 bago at pagkatapos bumiyahe.
  • Idagdag ang WA Notify sa iyong smartphone upang maalertuhan ka kung maaaring nalantad ka sa COVID-19 at maalertuhan ang iba, nang walang ibinibigay na pagkakakilanlan, kung ikaw ay magpositibo. Ang WA Notify ay ganap na pribado; hindi nito alam kung sino ka at hindi nito sinusubaybayan kung saan ka pumupunta.
Pwede pa rin ba akong magkasakit mula sa COVID-19 kahit pagkatapos kong mabakunahan?

Malabong mangyari ito, pero may maliit na posibilidad. Napakaepektibo ng mga bakuna, pero hindi 100%. Kung mayroon kang mga sintomas na parang COVID-19, (sa Ingles lamang ang website) dapat kang lumayo sa iba at makipag-ugnayan sa provider ng pangangalagang pangkalusugan. Maaaring magrekomenda sila ng pagsusuri para sa COVID-19.

Para sa impormasyon tungkol sa pagsusuri sa COVID-19, pakitingnan ang Impormasyon tungkol sa Pagsusuri.

Pwede pa rin ba akong makahawa ng COVID-19 kahit pagkatapos kong mabakunahan?

Mas kaunti ang nagiging hawahan sa pagitan ng mga taong ganap nang nabakunahan at nakatanggap ng booster na iniksyon. Gayunpaman, ang mga taong updated sa kanilang mga bakuna sa COVID-19 na nahawahan ng COVID-19 ay maaari pa ring magkalat ng virus sa iba.

Ano ang dapat kong gawin kung nalantad ako sa COVID-19?

Mangyaring sumangguni sa aming page ng Pagbukod at Pag-quarantine para sa COVID-19 para sa mga alituntunin sa pagbukod at pag-quarantine.

Paano ko papamahalaan ang stress at pagkabahala dahil sa COVID-19?

Nauunawaan namin na maaaring maapektuhan ng pandemya ang iyong pisikal na kalusugan at kalusugan ng pag-iisip. Hindi ka nag-iisa. Maraming tao sa Washington ang nakakaranas ng stress at pagkabahalang kaugnay ng kahirapan dahil sa pera at trabaho, mga pagsasara ng paaralan, pagkahiwalay sa lipunan, mga alalahanin sa kalusugan, kalungkutan at kawalan, at higit pa. Kabilang dito ang karagdagang pagkabahala na maaaring dala ng pagbalik sa mga pampublikong aktibidad.

Narito ang ilang mapagkukunan na makakatulong sa iyong pamahalaan ang iyong stress at pagkabahala:

Mga Booster at Karagdagang Dosis ng Bakuna

Ano ang pagkakaiba sa pagitan ng karagdagang dosis at booster para sa COVID-19?

Ang karagdagang dosis (na tinatawag din bilang ikatlong dosis) ay para sa mga taong immunocompromised. Minsan, ang mga taong immunocompromised ay hindi bumubuo ng sapat na proteksyon kapag una silang ganap na nabakunahan. Kapag nangyari ito, makakatulong sa kanila ang pagkuha ng isa pang dosis ng bakuna na bumuo ng higit pang proteksyon laban sa sakit.

Ang booster ay isang dosis ng bakuna na ibinibigay sa isang taong nagkaroon ng sapat na proteksyon pagkatapos ng pagpapabakuna, pero nawala ang proteksyong iyon sa kalaunan ng panahon (tinatatawag itong waning immunity (humihinang immunity)). Ito ang dahilan kung bakit dapat kang kumuha ng tetanus booster kada 10 taon, dahil nawawala sa paglipas ng panahon ang proteksyon mula sa iyong serye ng bakuna ng tetanus mula sa kabataan.

Mangyaring pag-aralan ang Mga alituntunin ng Centers for Disease Control and Prevention (CDC, Mga Sentro sa Pagkontrol at Pag-iwas sa Sakit) para sa mga taong immunocompromised (may kondisyong nagpapahina ng immune system) o pumunta sa website ng DOH.

Sino ang dapat kumuha ng karagdagang dosis ng bakuna sa COVID-19?

Mangyaring pag-aralan ang Mga alituntunin ng Centers for Disease Control and Prevention (CDC, Mga Sentro sa Pagkontrol at Pag-iwas sa Sakit) para sa mga taong immunocompromised (may kondisyong nagpapahina ng immune system) o pumunta sa website ng DOH.

Bakit mahalaga ang mga booster na dosis?

Nakakatulong ang mga booster na dosis na magbigay ng tuloy-tuloy na proteksyon laban sa malubhang sakit para sa mga taong may mataas na panganib na magkaroon ng malubhang COVID-19.

Inirerekomenda lang dati ang mga booster na dosis sa mga populasyong lubos na nanganganib na magkaroon ng malubhang COVID-19, ngunit pinalawak ang rekomendasyon upang maisali ang mga 6 buwang gulang pataas para madagdagan ang kanilang proteksiyon laban sa sakit na COVID-19.

Mahalaga ito lalo na ngayong dumarami ang mga variant na higit na nakakahawa at ang mga kaso ng COVID-19 sa buong Estados Unidos.

Ang mga bakuna sa COVID-19 na awtorisado at aprubado sa Estados Unidos ay lubos pa ring mabisa sa pagpapababa ng panganib na magkaroon ng malubhang sakit, maospital, at mamatay dahil sa COVID-19, maging sa paglaban sa mga variant. Gayunpaman, maaaring maiugnay ang mga kasalukuyang bakuna sa paghina ng proteksyon sa paglipas ng panahon. Madaragdagan ng booster na dosis ang proteksyong hatid ng bakuna laban sa COVID-19, at makakatulong ito na patagalin ang immunity.

Mga Karagdagang Sanggunian at Impormasyon

Mga dulugan sa COVID_19 para sa mga partikular na grupo

Mga Bata at Kabataan

Pagpapasuso at/o Mga Buntis na Indibidwal

Mga Imigrante at Refugee

Homebound

Mahahanap ang mga karagdagang dulugan na partikular sa komunidad sa page sa Pagiging Patas at Pakikipag-ugnayan tungkol sa Bakuna (Ingles lamang).

Hindi nasagot dito ang tanong ko. Paano ko malalaman ang higit pa?

Pwedeng ipadala ang mga pangkalahatang tanong sa covid.vaccine@doh.wa.gov.